CHAPTER 8

2068 Words
APPLE'S POV'S Nabubwisit talaga ako! Ang yabang niya. Nakakainis siya, Ayaw niya pa ako tigilan at ayaw rin naman niyang ibigay yung mga dala niya na sabi niya ay para sa akin. Asa ka pa, Apple? Hahaha! baliw, bakit aasa ka pang ibibigay niya iyon? Ikaw ba nagsabi na ayaw mo nuon at hindi mo gusto para isuot. Pero heto ka, umaasa na makuha sa kanya yung plastic ng mga pinamili niya para sayo. Bakit? excited kang makita? Excited kang maisuot at makita kung babagay nga sayo tulad ng sinabi niya? Hahaha! Asa ka pa, sige lang, Apple. Asahan mong maibigay nga niya yun sayo. Sabagay, ayan nga at nakasunod nga siya sayo. Nakatingin at hindi inaalis ang mga tingin habang nakasunod. Hindi naman masamang umasa, lumakad ka lang at hayaan mong nakasunod lang siya sayo. Tingnan natin kung hindi siya manawa na nakasunod lang sayo. hahaha! susuko rin yan makita mo. Maging sarili ko kinakausap ko na. Hahaha! Nababaliw na rin ata ako. Kaloka, Ouch! Nang mabangga ako sa isang pader. Aray! Habang hawak ang nabangga at nauntog. Hindi ko nakita at tatanga tanga nga ako ng di ko iyon nakita. Inis naman, ang sakit. Sobrang sakit talaga ng biglang may humarang. Nang maiangat ko ang aking ulo. Shocks! “Ikaw?" sambit ko na kinabuntong hininga ko ng kinabigla ko ng mapagsino ang bumangga sa akin ng di man lang tumitingin sa kanyang dinadaanan. Bwisit at inis na inis na nga ako sa kagaspangan ng lalakeng kangina pa ako. binubwisit sa kakasunod at idagdag pa itong isang bumunggo sa akin. Ang sakit ahh! Pakiramdam ko ay nagkabukol. Makirot pa na feeling ko namumula. Asar! Si Jessie Ibrahim, siya lang naman ang ex boyfriend ko na nang iwan sa akin matapos akong pasagutin. Tanga lang, sinagot ko naman at nagpabola ng mabulag ako na pinaglalaruan lang pala ako ng di ko namamalayan. Ang sakit, sobrang nasaktan ako ng malaman ko na maliban sa akin. Isa pa pala sa malalapit kong kaibigan ang kasabay ko na kanya rin palang pinupormahan. Oh di ba! Hahaha, bonita si Apple. nagawang magpakatanga sa isang lalake na buong akala ko ay Mahal ako. Hindi naman pala at pinaglalaruan lang ako, pinaikot at nang tuluyan na ako mahulog. Saka ako iniwanan sa ere, umiiyak habang nagmamakaawa na wag niyang gawin sa akin yon. Ako ang piliin at wag si Carol. Pero, ayun at si Carol ang pinili dahil sa nabuntis na niya ito. So, anong laban ko ruon? Nagawa na ni Carol na ipaubaya ang kanyang sarili at nabuntis ng di niya alam na may relasyon rin kami nitong hudas na lalakeng ito. “Hi!" Ngiting-ngiti pa talaga? Ayos , hudas na ito, nakukuha pang ngumiti sa harapan ko? Bwisit ka! nais ko sanang isagot. Hudas, umalis ka nga sa harapan ko. gusto ko sana rin sabihin. “Kamusta ka na? Kamusta ka, Apple?" aniya na nakangiti pa rin at parang wala lang ang nakaraan na nakalipas na mukhang nalimutan na niya. “Okay lang!" walang gana na naisagot ko. Hindi naman ako bastos na tao na ipapahiya nalang siya ng ganuon nalang. Ayoko rin naman na ipakita sa kanya at sa harap ng baliw na lalake na nasa gilid ko ang pagiging bastos ko at isipin ni Jessie na hindi pa rin ako nakakalimot sa mga nakaraan na 'na ayaw ko na rin sana mabalikan. Pero dahil sa lalakeng kaharap ko mukhang mababalikan ko pa ang mga nakaraan na na ayaw ko na nga balikan pa. Bwisit! ani na naibulalas ko pabulong ng ngingisi ngisi pa itong nakatingin sa akin. “Talaga ba? Sabagay mukhang okay ka nga naman din tingnan. Balita ko sa kumpanya ng iyong magulang nagtatrabaho ngayon? ani tanong na naituran nitong hudas na kaharap ko. Para bang wala akong kasama habang ito ay nagtatanong. Mukha naman na nagtataka ang mukha ng baliw kong kasama at mga mata nito nakatingin sa amin nitong hudas na ex boyfriend ko. Kakainis, bakit ba ngayon pa kami nagkita kung kelan may kasama akong baliw. Ngayon pa talaga siya nagpakita at ngayon pa kami nagkasalubong na dalawa. Ang swerte ko naman, dahil ngayon pa talaga. “Wait, sorry. Medyo personal ba ang tanong ko? Sa palagay ko naman, hindi. Actually gusto lang kita sana kamustahin lang, pasensya na kung nabanggit ko pa pati pagtatrabaho mo sa kumpanya ng parents mo." ani nito nakangisi na may halong kayabangan dahil sa mas magandang kumpanya siya nagtatrabaho sa ngayon. Yun kasi ang nabalitaan ko mula sa isang madaldal kong kaibigan na nakakita sa kanya minsan ng mapasyal sa lugar kung saan nagtatrabaho ang hudas na ito. Hahaha! Asar talaga, yung katabi niya nagkipit na ng balikat at bahagyang tumawa pa. “No, it is okay. Walang problema, yun lang pala, gaya ng sinabi at sinagot ko sayo kangina. Okay lang ako, at kung nais mo masagot ko ang tanong mo sa lugar kung saan ako ngayon pumapasok at nagtatrabaho. Yes, sa kumpanya nga ng parents ko ako pumapasok. So, happy ka na sa sagot ko? Kasi, may lakad pa kami ng boyfriend ko, kangina ka pa nakakaistorbo sa totoo lang. Hinaharangan mo siya, nakakahiya naman, boyfriend ko nasa likod mo." Ani na naisagot ng napapikit ko ng matingin sa aking likuran. Sh*t! Ano ba itong nasabi ko. Ano ba itong pinapasok ko? Nababaliw na nga ata ako ng dahil sa pagsasabi na boyfriend ko yung baliw na nasa likuran ng hudas na ayaw akong tigilan. Bwisit, April ano bang pinapasok mo? Adik, ikaw ata ang nababaliw ngayon na sabihin mo pa sa ex boyfriend mo na boyfriend mo ang kasama mo? Adik, adik na nga atang matatawag ng dahil abot taenga ang nginti ng baliw na doctor na yon. “Sorry, April. Boyfriend mo pala siya? Hindi kasi halata, hindi ka naman ganyan nuong tayo pang dalawa." ani na sambit ng brutal na may kayabangan. Talaga nga naman na pinagmalaki at pinaaalala pa ang mga nakaraan na. Asar! Ano ba talaga itong pinapasok ko ng bigla naman lumakad at gumalaw sa kinatatayuan ang baliw na doktor. Lumakad ito habang nakangiti na nilagpasan na si Jessie at lumapit sa akin. Umakbay agad ito sa akin at nakangiti. Kinindatan pa niya ako habang ako naman kinilabutan. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi ko sa harap ni Jessie. “Hi, I'm Jude Almoro, boyfriend ni April. Isa pala akong doctor." ani ng ngiting-ngiti na pagyayabang kahit hindi naman tinatanong kung ano ang kanyang trabaho. “Ikaw?" ani na naitanong ni Jude. “Ahh, oo nga pala, narinig ko kangina na ex boyfriend ka nitong maganda kong girlfriend. So, siguro naman wala akong dapat ipagselos sa inyong dalawa di ba? Ex boyfriend ka nalang naman at ako naman ang boyfriend niya ngayon." ani na sampal halos sa mga pagyayabang kangina ni Jessie sa harapan ko. Nakahinga ako, pero halos pakiramdam ko naman ay malulunod ako mula sa pagkakapahiya dahil sa mga pinagsasabi pa nitong doctor na baliw na ito. “I am sorry, hindi mo nga pala naitanong kung anong trabaho ko. Pero itong girlfriend ko ay naitanong mo kung sa kumpanya ng kanyang parents nagtatrabaho siya. Yap, sa company nga ng future mother and father in law ko siya nagtatrabaho. Mabait kasi itong girlfriend ko at madalas na ang pag aalala sa kanyang parents. Saka, wala naman masama siguro ang magtrabaho siya sa sarili nilang kumpanya? Wala naman di ba? Walang masama na ang hangarin lang ni April ay makatulong sa kanyang magulang? wala naman di ba? Tama ako?" napakadaldal na pagkakasabi na kinangiwi ng mukha ko at kinapikit ng aking isang mata. Mas lumalakas pa ang kaba ko. Masyado na ata mainit rito. Parang pakiramdam ko di na ako tatagal pa at baka tuluyan na mag init ay magkagulo pa rito Incase na mag kairingan ang dalawa. “Yap!" naisagot nalang ni Jessie. Salamat naman! pero nagkamali pa ata ako ng pagtingin ng dahil sa muli sila magbangayan at magpayabangan. Oh my gosh! Hindi ito ang inaasahan ko. “Sure ka ba talaga na boyfriend ka ni Apple? Sa tingin ko ay wala kayong relasyon na dalawa? Kung tama nga ang pagkakatali-tali ko sa mga pagbasa ko sa inyong dalawa. Parang wala naman namamagitan sa inyong dalawa. Saka tingnan mo si Apple, walang kasm-sweet sweet sayo. Paano mo nasabi na boyfriend ka nga niya?" ani na mayabang pa na pagkakasabi ni Jessie. “Nung kami kasi ni Apple, hindi siya ganyan kung titingnan ay di talaga kayo at hindi ikaw ang tipo ng lalake ni Apple kaya nagkakamali ka ata para sabihan ako na boyfriend ka niya at pagsabihan ako na layuan siya ng di naman siya ang nagsasabi mismo. Tama naman siguro ako?" ani na sambit muli ng isa pang baliw na lalake. Si Jessie na feeling ay may gusto pa rin ako sa kanya matapos ang panloloko niya sa akin at paglalaro sa puso ko. Baliw ba siya para isaisip pa niya na siya pa rin ang gusto ko. Pero mas kinabuntong hininga ko ng kinagulat ko ng bigla nalang akong halikan ng baliw na doctor sa harapan ni Jessie. Hinalikan niya ako ng hindi man lang nagpasabi o nagpaalam man lang sana siya bago ginawa niya iyon. Kinagulat ko iyon at nanlaki ang mata ko ng maglapat ang aming mga labi. Hindi ako nakakibo, walang reaksyon at nang gumalaw ang mga labi niya habang hinahalikan ako duon para akong nagising at nasampal siya. “What are you doing? What are you thinking? What right do you have to kiss me?" naibulalas sa gulat matapos na sampalin siya ng isang malakas na kinabigla niya at kinagulat gaya ko ng bigla nalang niya ako hinalikan. “What is it? So, am I right in assuming that you don't have any relationship with him?" sabay natawa si Jessie habang nakatingin sa baliw na doctor na hawak pa ang panga na tinamaan ng malakas kong sampal. “Sabi na nga ba, hindi pa ako nagkamali sa pagbabasa sa mga nakakaharap ko. And, I know kung hindi ako nagkakamali. Apple, wag mo na itago o itanggi sa pagsasabi na boyfriend mo iyang fake mong doctor na mukhang manliligaw pa lang sana, basted na agad. I know, lahat ng mga pinagsamahan nating dalawa nuon ay mahirap kalimutan. And I know, alam mo lahat iyan. Dahil sa talagang minahal mo ako ng sobra at ganuon rin naman ako sayo, nagkataon lang pumasok sa eksena si Carol at nagkamali ako ng pumatol ako sa mga pagpapakita niya ng interes sa akin nuon habang tayo naman dalawa. Aminado ako, lalake ako. Naging marupok habang di ko pinahalagahan ang mga pagmamahal mo sa akin. Patawad, Apple. Until now, di ko pa nakakalimutan ang mga pinagsamahan nating dalawa, hindi ko pa nakakalimutan lahat matapos natin maghiwalay nuon, masakit sa akin ang Ikaw ang bitiwan ko at piliin si Carol, but I had no idea na hindi pala ako ang nakabuntis kay Carol nuon. Late ko na nalaman, late ko na nalaman Apple, kaya't nagsisisi ako ng sobra sa pagkawala mo sa buhay ko..." wow at sabi ni Jessie sa harap ng mga taong mga nanunuod na ngayon. Hinila niya ako palapit sa kanya. Hinila na kinagulat ko, nabigla ng ito naman ang humalik sa akin na mas kinagulat ko. “Apple, really. I like you hanggang ngayon. Mahal na mahal pa rin kita." sambit na sabi nito at naglapat na ang aming labi at wala akong nagawa dahil lumapat na yon ng di ko na napigilan pa maging ang biglang balong ng puso ko, biglang lumakas ang t***k nito ng magulat ako. Subalit ng matauhan ako. Isang malakas na sampal din ang pinakawalan ko sa kanya. Mas masakit iyon dahil pakiramdam ko mas napahiya ako sa ginawa niya sa ginawa ng baliw na doctor. Dahil sa mga sinabi niya ay nagsipalakpakan pa ang mga tao sa paligid namin na nanunuod at ilan ay mga bini-video pa ang nasaksihan nilang eksena. Pakiramdam ko para ako nasa isang set ng shooting na ipapalabas sa isang movie. Hiyang-hiya ako nahihiya ako sa ginawa nila. Ako yung nahihiya dahil sa mga nagsisigawan pa ang ilan sa mga taong naririto sa amin ay mga nakapalibot. Tumulo na ang luha ko, tumulo na nang di ko napigilan at naisip na lumayo nalang rito. Nahihiya ako at pakiramdam ko wala na ako mukhang maihaharap pa sa mga tao na nag iintay pa ng bagong magaganap na eksena. Tumakbo ako, tumakbo ako upang makalayo sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD