“ATE! Bakit ang tagal-tagal mo?” reklamo ni Harold kay Cristina. Ihahatid kasi niya ito sa pinapasukang day care center sa kanilang barangay. Kung saan pumapasok ito ng Kinder. Grade one na sana ang kapatid niya kaso na-late ito ng pasok kasi hindi niya ito naintindi no’n. Tapos sunod-sunod pa ang pagkawala ng kanyang ama at ina. Kaya medyo napabayaan si Harold sa pag-aaral. “Baka ma-late ako, ate?” Nasa mukha nito ang excitement. Matapos isuot ang backbag na may logo ni Batman. Agad tinungo ni Harold ang pintuan. “Oo, nandiyan na! Excited ba naman, ang aga-aga pa kaya. Alas-otso pa ang pasok mo. Seven-thirty palang, oh.” Ipinakita pa ni Cristina sa suot niyang relo ang oras kay Harold. “Ate naman eh. Baka maubusan ako ng upuan. Sabi ni Llance kukunti lang daw ang upuan ro’n,” masungit