“Bwisit kang baliw na doktor ka, bastos. Ang bastos mo. Bwisit ka, akala mo ba makukuha mo ako sa ganun lang porke napadala mo ako sa ginawa mo. Sorry ka, naku nanggigigil ako sayo naiinis at dito pa lang nais na kita patayin. Bwisit ka, bwisit ka talaga. Iniinis mo ako nakakainis ka asar, naaasar ako sayo. Bastos ka, bastos kang baliw na doktor ka." paulit-ulit na sambit ko habang di pa rin inaalis ang mga kamay ko sa buhok niya, nanggigigil talaga ako at dahil sa inis ko sa kanya talagang sinabunutan ko siya at hanggang ngayon kahit ilang pakiusap niya ay di ko binitiwan ang buhok niya.
Maging sa sarili ko naiinis ako dahil sa pagpapaubaya ko kangina at nadala sa mga halik niya at nag init ng husto ang katawan ko at nasarapan ako. Aminado ako, masarap naman talaga, nasarapan ako at sobrang nagustuhan ko yung kiliti na nanunuot at nagdadala sa akin, madalas humatak para mapasunod niya ako sa bawat galaw ng kanyang kamay.
Ang halik niya na sobrang kinabaliw ko na lalo ng mapasadsad na yun sa magkabila kong dibdib. Huminga ako malalim, naiinis ako dahil sa labis na pagkapahiya ng may kumatok muli at matigil ang aming ginagaaa. Nakakahiya, dahil sa nakatingin sa akin yung babaeng nurse habang kausap siya at saka bago pa umalis ay ngumisi ito habang nakatitig sa akin. Habang inaayos ko ang aking sarili, ang nagulo kong damit na kanyang itinaas at muntikan na sana mahubad.
Basang basa ang pakiramdam ko sa aking pang-ibabang bahagi ko at tingin ko may umagos duon. Likido, malagkit ang pakiramdam ko at ang parang mabilis na tubig na biglang bumulusok palabas at bunasa ng todo sa underwear ko.
Naiilang ako, habang naiirita dahil nsa pakiramdam ng basang underwear ko. Kaya naman nanggigigil ako sa kanya dahil sa ginawa niya pero kinasarap naman ng pakiramdam ko kangina. Baliw lang, baliw nga rin talaga ako dahil tingin ko ay galit ako dahil sa nadala ako at nabitin sa ginawa niya. Naiinis ako, dahil sa matinding pagkadismaya dahil di natuloy at kinapahiya ko na naman dahil sa nakita ko na pagngisi at uri ng tingin ng babae sa akin kangina. Nakakainis lang dahil ako pa yung mukhang gulat dahil sa biglang katok ng babaeng nurse.
Nagulat nga ako, kinalaki ng aking mata at mapadilat ng matigil siya sa paghalik at pag angat sa damit ko na naibalik nalang niya at mapalingon sa pinto na may kumakatok.
Dahil sa kumatok na yon, napaisip ako. Dahil maling mali ang aking nagawang pagpapaubaya. Masyado ako nasarapan at nadala.
Hayyy! Kahit anong isip ko mali ako at paulit lang ang naiisip ko na mali ako pero nasarapan ako! Ang gulo maging utak ko nagugulo ng dahil sa baliw na doktor na ito. Hinatak ko ang buhok niya at pinagkababa ko. Habang di ko napansin na nadikit pala ito sa aking pang ibaba na kinatawa niya. “I feel something, basa na ba?" nakatawa niya na sabi ng pilit na iniangat ang mukha at maharap sa akin at makita ang pagkangisi niya
“Baliw ka talaga, basto." sabi ko ng ipagkababa ko pa ang ulo niya na halos mapasubsob na siya sa sahig na kinahawal naman niya sa binti ko ang dalawa niyang kamay ng napaluhod na siya.
“Apple, I feel something talaga, nabitin ka ba? Gusto mo, ituloy na natin rito o sa bahay nalang?" ani na pabiro at pinagkasabunutan ko pa at saka binitawan.
“Bahala ka sa buhay mo!" ani ko at mabilis na kinuha ang bag ko. Nagmamadali ako na lumabas sa kwarto na yon at sinarado ng paglalakas yung pinto na kinatingin ng ilan pang napapadaan mula sa labas.
Hindi ko sila pinansin, mula sa nakasimangot kong mukha ay nagdiretso ako palabas ng entrance ng hospital kahit mga nakatingin sa akin ang ilang nurse na kangina ay nadaanan namin maging ang nurse na nakadalawa na katok pa sa pinto ng office ng baliw na yon ay nakasunod ang tingin sa akin. Nakikita ko pa ang pagtawa nila at maging ang ginagawa nilang pagbubulungan ay nahahagip ng aking mata.
Hiyang-hiya ako, pakiramdam ko na labis ako napahiya at tingin ko na di maganda ang mga nasa isip nila. Tingin ko na pinag uusapan nila ang nangyari sa amin ng baliw na doktor at kung ano pa man ang nasa isip ng mga ito ngayon wala na ako pakialam. Napahiya na ako, pakiramdam ko ay walang mukha na maihaharap pa sa mga taong yon.
Malalaki ang ginagawa kong pagyapak. Ang paghakbang ko ay mas nilawakan ko pa upang mapabilis ang paglayo ko sa ospital na ito. Napahinto ako, napahinga ng makaramdam ng bahagyang pagod.
Nag isip ako, nag iisip kung saan banda ba ako dapat tumungo. Sa kanan, sa kaliwa o kung didiretso naman ako. Panigurado sa dulo ay wala na rin akong malulusutan. Natatanaw kasi ng aking mata na bakod na ang babagtasin ko kung sakali na didiretso ako.
Kung sa kaliwa, sinipat ko muna at mukhang marami naman ang mga naglalakad. Marami akong natatanawan na tao na nagmumula ruon at bumabalik papunta rito sa pwesto ko.
Kung sa kanan naman, mukhang parking lot na ata ang natatanawan ko. Sinipat ko pang mabuti at parang tama ang conclusion ko at parking area na nga iyon dahil ang mga sasakyan ay nagmumula rito sa kaliwa na natatapos ng pagpapark mula sa kanan.
So, kaliwa nga ako. Sa kaliwa ako dapat dumaan at hindi rito sa kanan at lalong di naman kung didiretso ako.
“Miss, saan ka?" tanong ng isang lalake na biglang lapit. Nagulat ako, dahil sa pagkalabit nito ng di ko nararamdaman.
“Papalabas sana ako, pero di ko kabisado yung daan kung saan ba ako dapat dumaan. Tama ba, dito ako dapat?" tanong ko sa kanya ng sumagot ako sa tanong nito. Tumango siya at tama nga ako.
Guard yung lumapit sa akin at kangina pa raw niya ako napapansin na parang naliligaw o nalilito saan ako tutungo. “Oo, dito ka, saan ba ang punta mo?"
“Makati, may taxi bang nadaan sa labas?" tanong ko ng masagot muli siya.
“Meron naman, pero madalas madalang at punuan. Kung gusto mo, mag jeep ka nalang muna at duon sa may Crossing duon ka magpababa at duon ka mag antay ng taxi na sasakyan mo. Mas marami ruon at mas maganda na duon ka sumakay at mag abang. Dito kasi, paswertihan lang, medyo tago kasi yung lugar pero mas marami ang jeep na pumapasok rito kesa taxi. Kung taxi talaga ang hanap mo, duon ka sa crossing advice ko lang." sabi pa niya sa akin tumango nalang ako.
“Salamat, Kuya. Sige, alis na ako. Salamat sa tulong." sabi ko at nagpaalam na rin at baka maabutan pa ako ng baliw na yon, tiyak na di na ako makakapunta sa lugar na napag usapan namin ni Lara. Sa kulit ng baliw na yon, tiyak na mas matatagalan pa ako sakali na maabutan niya pa ako. Kaya nagmamadali na ako at sinusubukan kong sundan ang way na sinabi ng guard na kausap ko kangina.
Pumara ako ng jeep, sumakay ako at pinaabot ang bayad sa katabi ko. Nakahinga ako dahil di na ako naabutan ng baliw na yon. Pero ng lingunin ko ang papasok sa ospital natanawan ko pa siya na nahangos at inililibot ang tingin sa lugar. Buti nalang pala at nakasakay agad ako. Dahil kung hindi ay maabutan na naman niya ako. Paniyak talaga na di na ako makaalis sa lugar.
Haist, napabuga rin ng makahinga ng maluwag habang nakalayo na ng tuluyan ang jeep na kinalululanan ko.
***********
JUDE'S POV'S
Kamot ang ulo ko habang hawak ko at hinihilot hilot ang parte na napanggigilan ni Apple kangina. Grabe makasabunot, napakapikon pala ng isang yon. Habang natatawa ay napapabulong ako. Medyo kinahilo ko pa ang huli niyang ginawa at sa pagtayo ko parang umikot ang mundo ko at halos napahawak nalang ako sa side ng table ko.
Grabe ang sakit talaga. ani na sabi ko at kinatawa nalang ang mga nangyari. Kasalanan ko naman kung bakit napikon si Apple mula sa mga sinabi ko kangina sa kanya.
Hoonoo, yung likod ko masakit rin. Pakiramdam ko parang nabali. Napahilamos ako sa mukha ko at inayos ang sarili ko. Kailangan ko siya sundan at hihingi nalang ako ng pasensya sa mga pambabastos na nagawa at mga salitang di niya nagustuhan na nasambit ko kangina. Mali naman talaga ako, pero anong magagawa ko sa iyon ang nararamdaman ko habang kasama siya. Mapipigilan ko pa ba kung sarili ko mismo at isip ko ang nagdidikta.
Gusto ko na nga talaga si Apple, alam kong gusto niya rin ako. Nabigla lang yon siguro sa mga ginawa ko kangina sa kanya.
Haist! kinabuntong hininga ko nalang ng matingnan ang sarili at gulo-gulo kong buhok.
Sayang, gwapo ko sana, sinira lang ni Apple.
Napapangiti na sambit ko at inayos ang sarili ko muli bago pa man ako makalabas rito sa office ko. Sana lang maabutan ko pa siya, panigurado dahil di naman niya kabisado ang daan rito sa ospital. Lalo at medyo tago ito mula sa ibang ospital na madaling mapuntahan.
Lakad lang ako, lumakad papalabas sa kwarto ko. Isinara ko nalang muna at naglalakad ng may malalaking yapak.
“Dok, anong nangyari?" natatawa na tanong ng mga nurse na kangina pa mga nakikiusyoso sa babaeng kasama ko.
“Oo nga, anong nangyari Dok? Break agad o mabilis lang natapos ang session niyo." pabiro na sabi ni Mia ang pasaway na dahilan bakit nadismaya si Mia kangina.
“Nagtanong ka pa, kasalanan mo kaya." ani ko na sagot sa mga biro niya pero ang salita ko patukoy kay Mia na nakangiti habang nakatingin.
“Bakit ako?" sabay tawa at sagot.
“Bakit ikaw? Di ba nakadalawa ka pang katok sa pinto ko? Ano sa tingin mo? Dahil sayo, nausyami... pasaway, istorbo ka talaga, kahit kelan, ikaw Mia ang pasaway kung bakit madalas mabitin yung mga babaeng kasama ko." pabiro na naibulalas pabulong lang sa kanya. Secret lang namin ni Mia lahat kung ano ang alam ko sa alam niya rin sa akin rito na ginagawa ko sa ospital.
Imbis na magpahinga, minsan may mga babae pa ako na pinapapasok sa office ko ng di naman gamutan ang gagawing session namin. Kundi ibang session na gustong gusto ko pampawala ng pagod sa dami ng trabaho rito sa ospital.
Si Mia lang naman ang nakakaalam, maliban sa minsan nakukuha na rin ako tuksuhin ng ilan pero hanggang duon lang yon, wala sila alam sa mga pinaggagawa ko. Wala sila alam, na ibang pasyente ko ay kalaro ko lang din panandalian at matapos ay aalis na matapos ang session na gustong gusto rin naman nila.
“Dok, ang sabi niyo anak ng kaibigan ng parents mo yung babae? Bakit nga pala may bandage yung nuo? Anong nangyari?"
“Ahh, naaksidente kangina, kaya naman dinala ko rito ng magamot ko. Wala kasi akong dala na gamot maliban sa bandage na meron ako sa kit ko. Naubusan pala ako di ako nakabili ng mga panlinis at panahi. Pero di naman nid na tahiin yung sa kanya, ayos lang di matahi, pero tingin ko magpeklat yon." pagsisinungaling na sabi ko. Meron naman ako gamit pero di nga lang ako nakapagdala ng gamot, panlinis lang yung nadala ko, kaya sinubukan ko madala si Apple rito upang ayusin ang pagkakagamot sa nuo niya. Pinainom ko rin siya ng antibiotics kangina. Ang arte pa nga at ayaw uminom nagpilitan pa kami bago niya mainom.
”Ahh, kaya naman pala, pero Dok. Di mo ba hahabulin? Baka maiwan ka na, may ilang minuto na ng makadaan siya rito. Nagmamadali pa nga eh, siguro baka ayaw na maabutan mo. Hahaha!" sabay tawanan sila at nanukso pa ang isa.
“Sir, ang sabi mo siya na, bakit iniwanan ko? Nag walk out agad, baka naman mahina ka, di mo napasagot dahil natotorpe ka." ani ng may isa pang gumatong.
“Torpe? Mahina lang kamo si Dok, kasi naman mga babae niya minsan parang saan-saan lang niya napulot. Pero yung ngayon, parang napakainosente ng itsura. Pero sa nakita ko kangina, mukhang galit na galit kay Dok, baka naman, Dok? Minadali mo masyado o baka naman masyado kang naging mabilis? Sa mga tulad ng babaeng kasama mo kangina, dapat dahan-dahan lang, di minamadali. Tiyak na di niya nagustuhan ang way mo sa pagkuha sa babae. Baka masyado kang naging harass, dapat sinasamba muna ang ganuong babae, ligawan mo muna, tingin ko naman mukhang mapapasagot mo rin siya sa huli."
“Ewan ko sa inyo. Ang gulo ng mga pinagsasabi niyo, ginugulo niyo lang ng husto utak ko namumublema na nga ako dahil iniwanan ako. Ako nga yung naharas, ako ang nasaktan kangina, pero ako ang iniwan. Ang saklap di ba? Sa gwapo kong ito, ako pa ang nasaktan at nagawang iwan." sabi ko ng nakatawa na kinatawa rin nila.
“Kasalanan mo naman, Dok." sagot ng isa
“Kasalanan mo nga naman, Dok. Bakit magtataka ka pa?" ani pa ng gumatong si Mia.
“Mia ahh, ikaw itong may kasalanan. Bakit nasaktan ako. Pero, sige na at tama na kwentuhan. Aalis na ako at baka di ko pa maabutan si Apple, mayayari ako sa parents ko nito, paano ko pa siya pakakasalan na naiwanan na niya ako." ani na nadulas at nagtawanan sila.
“Wow, pakakasalan talaga? Nice, Dok. Ngayon lang namin ikaw narinig na nagsalita ng tungkol sa kasal. Mukhang tinamaan ka nga duon sa babae, kaya sige na at habulin mo baka di pa matuloy ang plano mo na mapakasalan siya." Tulak ni Mia at naglakad na palayo sa kanila.
“Go lang, Dok. Kaya mo yan, suyuin mo nalang." sigaw nila at di na ako lumingon pa o sumagot. Itinaas ko lang ang kamay ko at lumakad na ng lumakad hanggang marating ang entrance ng hospital.
Sumilip muna ako sa labas ng makalabas ako. Hindi ko na siya matanawan sa mga taong mga nakikita ko mga naglalakad. Saan na kaya si Apple? Hindi ko na siya makita kaya binaybay ko ang palabas at daan papasok sa hospital. Pero wala na rin siya kahit sa gilid kung saan ay sakayan at may mga humihinto na jeep.
Wala si Apple, mukhang nakaalis na nga at nakasakay. Hindi ko na siya naabutan at para bang kinanlumo ko.