SAMANTALA todo ang ginawang pakiusap ni Cristina sa mga madre ng isang foundation sa Laguna. Ang Ronnel Madrigal Foundation for the Child na nngangalaga ng mga batang ulila at mga kababaihang inaabuso. Balak sana nilang iwan do’n pansamantala sina Janna at Harold at nangangakong babalikan kapag okay na ang lahat. Balak rin sana ni Cristina na lumuwas ng Manila kasama ang pinsan para do’n magtrabaho. Kaso ayaw pumayag ng mga nangangasiwa ro’n. Katuwiran sa kanila ng mga ito ay hindi naman baldado, inabuso o walang pamilya ang mga kapatid. Laglag ang balikat ni Cristina nang siya’y lumabas ng opisina ng foundation. Habang naglalakad sa pasilyo iniisip niya ang mga kapatid. Saan niya kaya puwedeng iwan ang mga kapatid? Hindi naman puwedeng dalhin niya sa Manila ang mga ito at isama sa kanya