APPLE'S POV'S
Walang kibo ako habang nasa sasakyan ng baliw na doktor. Wala rin ako nagawa ng mabangga ang sasakyan ko sa pakikipag habulan ko sa baliw na doktor na kasama ko. Asar, kung bakit naman minamalas malas ako ngayong araw. Napahiya na nga ako, nasiraan pa ako ng sasakyan at ngayon kailangan ko pang makisabay sa baliw na doktor.
Pero dahil kailangan ko ring dumaan sa kanilang bahay para ibigay ang pinadadala nila Mommy at Daddy no choice ako upang sumabay kahit magtaxi nalang sana ako pero wala naman dumadaan. Para naman ako tanga kangina habang ang aantay ng sasakyan na dadaan pero dahil siya lang ang naroroon sa lugar. Siya lang din ang may sasakyan. No choice ako upang sumabay na nga at maihatid itong dala ko na ayaw naman din niya pumayag na siya nalang ang magbigay.
Haist! Apple, ano ba itong napapasok mo buong araw? Malas mo talaga dahil sa maraming beses ka na nakapuntos sa araw na ito. Sayang nga lang, bokya dahil walang magandang kinahinatnan lahat.
Nakatingin ako sa labas ng bintana. Habang nakasandal ang ulo ko sa salamin ng bintana ng kotse niya. Malayo pa kaya? Hindi ko rin alam dahil hindi pa man ako nakakarating sa bahay nila at ngayon ko lang din naman nakilala ang kanyang pamilya.
Pero nagtataka ako dahil di naman sa bahay pala papapunta yung sasakyan niya. Isang ospital ang aking natatanawan. Nagulat ako, kasi nakita ko yung mga tao na labas at pasok lang sa ospital. May mga nakaputing damit rin ako mga natatanawan bago kami mahinto sa parking lot.
“Halika muna, baba tayo. Gamutin natin yung sugat mo sa ulo. Tapos yung sa paa mo, palagay ko naipitan yan ng itadyak mo kangina sa gulong." ani na sabi nito nagulat ako dahil di ko expect na dadaan pa pala kami rito at dadalhin ako.
Nabangga kasi yung sasakyan na minamaneho ko kangina habang habol niya ako at lumiko ako sa isang kanto. Pagliko ko naman ay nawala ako at bumangga sa isang poste at duon nauntog nga itong ulo ko sa manubela at dumugo. Nilagyan niya lang ng first aid kangina pero di niya sinabi na dadaan kami rito.
“Wag kang mag-alala, ospital ito. Hindi motel para kabahan ka." nangingiti na sabi niya. “Hindi gaya mo ang dinadala ko sa motel. I think sa bahay pwede na.." ani na nagbiro pa at kinatawa niya ang sinabi rin niya.
Nakatingin lang ako sa kanya ng simangutan ko ng biruin ako ng ganuon. “Halika na, baba na. Wag ka matakot gagamutin lang natin ng maayos yung sa nuo mo. Baka mamaya magpeklat pa yan. Sige ka, mas pangit magpeklat kung di nagagamot ng maayos." may biro at pananakot na sabi nito pero nakangiti siya habang iniintay na abutin ko ang kanyang kamay.
Habang ako naman ay nakatingin lang sa mukha niya at napadaan ang mata ko sa kamay na nakalahad ngayon sa aking harapan. “Tara na!" ani niya.
Inabot ko naman na rin ang kamay niya at sumama nalang gaya ng sabi niya. Gagamutin lang naman ang sugat sa nuo ko. Kaya inabot ko na rin ang kamay nito at sumama nalang. “Teka, di mo na kailangan na alalayan pa ako." sabi ko sa kanya dahil sa iika-ika ang isang paa ko ay nagawa niya ako alalayan.
“Okay lang! Gusto mo buhatin pa kita." ani na biro at nagulat ako ng buhatin nga niya ako.
“Oi, ibaba mo nga ako." sabi ko ng suwayin ko ang pagbuhat niya sa akin ng kala ko ay biro lang yon.
“Okay lang! Malapit naman na tayo." anito na sabi niya nginitian nalang ako.
“Nakakahiya, ibaba mo na ako. Pinagtitinginan na tayo. Pwede ba, ibaba mo na ako." singhal ko sa kanya tinawanan naman ako.
“Ayos lang, hayaan mo sila. Mga inggit lang sila kasi buhat-buhat ka ng isang gwapo na doctor. Wag mo sila tingnan, ako nalang ang tingnan mo hanggang magsawa ka sa gwapo kong mukha." biro pa niya. Pero ako di nadadala sa biro na yon. Pinagtitinginan na nga kami. Halos lahat ang mata mga sa amin mga nakatingin. Tapos sasabihin wag ako mag-alala na ako ang nahihiya sa kanyang ginagawa.
Lahat na nga maging yung mga nakikita ko na mga nakaputing uniporme ay mga nakangiti habang nakatingin. Ilan pa ay mga nagbubulungan habang ilan mga nagtawanan. Tapos sasabihin wag ako mag alala na napapahiya na naman ako at siya na naman ang dahilan kung bakit napapahiya ako.
“Dok, ayos ahh. Bago na naman?" ani na tudyo ng isa habang nagkasigawan pa ang ilan ng mapadaan kami sa isang nurse station at nurse rin yung nagtanong. “Dok, pero mas maganda iyang isang dala mo. Ayos, saan mo nakilala? Mukhang swerte mo na kung sasagutin ka." ani ng isa pa at nagkatawanan na naman.
Apple, ano nga ba itong nagawa mo ngayon at para magkakaganito ang nangyayari sayo? Bakit ba ang malas ko naman ngayong araw sa dati ng mga supresa na nangyayari ng di ko inaasahan. Malas ba o sadyang swerte nga gaya ng sabi ng isa.
“Dok, ayos swerte. Mukhang makapag asawa ka na rin sa wakas." sigaw ng isa pa at nagkatawanan sila. Nginitian lang ng baliw na doktor at muli na nilingon ang daan. Isang kwarto sa kaliwa ang pinasukan naming dalawa at duon ay kanyang binuksan iyon bago kami pumasok sa loob.
Nakahinga ako ng mabuti ng mawala na kami sa mga mata ng mga taong kangina ay mga niloloko at binibiro itong kasama kong baliw na doktor. Ibinaba niya ako ng maingat at pinaupo.
“Maupo ka muna. Kukuha lang ako ng mga gamot." sabi niya at tumalikod. Tumungo siya sa isang side kung saan may mga kinakalikot siya at sa cabinet may kinuha siya. Inilagay niya yun sa isang tray at saka niya dinala pabalik sa akin. Hindi nawawala ang ngiti sa mga mata niya. Nakangiti lang siya habang naglalakad na pabalik sa pwesto ko habang ako nakaupo at naglilibot ang mga mata ko sa kabuuan ng loob ng kwarto na pinasukan naming dalawa.
Opisina niya siguro ito ng dahil sa may pangalan niya ang mesa. Nakapatong sa ibabaw ng mesa ang isang babasagin na kulay black na nakaname sa pangalan niya. “Wag kang mag alala, opisina ko ito. Walang iistorbo sa atin rito. Walang manunukso ng gaya ng nakita mo sa labas bago tayo makapasok dito. Tahimik din dito, pwede rin naman..."
“Bastos!" sabi ko ng balibagin ko siya ng tissue na nahablot ko sa mesa habang nakangisi na nagsasalita siya.
“Bakit ba ang sungit mo? Sasabihin ko lang naman na pwede rin naman na magpahinga ka muna rito bago tayo umuwi sa bahay. Ayoko naman iuwi ka ng ganyan ang itsura mo. Baka mamaya mag-alala pa sila Mom at ako pa ang sisihin sa nangyari sayo." ani na sagot niya at ibinaba na ang dala sa mesa at yumuko para kunin yung tissue na nalaglag sa sahig na naibato ko sa kanya.
“Akin na nga yan." sabi ko ng agawin ko yung tissue na hawak niya.
“Ang sungit mo. Ganyan ka ba talaga sa mga gwapo na gaya ko?" ani na sabi nito pabiro habang inihahanda ang mga gagamitin niya para linisan ulit yung sugat ko. “Wag kang malikot." sabi niya ng tanggalin niya ng maingat yung nasa nuo ko. “Dapat di ka ganyan kasungit. Lalo na sa mga lalake, ilan taon ka na ba? Mukhang maliban sa lalakeng kangina kausap mo. Wala na lalake ang dumaan sayo dahil sa mataray mong pakikipag-usap at pakikitungo." ani pa niya dumadaldal habang nililinisan yung sugat ko. Masakit, napangiwi ako ng may ilagay siya na sobrang hapdi ng maipahid niya sa nuo ko.
“Dahan-dahan naman, masakit." sabi ko at dinahan-dahan naman nito.
Masakit naman talaga lalo na ng madiinan niya ang pagpahid. Nasaktan ako kaya di ko naiwasan ang mapadaing at sabihan siya na magdahan-dahan naman sa ginagawa. Tinawanan niya naman ako. Dahil sa pagsita ko sa kanya. Nakangiti pa rin siya habang nilalagyan na niya ng bandage yung sugat sa nuo ko. Buti nalang at di malalim. Dahil kung malalim raw ay kailangan pa niya iyon tahiin. Pero dahil medyo mababaw lang ay nilagyan nalang niya ng gamot at nilinisan matapos ay kinabitan na ulit ng bagong bandage.
Halos same lang naman ng ginawa niya kangina ang ginawa niya ngayon. Gusto lang ata nito na madala ako rito kaya dinala niya ako. Pasaway, dahil tawa-tawa siya ng matapos.
“Ayan okay na!" sabi niya at ibinalik na yung mga pinaggamitan niya. Matapos ay bumalik ulit sa akin tabi at naupo sa harapan ko. Tinitingnan ako, nakatitig sa mukha ko habang nakangiti itong baliw na doktor.
“Pwede na umalis?" sabi ko. Tinanong siya.
“Pahinga ka muna, di ka ba pagod?" ani na sabi nito.
Pagod naman saan? Parang di nga ako napapagod dahil para lang ako nakalutang ngayon. Nakalutang sa dami ng kababalaghan sa buo kong araw. Para na ako wala sa katinuan at para na gusto ko na lang tumakbo nalang sana kangina hanggang mapagod ako sa kakatakbo para mawala yung bigat sa pagkakapahiya ko kangina.
”Okay na ako, nakapagpahinga na nga di ba?" sabi ko.
“Mukhang di pa nga." ani niya.
“Okay na nga ako." sagot ko.
“Parang di pa rin." sabi niya.
“Okay na nga, ang kulit mo rin." ani ko. Tumawa siya.
“Alam mo, di pa ako makulit sa lagay na ito. Wala pang laman na alak, kaya matino pa ako." sagot naman ulit ng baliw na doktor.
“Hindi ka pa makulit sa lagay na yan?" Umiling siya at tumawa. “Baliw na nga!" sabi ko na kinatawa.
“Baliw?" sabay napaisip. “Maybe siguro ay tama ka. Pero di pa naman masyado. Baka siguro kung patuloy mo ako susungitan at pagtatarayan, baka maging ganuon na nga ako. Sa ngayon, okay pa naman at maayos pa ang takbo ng utak ko. Di pa nababaliw, kasi alam ko naman na akin ka rin." ani ng magpasaging na naman at kinataas ng kilay ko.
“Ang kulit mo rin? Ang yabang pa at masyado mataas ang expected na makukuha mo ang nais mo." ani ko umirap.
“Ang cute mo pag ganyan ka kung makipag usap sa akin. Pero mas cute ka nung hinalikan kita kangina, very passionate yung pagtugon mo at malayo sa mga babaeng nahahalikan ko." diretsahan na sabi niya at prangka na pagkakalahad.
Ayos talaga itong baliw na doktor at hinalintulad pa ako sa mga naging babae niya. Bumuga ako, isang malalim na paghugot at sinabi sa kanya. “May kahanginan ka rin pala kung makipag usap lalo na sa babaeng gaya ko? Pero pasensya na at wala akong oras para makipagbolahan sa mga gaya mo. Bakit di mo sayangin nalang ang oras mo sa mga babaeng binabanggit mo. Kasi ako, walang oras para sa mga walang kwenta na segway mo. Idaan mo nalang sa alak, gaya ng sabi mo na wala ka pa naman laman na alak ngayon, bakit di ka uminom at makipag usap sa mga babaeng tinutukoy mo. Sige, aalis na ako." Sabi ko tatayo na nga ako ng hawakan niya ako at pigilan.
“Teka lang!" ani niya.
“Bitiwan mo ako." sabi ko, utos na sabi ng di niya pa rin binibitawan ang braso ko.
“Wag kang umalis, teka nga lang." anito ng makatayo na ako sabay na hinila ako at bumagsak sa kanyang binti at mapaupo ng di ko sinasadya.
Oh my gosh! ramdam ko sa ibaba yung naupuan ko na matigas. Hala ka! palagay ko ay pinamulahan ako sa kaba na nararamdaman ko ng masalat ng aking pwet yung nakaumbok sa kanya.
Hindi ako makakibo, hindi ako makapagsalita at di rin ako makagalaw sa sobrang kahiyaan. Para akong naging yelo na di na makagalaw o makapagpumiglas dahil sa bagay na pakiramdam ko yung ano niya yung naupuan ko at di rin ako makapagtanong o masita siya dahil sa nakatawa ito. Pakiramdam ko ay alam na niya kung bakit ako napatahimik bigla ng mapaupo ng hilahin niya. Sa kabila ng pagpupumiglas ko ng hawakan niya ako sa kamay at biglang hilahin nito.
Apple, talaga naman. Itong pinasok mo mukha ngayon dehado na....