APPLE'S POV'S
“Apple, gwapo ba yung kinukwento mo na doctor? Kasi di ba at doctor rin itong i-meet natin ngayon. Mas gwapo ba siya kay Mr. De Jesus?" tanong na may pangungulit na sabi ni Lara.
“Hindi ko alam!" sagot ko.
“Paano na di mo alam?" nagtataka ang mukha na naitanong.
“Di ba at nakita mo na nga? Galing ka nga ron sa hospital niya, so, papaano na di mo alam kung gwapo ba siya o hindi?" nagtataka niyang tanong.
“Malamang gwapo, normal naman sa mga doktor na gwapo sila." nakangiti na naiwika ni Lara habang mukhang iniimagine pa niya ang itsura ng baliw na doktor na naikwento ko sa kanya.
“Madalang nalang ata na pangit ang doctor na makikilala mo at makikita sa mga hospital. Mabibilang nalang siguro ang mga pangit na doktor sa ngayon." ani na sambit nitong si Lara.
“Hindi ko alam, gusto mo. Pumunta ka sa hospital na pinagtatrabahuhan niya." may inis na naiwika ko rin at bato sa kanya ng tissue.
“Para makita mo at ikaw na ang siyang tumingin kung gwapo ba o hindi." utos ko. “Malamang sabihin mo gwapo, lahat naman sayo ay gwapo. Kahit nga nalang yung kapitbahay mo para sayo gwapo." nakatawa kong biro.
Nang maalala ko ang kanyang kapitbahay na naikwento niya at kinikilig pa siya dahil sa sobrang gwapo ng makita niya.
“Kahit hindi naman, mukha naman pakwan pero sayo, talong pang torta." sabi ko pabiro ulit na mukhang di niya nagustuhan.
Sumimangot kasi si Lara.
“Ikaw talaga ang judgemental mo." bulalas na sabi at nakataas pa rin ang isang kilay.
“Masyado ka makapuna sa mga tao. Wala naman pangit sa mundo "
“O, kala ko ba bibihira, meron pangit pero bibihira nalang. " biro ko sa naunang sinabi niya.
“Kasasabi mo pa lang kangina di ba?" sabi ko ng balikan ko ang sinabi niya kangina.
“Baliw ka, talaga." bulas na sabi ni Lara.
“Kaya di ka magka-boyfriend." tudyo na sabi niya pa.
“Dahil sa mga ganyan na pag-uugali mo." nainis na ata si Lara ng sinabi niya.
“Bakit kasi ayaw mo pang kalimutan nalang siya, palitan mo na siya diyan sa puso mo. Hayaan mo nalang na lumigaya ka. Sa kabila ng mga masasakit mong karanasan sa kanya." pagpapaalala pa nito sa hudas na lalakeng yon na nakita ko kangina sa mall.
“Ewan ko sayo." sabi ko ng tawanan nalang si Lara.
Kung saan na naman kasi aabot na tiyak ang aming usapan.
Kaya, tama nalang na ibaling ko sa iba ang atensyon ng aming mga napag-usapan lalo na tungkol sa baliw na doctor na yon.
“Kumain ka nalang!" sabi ko sa kanya.
“Kangina pa nga tayo tapos kumain. Kakain na naman? Kala ko ba magdiet na ako? Tapos aalukin mo pa ako kumain?" gilalas na turan ng kinatawa ko.
“Joke lang, kung bakit kasi naman hindi mo nalang seryosohin ang alok sayo ni Mr. and Mrs. Luiz." pagpapaalala ko ng maalala ko yung mag-asawa na gusto si Lara para sa anak na lalake.
“Mabuti pa at asawahin mo nalang ang anak nilang pasaway. Di sana hindi na ganito ang trabaho na pinapasukan mo." Sabi ko.
“Bakit di ka nalang mag-apply sa ibang trabaho?" tanong ko rin.
“Sa malalaking opisina ng di nalang ganito ang racket na madalas mong pagkaabalahan. Umasta ka na, parang normal na tao." usal ko ngumiti sa kanya.
“Hindi puro nalang benta ng kung ano-ano o kaya ganito na mga properties ang binebenta mo." sabi ko muli.
“Naku, tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo. Tumigil ka nga sa mga panunukso at pagtutulak sa akin sa anak na lalake ng mag-asawa na yon." sabi ng may diin.
Pikon na naman si Lara ng ayaw niya na nababanggit ang mag-asawa at ang anak na lalake ng mga ito.
“Bakit ba ayaw mo sa anak nila? Gwapo naman, mahilig ka sa gwapo di ba?" may pagtatanong na sabi ko sa kanya.
“Gwapo?" bulalas ni Lara.
“Gwapo, oo, nandun na nga tayo. Kaya lang kung magpakasal ako sa lalakeng yon?" napaisip pa si Lara.
“Baka habang buhay, habang nagsasama kaming dalawa ay hindi matitigil ang kunsumisyon ko sa lalake na yon." ani niya ng may bigat sa bawat bigkas.
“Bata pa naman ako, di ko kailangan magmadali. Marami pa akong gusto para sa sarili ko. At saka, alam mo. Hindi lang naman siya ang lalake sa mundo." sagot ni Lara na napatingin sa isang lalake na kumakain.
“Pati ba yung lalakeng kumakain? Wag mong sabihin na tipo mo ang mga tulad ng lalakeng yon?" biro ko.
Tanong rin sa kanya na kinalingon ko rin kasi ng matingnan niya yung lalakeng kumakain.
May itsura naman yung lalake, kaya lang naman ang siyang talaga na tinitingnan ni Lara ay ang mga paparating na dalawang kalalakihan.
Ilang mga kalalakihan ang papasok ngayon sa restaurant ang kangina inaabangan ni Lara at ngayon nga ay nanghahaba ang nguso nito at ang mga mata na lumalawak na at naging wild na si Lara sa pang-aakit sa mga lalakeng papalapit na napadaan sa aming pwesto.
“Hi!" sambit nito kay Lara na kangina pa napapatulala sa mga lalakeng lumapit.
Dalawang lalake ang ngayon ay nakalapit na sa aming mesa. Ang isa ay nakatingin kay Lara at bumati habang ang isa ay hindi maialis ang tingin sa akin.
“Hello! sagot naman ni Lara ng mapatayo pa ito mula sa pagkakaupo niya.
Mawala si Lara sa aming pinag-uusapan ng dumating at makaharap na ng makalapit ng tuluyan ang dalawang lalake.
Nawala na sa isip niya ang lalakeng anak nila Mr. Luiz na nais ipakasal sa kanya at labis na kinaasar.
Nawala na rin sa alaala niya ang tanong ko tungkol sa mga iba pang napag-usapan naming dalawa. Kasama na ang dapat na kanya na sana mapagdesisyunan ng may nabanggit ako at hindi na niya nasagot pa.
“Pwede bang tumabi." tanung ng isang lalake habang tulala pa rin si Lara at hindi makapaniwala.
“Sorry, may inaantay kasi kami." ako ang sumagot ng dahil sa si Lara ay tulala pa rin sa pagkabigla.
Sa itsura ni Lara, parang nais pa niya sumama sa mga lalakeng hindi naman namin mga kilala.
Mga nakatayo pa rin ang mga ito sa aming harapan. Hindi mga umaalis at mga nag-iintay sa magiging sagot ni Lara kahit sinabi ko na may mga tao kaming mga inaantay.
“Pasensya na!" sagot ng isa.
“Okay lang!" sagot ko naman rito at nais ko sana pakiusapan kung maaari bang umalis na sila.
Kaya lang mukhang nagkamali na naman ako ng biglang magbuka ng bibig ang isa sa kanila. Yung kangina pa nakatingin sa akin ay hindi maalis ang tingin.
“May boyfriend ka na?" tanong nito na kinabigla ko.
Hindi ko expected na ang mga tanong nito ay parang hangin na bumara sa tenga ko.
“Wala pa!" sagot naman ng mabilis ni Lara.
Siniko ko siya.
Napalingon siya sa akin at pinanlakihan ng mata.
“Anong wala?" isang boses ang bigla nalang sumingit at nagsalita.
“Anong wala?" tanong ulit na kinalingon na namin ni Lara upang makita kung kangino na boses nagmula ang boses na yon na biglang sumali sa aming usapan.
“Di ba wala? sabi mo..." sabay lingon at turo kay Lara.
“O-oo..." sagot ni Lara na may pag-aalinlangan na napahinto at nag-isip.
“May boyfriend na siya." diretso na sagot
“H-huh?" gulat na sambit ni Lara. “Sino?" gulat na nanlaki ang mata ni Lara.
“Ako!" matapat na sabi at diretso.
Si Lara, sobrang gulat na gulat at pinagbaling-baling ang tingin sa akin at sa baliw na doktor na siyang nagsabi na boyfriend ko siya.
Ano bang pinagsasabi ng siraulo na ito at papaano nito nalaman na andito ako?
“Apple?" sambit na turan na nanlaki sa gulat ang mata ni Lara.
Umiling ako. Umiling-iling ako sa harap ni Lara habang kanya ako tinatanong.
“Hindi..." aniya ko.
“Hindi totoo!" muli na sabi ko kay Lara na kinalingon ko ng magsalita na naman ang baliw na doktor.
“Hi!" sambit na kinalingon ni Lara
“Hello!" may pagkashock na sambit at may pag-aalinlangan ni Lara.
“Friend ka ba ni Apple?" tanong nito sa kasama ko.
Tumango naman si Lara at kinurot ko siya.
“Ikinagagalak kong makilala ka!" Sabi nito kay Lara. “I am Jude!" sabay lahad ng kamay kay Lara at tinanggap naman ni Lara ang pakikipag kamay ng baliw na doktor.
“Sure ka? Boyfriend ka talaga nitong si Apple" paniniguro ni Lara na kinangiti ng baliw na doktor.
“Bakit hindi nabanggit ni Apple na may boyfriend na siya? Kangina pa kami nag-uusap rito o kahit nung mga nakaraang araw na magkasama kami. Wala naman siya nababanggit na may jowa na pala siyang bago." Kinalingon ni Lara sa akin at tiningnan ako.
Nagtatanong ang mga mata niya at nanghihingi ng paliwanag sa mga nalaman niya ngayon.
“Bakit di mo sinabi na may boyfriend ka na?" tanong ni Lara sa akin. Seryoso ang mukha habang nagtatanong at nag-iintay ng aking sagot.
“Lara.."
“Gwapo ng boyfriend mo ahh!" sabi nito ng di ko naituloy ang sasabihin ng biglang buka ng kanyang bibig at sinabi na gwapo ang lalakeng kangina ay nagsabi na boyfriend ko.
Ang baliw na doktor na to! Asar, iniinis na naman ako habang nakangiti.
Ngiting-ngiti siya habang nakatingin at tinititigan ako ng husto.
“Hindi ko siya boyfriend." sabi ko.
Pinagpipilitan at panay ang tanggi ko na hindi ko boyfriend ang baliw na doktor na yon.
“Baka nahihiya lang si Apple na sabihin. Actually, kangina lang naman talaga kami naging official."
Ang baliw na doktor, sumagot.
Baliw talaga, tamang paniwalain si Lara sa mga kasinungalingan niya.
“Ikaw talaga Apple, bakit hindi mo sinabi?" masayang usal na sabi ni Lara at napatalon pa sa tuwa habang niyakap ako.
“Ikaw ahh, ayaw mo lang siguro maagaw at kaya tinago mo?" muli ay sinabi ni Lara sa akin ng may saya.
”Masaya ako para sayo, Apple." sambit muli ni Lara at bumitaw na sa pagkakayakap sa akin.
“Pero nakakatampo ka, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin habang nagkukwento ka tungkol sa baliw na doctor na nakasama mo kangina."
Napamulagat ako sa kaba ng mabanggit ng hindi niya sinasadya ang tungkol sa ikinukwento ko tungkol sa baliw na doktor na ngayon ay kaharap na niya at nagulat, napangiti habang nginitian ako.
“Naikwento na pala niya ako sayo?" sambit nito ng sumingit na naman sa usapan namin ni Lara.
“Ohh--" gulat na nanlaki muli ang mata sa sobrang kabiglaan.
“Ikaw? Ikaw pala yung baliw na doktor na binabanggit ni Apple kangina?"
Hindi makapaniwala na sabi ni Lara.
“Oh my gosh, ang gwapo mo pala. Kangina lang tinatanong ko siya kung anong itsura mo. Tapos, oh my goodness. Napakalinaw ng nakikita ko..." ani ni Lara at muli yumakap sa akin.
“Apple, super happy ako sayo." turan ng may saya na bakas sa mukha ni Lara.
“Lara, nagkakamali ka ng iniisip mo." sabi ko.
“Paano nagkakamali? Siya na mismo nagsabi na boyfriend mo siya at kayo nang dalawa." sabi ni Lara na naituran habang tinuro pa ang baliw na doktor.
Nabibigla ako sa mga nangyayari.
Hindi ako makasakay at panay sila lang ang mga nag-uusap.
“Lara, kinagagalak rin kita makilala." Sabi ni Lara ng magawa na rin niya ipakilala ang sarili niya.
Muli sila mga nagkamay at masaya si Lara habang nakatingin sa mukha ng baliw na doktor na to.
Hindi na ako kumikibo at hinayaan nalang sila muna ang mga mag-usap.
Naguguluhan at nagugulat ako sa mga mabilis na pangyayari at puno ng kasinungalingan na panay ang salita ng baliw na doktor.
“Pupunta lang ako ng banyo." sabi ko sa kanilang tatlo.
Tumayo na ako at naglakad papunta sa banyo.
Hindi ko na naisip na lumingon at lingunin sila habang masaya na nakikipag-usap si Lara sa baliw na yon.
Napailing nalang ako, dahil di ko nagugustuhan ang mga nangyayari sa biglang pagsulpot ng baliw na doktor na kangina lang ay iniwanan ko na sa hospital.
Paano pa ba niya ako nasundan?
Ang swerte naman niya at kaibigan pala siya ni Mr. De Jesus at kasama pa sa hospital.
Naloloka na ako sa araw na toh!
Sa buong araw na malabo at walang kwenta ang mga nangyari sa akin.
Iniisip ko talaga kung paano nalaman na nandito ako ngayon matapos ko na siya ay iwan sa hospital.
Nagtaka talaga ako.
Wala naman ako sinabi na naririto ako.
Maybe na naikwento ni Mr. De Jesus ang tungkol sa pagkikita namin ngayon?
Maybe pwede rin na naikwento ako at hindi sinasadya na masabi ang pangalan ko?
Pwede? napaisip na naman ako.
Napabuga habang napabuntong hininga.
Lumakad ako na lumulutang ang isip buhat sa biglang pagsulpot ng baliw na yon.
Yung baliw talaga na yon. Bakit ba siya naririto?
Bakit sumama pa siya kay Mr. De Jesus?
Nagtataka talaga ako pero nandiyan naman si Lara para asikasuhin sila at yung baliw na doctor na iniisip ko kung papaano ko pakikiharapan sa oras na makabalik ako.
Lumakad lang ako parang walang problema na iniisip.
Parang walang nangyari.
Parang walang ipinag-aalala sa maaaring mangyari sa aking pagbabalik.
Lakad lang ako habang naligaw na ako.
Kaasar, malas naman ng hindi ko agad namalayan na maling daan ako napunta at mga paa ko na wala sa ayos na naglalakad.
Sa kung saan parte ng restaurant ako napunta. Hindi sa restroom.
Kamot nalang ako sa ulo at bumalik para tumungo sa daan papuntang restroom.
Apple, umayos ka. natatawa nalang ako at napailing muli habang nilalakad ang pasilyo ng restaurant.
Sakto, sa may kaliwa ay lumiko na ako para makarating ako ng restroom. Nginitian ko nalang din ang mga nakakasalubong ko na mga bumabati ng hindi ko naman mga kilala.
Nakahinga na rin ako at sa wakas ay nasa banyo na rin ako. Matapos na maligaw kangina.