CHAPTER 9

2101 Words
APPLE'S POV'S Nagmamadali ako lumakad upang di na ako mahabol ng baliw na doctor na yon. Bwisit! Kakainis, nandidiri ako. Haist! Bakit ba sila ganuon na sa akin. Pinahiya nila ako. Nakakainis bakit sila ganuon. Pinahiya nila ako ng sobra at pinagmukhang tanga sa harapan ng ibang tao na nakakita sa ginawa nila. Naiinis ako, naiiyak dahil sa mga dinanas ko sa kanila. Hiyang-hiya ako Hiyang-hiya ako sa mga nakakita sa ginawa nilang iyon. Hayyyup! bwisit talaga sila nakakaasar. Papadyak padyak ako na nagmamadali pa rin sa aking paglakad. Hindi ako lumilingon, hindi ko alam kung nakasunod pa rin sa aking likuran ang siraulo na doctor na yon. Ayoko muna siya makausap at di ko alam paano haharap sa sobrang pagkapahiya ko kangina. Pinupunasan ko ang luha na natulo ng mahinto na ako sa harap ng aking sasakyan. Nanginginig ang kamay ko habang sinusubukan kong ipasok ang susi sa susian ng aking sasakyan habang di naman maipasok iyon. Ano ba Apple, umayos ka nga... ani ko sambit ng maipasok rin sa wakas habang naagos pa rin ang aking mga luha sa mata ng maalala ko na naman ang mga nangyari kangina. Yung kaba ko.. habang punas pa rin ang aking luha. Ano ba, ano ba Apple... Tumigil ka na nga sa pag iyak mo. Pero kung bakit ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagtulo. Kahit pigilan ko ay tumutulo ito. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa salamin ng aking sasakyan. Nasa harapan pa rin ako ng pintuan at hindi pa rin pumapasok kahit nabuksan ko na iyon. Nakatayo lang ako rito sa gilid ng sasakyan ko at di pa rin pinipihit ang bukasan ng pintuan ng aking sasakyan. Naalala ko pa rin ang mga nangyari. Ang mga nangyari kung papaano ako napahiya ng sobra kangina sa harapan ng maraming tao. Sukat para pa silang mga nagpaligsahan sa harap ng marami. Sukat na pareho sila na hinalikan ako sa harapan ng mga taong mga nanunuod habang ang marami ay mga bini-videohan kami. Maging mga pinagsasabi ng dalawa ay kapwa na mga nakarecord. Ikaw naman kasi ang may kasalanan, Apple. Ikaw naman talaga ang nag umpisa ng sabihin mo na boyfriend mo siya sa harap ni Jessie. Subalit ng halikan ka na para patunayan kay Jessie ang inyong relasyon. Pero ano ang ginawa mo? Sinampal mo yung tao sa harap ng marami ring tao habang pinagsalitaan mo pa ng dahil sa paghalik sayo. Ikaw rin ang may kasalanan ng dahil sa pagsampal at mga sinabi mo kay Jude. Binigyan mo naman ng daan at pagkakataon si Jessie upang siya naman ang lumagay sa eksena. Anong napala mo sa pagsampal kay Jude? Malaki, dahil nagawa ka ring halikan sa harapan ni Jude at nang mahalikan ka ni Jessie, bumigay ka naman at hindi mo napigilan na madala ka sa halik na yon. Pinatagal mo pa at saka mo lang narealize na mali ang ginawa mo at mas lalo mo lang pinahiya ang sarili mo dahil sa pagtugon sa halik na yon. Asar! nang magawa kong tadyakan ang gulong ng sasakyan ko sa harapan. Ang sakit. Ang sakit sa paa ng mapalakas ko pala ang pagtakdyak ko ruon. Napangiwi ako sa sakit ng mapayuko ako para sana tingnan ang paa ko ng maunahan ako ng may yumuko ruon at agad na tiningnan ang paa ko nagulat pa ako at muntikan na ako mabuwal buti nalang at mabilis ang may hawak sa paa ko at nadalo ako. Subalit dahil sa mabilis ang pagkabiglan ko na yon at matumba ako ay natuluyan na mga ng nawala na ako ng balanse at tuluyan na mabuwal sa kanya na gaya ko ay nabigla rin at nawalan ng balanse at kapwa kami napatumba sa sahig habang nakapatong ako sa ibabaw nito at madaiti ang mga labi naming dalawa. Nahalikan ko siya ng di sinasadya ng bumagsak ako sa kanya. Sa kanya, sa baliw na doktor na ngayon ay napatulala pa ng mahalikan ng di sinasadya. “Tanga, bakit kasi bigla ka nalang lumilitaw sa harapan ko. Bakit bigla ka nalang yumuyuko ng walang pasabi?" ani na sinabi ko sa kanya na kinangiti nalang nito ang mga sinabi ko. Kung sa kanya nakakatuwa sa akin hindi ng tadyakan ko pa siya ng makatayo ako. Napangiwi naman siya sa sakit ng maramdaman at masaktan dahil sa pagkakatadyak ko. Kung bakit kasi bigla nalang siya sumusulpot nagulat ako, kinabigla ko ng bigla nalang siya lumitaw at hawakan yung paa ko na naisipa ko sa gulong ng sasakyan. Kung di naman siya tanga talaga bakit bigla nalang siya yumuko at lumitaw ng hawakan pa yung paa ko at tingnan. Nawalan tuloy ako ng balance at bumagsak. Okay na sana ng masalo niya ako at magkatitigan kami ng mawalan din siya ng balanse at tumumba kami. Sakto pa at sa labi niya pumalo yung bibig ko. Isang araw pa lang nakakatatlong tuka ka na Apple. Kota na... Nang magdahan-dahan siya sa kanyang pagtayo. Nairap ako pero inabot ko rin yung kamay ng baliw na doktor para lang maitayo siya. No choice, pakiramdam ko ako naman din may kasalanan at may kasalanan kung bakit kami tumumba na dalawa. Napabuga pa ako habang iniintay na abutin niya ang kamay ko. “Thanks." sabi niya ng makatayo. “No thanks, kasalanan ko rin naman. So, patas na tayo. Aalis na ako." sabi ko ng tatalikuran ko na sana siya. Aalis na ako, ano pa bang gagawin ko rito tapos na rin ang ipinunta ko. At itong baliw na doktor na walang ginawa kundi ang sundan ako iiwanan ko na, at baka mamaya saan na naman mapunta ang pagsunod niya. “Wait, Apple." napakunot noo ko ng tawagin niya pa ako. “Bakit?" sambit gilalas na naitanong napalingon ako muli at tiningnan siya. Nagpapagpag siya kasalukuyan ng kanyang katawan habang ngiting-ngiti at natatawa sa ginagawa. Pinapalis niya ang mga buhangin at alikabok na dumikit sa kanya matapos na mapahiga sa sahig ng parking. “Sabi mo kangina boyfriend mo ako?" “Sino naman may sabi sayo?" gilalas ko. “Ikaw nagsabi duon sa lalake na boyfriend mo ako.." “Nek, nek mo. Bakit naman kita magiging boyfriend? Baliw na doktor ka lang na sunod ng sunod. Saka sinabi ko lang yon dahil sa hudas na lalakeng makulit na yon. Parang ikaw lang na panay ang pangungulit at pagsunod ng di ko naman sinasabi sayo." Mataray na sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Ayos talaga at inisip niya pa na tototohanin ko ang sinabi ko na yon. Baliw nga, baliw na doktor nga ang isang ito para isipin na totoo ang sinabi ko sa hudas naman na lalakeng yon. Asar, kung bakit nagkita pa kami muli ng hudas na si Jessie. “Sige na, mukhang walang kwenta at kung saan lang mapupunta itong usapan. Mauna na ako, tapos na ako rito sa mall." ani na sabi ko ng talikuran ko na siya. Pero muli na pinigilan niya ako at hinawakan sa braso. “Bakit na naman ba?" sabi ko ng tingnan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. “Alisin mo yan." ani ko. “Ayoko!" makulit na sabi nito nakangisi. “Aalisin mo o ako mag aalis niyan?" sagot na utos ko naman. Napalunok at natitigan ko siya ng masama habang naitaas ang kilay. Palagay ko lang ay iniinis lang ako nito at natutuwa siya sa ganuon. Ang makita na naiinis ako at kinatutuwa naman niya ang masinghalan siya dahil sa sobrang kakulitan. “Pwede naman na maging tayo di ba? Ikaw na nagsabi kangina na boyfriend mo na ako. So, meaning ay girlfriend na kita. Or, maybe di kaya na ligawan muna kita pero girlfriend na kita ngayon." ani ng nakangisi at natatawa dahil sa naging reaksyon ng mukha ko na nakikita niya. Pero nagbago yon dahil ng tadyakan ko siya at mapangiwi siya sa sakit ng pagkakatadyak ko sa binti niya. Asar, inaasar nito ako. Girlfriend? Sino baliw na papayag na maging girlfriend niya ng isang iglap tulad ng gusto niya. Nababaliw na nga itong baliw na doktor na himas ang tinadyakan kong binti niya. Napapangiwi pa siya at makita ko ang nangingitim na pasa sa binti na nakadalawa na akong tadyak. Nais ko tumawa pero nakakailang lang na baka maging dahilan para tuluyan na ikagalit ang mga pananakit na nagawa ko habang nakatuwaan ko lang naman din gawin dahil sa inis ko at angas niya. Yabang kasi, pakiramdam niya siguro ay tulad lang din ako ng mga babae na madadaan niya sa charming at pagpapacute at matatamis niyang salita. Pero sorry siya, kahit bahagya man ako madala, o dahil sa... nang di ko naituloy ng bigla niya ako halikan at maisandal sa pintuan ng aking sasakyan. Napapikit nalang ako, habang nahawakan niya at naharangan ang magkabila kong kamay ng pigilan niya iyon gamit ng kanyang kamay ng magtangka ako magpumiglas. Nung una, nagagawa ko pa magpumiglas ngunit dahil sa mas malakas siya sa akin, nawalan din ako ng lakas na makapanlaban at magawa na makapagpumiglas. Nadala nalang ako mula sa mga halis niya na una ay banayad at naging mapusok na at nadala na ako ng tuluyan na di matugon ang mga halik na yon. Ang lakas ng kaba ko, yung t***k ng puso ko para na mga nagsisipag-unahan sa sobrang bilis nuon. Hindi ko mapigilan, nagkakagulo na bawat enerhiya sa buo kong katawan dahil sa mapupusok na halik ng baliw na doktor. Panandalian pa siya na tumigil at nginitian ako habang tiningnan niya lang ang naging itsura ko habang tumutugon sa mga halik niya. Sa sandali na pagtigil niya at pagtitig sa mukha ko nagtama ang mga mata naming dalawa. Mas lumakas pa ang kabog sa dibdib ko ng muli ay ngumiti siya at magbaba ang mukha niya at halikan muli ako. Wala na pagpupumiglas na nangyari ng dahil sa tuluyan na ako nadala at kusang bumigay na ang sarili ko. Ayaw man ng isip kung nakokontrol naman ng nais ng aking dibdib. Napahinga ako ng malalim ng matapos niya akong halikan at ngumiti. ”Apple!" sambit niya sa pangalan ko habang nakatulala pa rin ako at parang di makapaniwalang nangyayari ito. Huminga muli ako ng malalim. Nakatitig lang din sa mukha nito. Nakatingin at para naman nag iintay sa susunod na sasabihin niya. “Okay lang ba na ligawan kita?" sambit na nagpapaalam na maligawan niya raw ako. Nabigla ba? o inaasahan ko na sasambitin niya iyon at makikiusap na maaari siyang manligaw sa kabila ng mga pagtatalo namin kangina. Muli ako napalunok wala lumalabas mula sa bibig ko. Tahimik lang ako na nakatingin sa kanya parang nilalaro sa isip ko ang mga nagaganap ngayon. Nasa parking lot pa rin kami. Sa harapan ng kotse ko. Habang may ilan mga mata na pala ang mga napapatingin habang napapadaan sa gawi namin. May ilang malalayo sa pwesto namin ang mga nakatunghaw at mga nagbubulungan na itinuturo kaming dalawa at ang ilan ay mga nakatawa habang nakalingon ang tingin habang mga naglalakad. “Apple?" ani sambit ng tawagin niya muli ako sa aking pangalan. Hindi pa rin ako nakakasagot buhat ng itanong niya at ipagpaalam na manliligaw siya. “Okay lang ba na ligawan kita?" ani ng ulitin ang tanong niya kangina. “Kung okay lang sana, o baka naman siya pa rin ang mahal at laman ng puso mo?" nang maipaalala na naman si Jessie at ang nagawa ko na pagtugon sa mga halik ni Jessie kangina sa loob ng mall. Tinitingnan ko siya sa mukha. Nag angat ako ng tingin upang tingnan ang seryoso na itsura niya habang kinakausap ako at kanyang tinatanong. “Siya pa rin ba? O may pag asa naman ako na makapasok diyan sa puso mo?" ani nito napakadaldal niya talaga. Bakit ba siya napakadaldal na napaka kulit rin naman. Nag-iisip pa nga ako. Minamadali naman niya ang pagsagot ko. Pero sa pagsambit niya kay Jessie nawala ako. Nagulo ang isip ko kaya naman bumitaw ako sa pagkakahawak niya at mabilis na pumasok sa kotse ko. Kinakatok niya ang pinto habang na-ilock ko na iyon at di niya mabuksan nang paandarin ko na. Hindi ko sinagot yung tanong niya dahil sa inis ng maalala ko na naman ang nagawa ko pagtugon ngll halikan ako ni Jessie at maalala ang sakit buhat sa past na kinalimutan ko na. Pinaharurot ko ang sasakyan ko ng makita siya na nakasunod sa akin. Mabilis, sobrang bilis ang pagkamaneho ko maging pagpihit sa manubela ng sasakyan ko na naging dahilan ng sa pagpasok ko sa isang eskinita ay bumangga ako. Tumama ang ulo ko at nahilo na nagdilim naman ang paningin ko at tuluyan na nga pumikit ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD