“Lutang ka ba, Alvin?” tanong sa kanya ni Kent. Nakaurap siya nang dahil dito. Kanina pa bumibigay ang mga talukap ng kanyang mga mata at gusto na niyang matulog pero hindi pwede. Nasa ospital siya at mamaya ay mag-assist siya ng operation ni Kent. “Para kang zombie. Ilang araw ka ng ganyan,” dagdag pa nito. Humikab siya at nagluha pa ang kanyang mga mata. “Honestly, hindi ako nakakatulog ng maayos,” sagot niya. Napakunot ang noo ni Kent sa kanya. “Bakit? Siguro panay noon ka ng p**n tapos napupuyat ka na,” sabi nito sa kanya. Sa inis niya ay hinapas niya ng magazine na nasa center table ang kapwa doktor. “Masakit ah,” reklamo ni Kent sa kanya. Umupo sa tabi niya si Kent at inakbayan siya. “So, tell me what is happening. Nagkakaganyan ka mula nang makatanggap ka ng tawag noong nag-iinuma