“SAAN mo nga siya nakilala?” medyo naiiritang tanong ni Michael sa kaibigan. Kasalukuyan silang nakaupo sa sofa sa sala. Katatapos lang nilang kumain ng almusal. Habang si Cristina nasa kitchen area, kasama ang girlfriend ni Romano, pinagtulungan nilang ligpitin ang mga kalat roon. “Naaalala mo no’ng nag-duty tayo sa highway papasok ng Poblacion. Doon ko siya nakita. Actually hindi ko talaga siya kilala, nabasa ko lang sa ID niya ang kanyang pangalan. Tapos nagpakilala rin tuloy ako sa kanya. Hindi ko nga ini-expect na maaalala pa niya ako, kasi sinungitan ako niyan,” kuwento ni Romano. “Saan mo nga pala siya nakilala?” “Kasamahan ko siya sa trabaho,” turan ni Michael sa kaibigan. Biglang nanlaki ang mata ni Romano. “Wow, astig ha. Ang seksing bodyguard no’n, ah.” “Hindi siya bodygua