BAKAS sa mukha ni Michael ang pagkamangha nang makita ang kompanya ni Bryan Mondragon sa Makati. Sa laki nito at taas halos malula ang binata habang tinitingala niya ito mula sa sasakyan ni Calixto. Nang masigurado ni Calixto na maayos niyang nai-parking ang sasakyan. Agad niyang niyaya si Michael na bumaba at tinungo nila ang entrance ng kompanya. Pagtapat nila sa pintuan agad sumaludo ang security guard sa kanila. Isang tango ang isinagot ni Calixto rito at saka tinungo ang elevetor. Pagdating nila ro’n halos pinagtitinginan sila ng mga empleyedo ng kompanya. Lalong-lalo na ang mga kababaihan—titingin sa kanila saka magbubulungan at ang iba naman hindi malaman ang gagawin dahil kinikilig sa kapogian ng dalawa. Naging istant celebrity tuloy sila. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa p