“AYAW ko na nga. Busog na busog na ako,” reklamo ni Cristina sa nobyo. “Isa na lang please,” lambing na sabi ni Michael. Inumang pa nito ang kutsara sa bibig ng dalaga na punong-puno ng pagkain. “Saka kailangan busog ka. Baka mamaya gutumin ka.” Inirapan ni Cristina ang nobyo. “Bakit manonood lang naman tayo ng movies, ah?” “Porn kasi panonoorin natin. Tiyak magugutom ka.” Sabay tayo ni Michael. Kinuha ang mga platong ginamit nila at dinala sa lababo. Tumayo si Cristina sa kanyang kinauupuan. Lumapit siya kay Michael na abala sa paghuhugas ng kanilang plato. Walang sabi-sabing piningot niya ang tainga nito. “Puro ka kalokohan. Mag-isa kang manood ng porn!” Ngumisi si Michael. “Baka sakaling makalusot.” Inirapan ni Cristina ang nobyo. Saka tumabi siya rito. “Ako na lang d’yan,