MATAPOS halikan ni Michael si Cristina, niyakap niya ito ng mahigpit. “Bati na tayo ...” bulong ni Michael sa dalaga. Panaka-naka pa niyang hinahalikan ang ulo ng nobya. Tumingala si Cristina. Tinitigan niya ang mata ng binata, saka magaang hinaplos ang panga nito. “Hindi naman tayo nag-away ah? Nahihiya lang kasi ako sa ’yo, kaya hindi ko sinasagot ang tawag mo,” pag-amin ng dalaga. Sabay yuko at itinago ang mukha sa dibdib ng binata. “ Baka kasi isipin mo easy to get ako. Kunting halik lang, bumigay agad ako sa ’yo.” Hinaplos ni Michael ang buhok ng dalaga. At saka niya ito hinawakan sa magkabilaang pisngi nito. “Wala akong iniisip na ganyan. Mahal na mahal kita ’yon ang isipin mo. Saka walang mali sa ginawa natin, nagmamahalan tayo,” buong pusong pahayag ni Michael. Hinalikan