DAHIL nakatalikod siya sa binata. Dahan-dahan ang ginawa niyang pagharap dito. Naramdaman pa niya ang paghapit ni Michael sa kanyang baywang saka isiniksik nito ang mukha sa kanyang liig. “Babe!” mahinang tawag ni Cristina sa binata. Bahagya pa niyang hinawi ang buhok nito. “Hmm,” sagot nito sa kanya. Ng hindi siya nito tinitingnan. “May tumatawag sa phone mo,” turan ng dalaga rito. “Hayaan mo siya,” wika ng binata sa kanya. Mas lalo lamang nitong isiniksik ang mukha sa liig ng dalaga, panaka-naka pa niya itong hinahalikan. Bahagyang inilayo ni Cristina ang katawan sa binata. Saka niya ito tiningnan. “Huwag kang ganyan. Baka importante ang tawag na ’yon,” pahayag ni Cristina. “Babangon na ako. Baka nag-aalala na sa ’tin, ang mga tao sa mansion.” Pinakawalan ni Michael si Crist