CHAPTER 16

2335 Words
APPLE'S POV'S Tama nga sinabi ng guard kangina. Tama yung itinuro niya na way saan ako makakasakay agad. Pumara ako agad ng taxi matapos na makababa sa jeep. Agad naman din ako nakasakay ng may huminto na taxi sa aking harapan. Nakahinga ako ng mabuti ng makalulan na ako sa loob ng taxi at sakto naman na di traffic at maluwang ang mga daan. Nakakatuwa dahil makakarating ako at aabot sa lugar na pinag usapan namin ni Lara. Ganun rin ang naging pagtakas ko sa baliw na doktor na yon. Buti nalang talaga at nakatakas ako, pero masakit pa rin ang ulo ko gawa ng pagkakabagok ko sa manubela ng aking sasakyan. Ouch! nang mapahawak ako sa ulo ko na nalagyan ng bandage. “Miss, okay ka lang?" tanong ng driver. “Opo, okay lang ako." sagot ko sa may katandaan na driver. Nahihirapan ako, nahihilo pa rin kasi ako. “Gusto mo bang hatid muna kita sa ospital? Mukhang di maganda ang lagay mo, ano bang nangyari sayo? Bakit parang nahihilo ka pa ata?" anito na may kadaldalan na tanong ni Manong driver. “Ayos lang po ako, nabangga kasi po yung sasakyan ko kangina. Okay na po ako, kagagaling ko lang din po sa ospital ng makasakay ako sa inyo. Paki hatid nalang po ako sa sinabi ko sa inyo. Need ko po kasi makarating duon, baka pwede po paki bilisan nalang po. Baka di ko po kasi maabutan yung mga kausap kong tao, baka maiwan po ako." ani ko na naisagot at pakiusap na maihatid ako ng mas mabilis sana sa pagmamaneho niya. “Oh siya, sige. Basta okay ka lang ahh, bibilisan ko nalang at mukhang importante iyang hahabulin mo. Baka di ka pa umabot." sagot ni Manong driver at tulad ng sinabi nito ay binilisan nga nito ang pagmamaneho at mabilis lang ay nakarating na rin kami sa lugar na pagkikitaan namin ni Lara at ng mga client's na kausap naming dalawa. “Salamat po ah!" ngitian ko siya sabi ko ng makapagpasalamat ako sa kanya at iabot ang perang bayad ko. “Teka, suklian pa kita." sambit ng tawagin pa ako ng nagmamadali na rin ako umalis ng makababa ako sa taxi niya. “Hindi na po, sa inyo na po yung sukli." sagot ko ng lingunin ko siya. “Salamat, iha, mag ingat ka. Wag kang tumakbo mahihilo ka pa naman." sigaw na sabi ni Manong driver. Yinukuan ko nalang siya, tumango at ngumiti sa kanya. Tapos ay nagtatakbo na ako papunta sa lugar. Malayo pa lang ay tanaw ko na si Lara habang wala pa naman yung mga taong i-meet naming dalawa. Napaaga pala ako, buong akala ko ay mahuhuli ako. Sakto lang talaga ang dating ko ng dahil sa mabait yung taxi na nasakyan ko at wala pang gaano na sikip sa daan kaya walang traffic kami na nadaanan ng magpunta rito. Maayos kami nakarating gaya ng inaasahan ko ay nakangiti si Lara habang tinatanaw ako mula sa pwesto niya. Nakaupo siya sa isang bakanteng lamesa. Mag isa dahil wala pa nga ang mga kausap naming tao. Huminto na ako sa aking pagtakbo at lumakad nalang papalapit kay Lara na nakangiti pa rin na nakatingin sa akin. “Apple, buti naman at dumating ka, kala ko indyanin mo na ako eh!" ani ng ngiting-ngiti na sinalubong pa ako at lumapit. Habang naglalakad ay nagkasalubong kami ni Lara, pero bago pa kami magkaharap ay nabangga ko naman ang isang waiter na may hawak na ice tea. Tumapon sa akin iyon at di ko na naiwasan ay tumambak sa damit kong suot. Napapikit ako at napahinga. Ano ba naman ang malas ko naman. Hindi pa ba natatapos ang kamalasan ko ngayong araw? akin na naibulalas na naibulong habang pinupunasan ang suot ko na natabunan ng ice tea. Nakakaasar naman, bakit po ba ganito ngayon? Bakit po ganito ngayong araw ang nangyayari sa akin? Bakit di pa po matapos tapos lahat ng kamalasan ko ngayong araw? Marami pa po bang kasunod ito? pwede po bang kota na at tama na muna para sa ngayong araw? Baka pwede naman, kota na po ako at baka di na ako makauwi nito sa daming kahihiyan at kamalasan na dinadanas ko ngayon. Huminga ako ng malalim at para bang nauupos na kandila ako sa dami ng mga nangyari sa akin ngayon. Parang nauupod na ang katawan ko sa mga kakahiyan na nakukuha ko sa buong araw mula ng magkita kami ng baliw na doktor na yon pakiramdam ko ay may hatid siyang kamalasan. “Ayos ka lang?" tanong ni Lara at tumango ako. Kahit hindi ay dapat lang sabihin kong okay lang ako. Papaano naman, kung sasabihin kong hindi ako okay, panigurado na magtatanong ng napakaraming mga tanong si Lara at ipapadetalye niya pa sa akin isa-isa. Tulad nalang ngayon . “Ano nangyari sa ulo mo? sa nuo mo pala, anong nangyari?" sabi nito at gaya na ng inaasahan ko ay uungkatin niya nangyari sa akin kangina. “Nasabi ko na sayo di ba? Nabangga yung sinasakyan ko kangina? Nabangga yung sasakyan ko kangina habang nagmamaneho ako, si tanga kasi, nagmamadali ayun sa pagliko ko ay nabitin ako kaya ayun nabangga ako sa eskinita na nilikuan ko kangina. Nasira yung car ko at sa lakas ng impact ng pagkakabangga ko ay maging itong ulo ko pumalo sa manobela. Kaya ayan, iyan ang results ng katangahan ko kangina. Sa katangahan ko ay pumutok yung nuo ko. Hahaha!" tawa ko ng maikwento ang mga nangyari sa akin ng mabangga ako habang minamaneho ang sasakyan ko. “Bakit tumatawa ka?" ani ko tanong ng magtaka at tumawa ng malakas si Lara habang malungkot ko na sinabi sa kanya. Pero sabagay ako rin naman nag umpisa ng maging ako sa huli ay tinawanan ang aking sarili. “Ikaw nauna tumawa, tanga ka nga talaga, di mo man lang naalala na ikaw ang unang tumawa. Saka, Apple, anong katangahan nga ba at bakit di ka nag iingat at ganuon nalang ay binangga mo pa yung sasakyan mo. Tanga ka nga talaga, bakit ikaw na nga nagmamaneho ay di ka pa nag iingat, wala naman siguro na humahabol sayo?" ani na naitanong niya nang mapahinto sa pagsasalita at pagtawa ng napatingin at napatitig. “Wag mong sabihin na may humahabol nga sayo?" bigla nalang niya naisip. Dahil kabisado ako ni Lara sa pagiging maingat ko sa pagmamaneho, duon ay bigla siyang napaisip kaya nagtanong. “May humahabol nga sayo?" nanlaki pa ang mata at hinarap ako. “Yes!" sagot ko. “Sino naman ang tanga na hahabol sa tanga rin na tulad mo?" pabiro na sambit ni Lara na kinalaki ng mata ko. Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata at siyang kinatawa ni Lara. “Biro lang, pero sino nga ba? Sino nga ba ang humabol sayo? Lalake ba? Babae? Bakla? stalker? Manyak? Ano nga?" ang kulit ni Lara s sunod-sunod niyang tanong na kinangiti ko nalang at natuwa sa mga ginagawang pag-iisip ni Lara. Panay isip niya habang nakipagtitigan nalang sa akin at hinayaan ko lang siyang ganun. “Tanga, nahihirapan ako mag isip. Sino ba kasi iyang humabol sayo at naging cause ng aksidente mo? Ang tanga naman niyan, para lang ikaw ng di mo man lang naisip ang maaari mong ikapahamak lalo na at sa daan pa talaga habang nagmamaneho? Tanga ka talaga, sana bumaba ka nalang ng sasakyan saka ka nakipaghabulan, hindi kung kelan nasa lansangan ka at nagmamaneho saka mo pa naisip makipaghabulan, kung di ka nga tanga, di sana hindi nasira yung sasakyan mo at bumangga habang ikaw, ayan at tingnan mo ang itsura mo ngayon. Oras na makita nila Tita at Tito yan, malamang na tanga, ang tanga mo Apple, tanga mo ng di ka man lang nag isip bago mo naisip gawin!" arte pa ni Lara ang magiging itsura raw ng aking magulang oras na malaman at makita kung anong nangyari sa aking mukha. Lalo na ang nangyari sa aking sasakyan. Baka pa raw ang isipin at bigyan ng concern nila Mommy at Daddy ay ang sasakyan kong nabangga kesa ako na anak nila na nasaktan ng dahil sa pagkakabangga. May isang punto ay tama naman si Lara mula sa mga sinabi niya at malaman talaga nila Mommy at Daddy ay panigurado na ako dahil sa katangahan ko at kalokohan ng maisip kong magpahabol kangina sa baliw na doktor na yon. ********* “Dok, may problema ba?" tanong ng gwardiya ng mapansin ako ng palinga-linga sa lugar. May ilang minuto na ako rito, subalit dahil sa pagbabakasali ko na baka naman naririto pa sa paligid si Apple, di pa muna ako umalis lalo at alam kong wala naman siya sasakyan na ilang araw pa bago makuha at matapos gawain. “May hinahanap ka, Dok?" Tumango ako. “Oo, isang babae na may buntot nakita mo?" pabiro kong sambit. “Si Dok, kahit kelan joker pa rin kahit stress. Pero ayos lang sa kanya at nagagawa pa rin ang magbiro at magpatawa ng kanyang kausap." “Hindi naman, ayaw ko lang maging masyado mga malungkot kayo kung mag iiba ao ng mode." ani na sagot ko. “Sanabay, pero sino ba ang kangina mo pa nililingap linga?". “May nakita ka bang babae kangina na lumabas?" tanong ako at sinalaysay ang mga nangyari kangina. Sinabi ko sa kanya ang itsura ng babaeng. babae na galing mula sa loob ng hospital." “Baka yung babae kangina?" ani nito ng tingnan ako. Tiningnan pa ako at napakamot sa ulo. “Baka nga yung babae kangina na nilapitan ko. Kasi naman, kung bakit parang nangangapa siya at hindi alam kung saan ba siya lalabas at ang pagiging pag aalinlangan kangina ni Apple. Para raw itong mayroon na tonatakbuhan sa itsura nito “Siguro nga, yung may bandage sa nuo ang babaeng tinutukoy at hinahanap mo kangina pa. Naku, tiyak na nakaalis na yon, tinuro ko kasi sa kanya ang daan at way kung saan siya makasasakay ng taxi at mukhang nagmamadali ang itsura kaya naman itinuro ko nalang s kanya ang daan at kung saan siya makasasakay." ani na sagot ng guard. Nakaalis na pala si Apple at mukhang malabo na mahalol ko pa siya. Malabo na maabutan ko pa siya sa gagawin kong paghahabol. Kaya natigil rin ako sa paglilibot ng akin mata ng sabihin nitong gwardiya na wala na ang babaeng hinahanap ko. “Dok, girlfriend mo ba yung babae?" ngumisi ako habang kamot sa ulo nalang. “Halata na ba? Pero di pa at mukhang mahihirapan ako na mapasagot ang babaeng yon, ang tapang pinagsasabunutan nga ako kangina hahaha." ani ko. “Ikaw talaga, Dok. Baka di ka talaga sagutin non, baka nakulitan sayo." sabi pang muli na kinangiti nalang. “Sige, mauuna na ako. Pasensya na at naistorbo ko pa ata ang pag aasikaso at pagtatrabaho mo dito. Sige na, mauna na ako. Mukha ngang marami ka pa iikutan." sabi ko at nagpaalam na rin. sa kanya. Hindi ko na nga naabutan si Apple, hindi ko rin alam paano ko ipaliwanag ang mga nangyari bakit di ko kasama si Apple sa aking pag uwi sa bahay. Panigurado na magtataka sila Mommy at Daddy ng di ko siya kasama na uuwi sa bahay. Nasabi ko pa naman na kasama ko si Apple na uuwi ng bahay. Pero ano ngayon at uuwi ako ng ako lang mag isa at di ko kasama si Apple. Ilang minuto pa ay tuluyan na ako bumalik sa loob ng ospital. Mula ng makapagpaalam ako sa gwardiya na kausap ko kangina. Lumakad na ako papasok sa ospital na walang kibo “Dok, mukhang lumbay ata ang itsura mo? Anong nangyari? Di mo ba naabutan?" ani ng may pagkasunod-sunod pang pagtatanong. Umiling ako, kinatawa nalang nila ang nagawa kong pag iling. “Sige na, wala akong oras para makitapagbiruan. Namumublema na nga ako at di ko siya maisasama pauwi ng bahay panigurado na magtataka ang parents ko at tatanungin ako. Sang damakmak na tanong ang mangyayari na itatanong sa akin habang ako naman sa dami ng taong, magkakalito lito na ang mga isasagot ko." ani ko at parang wala sa aking sarili na naibulalas ko at kung tutuusin ay isang biro lang yon para sa kanila. Tsismosa mga nurse dito s ospital lahat ng mapag uusapan at naririnig ay kapwa nila mga pag uusapan. Kahit oras ng trabaho ay naisisingit nila, kung baga lahat may oras sila ayos lang maubos basta matapos ang araw ay mapag usapan nila ang bagong narinig na mga tsismis. Tawang-tawa pa sila habang sinimangutan ko kunwari sila. “Sige na, mauna na ako. Kukunin ko lang gamit ko at aalis na rin ako." “Nakz, sorry naman, Dok. Sige na at nauna na sayo yung future girlfriend mo. Hayaan mo at ipagdadasal naming bago matapos ang araw mo ngayon ay makikita mo ulit siya at maisasama sa bahay niyo. Ang hiral lang kasi, binigla mo ata, natakot, kaya tumakbo. Dapat kasi dinahan-dahan mo lang sana ng di ka ngayon nahihirapan kasi nga iniwanan ka na, tinakasan ka pa, ngayon ang problem di mo na maisasama sa bahay nito. Pero pwede naman pala, puntahan mo sa bahay nila, bakit di mo nalang duon umpisahan maghabap at baka umuwi lang sa bahay nila." ani ko saka nakatawa na namaalam na ulit sa kanila. Namaalam na ako at binaybay ang papunta sa opisina ko. Lumakad ako, habang nalakad ay napaisip ang aking utak tungkol sa mga nasambit ng madadaldal na nurse. Tama sila, bakit di muna ako dumaan sa bahay nila Apple baka sakali na naroroon lang siya sa bahay nila. Hindi masama na subukan ko bakit hindi. Gayon na wala naman masama at pipigil. Napangiti ako habang napihit ang seradura ng akong opisina. Agad ako pumasok at kinuha lang ang mga gamit ko na naiwan tulad ng cellphone ko at pitaka na nailapag ko lang sa ibabaw ng lamesa. Agad rin ako lumabas tulad ng naging mabilis na pagpasok at ngayon naman ako ay lalabas na upang muli ay tumungo sa bahay nila Apple.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD