JUDE'S POV'S
“Paano pala kayo nagkakilala ni Apple?" tanong na sabi ng kaibigan ni Apple.
“Kami ba? Dahil sa party ng parents niya." sagot ko may kabilisan at nginitian ko si Apple.
Halata sa kanya ang pagkahiya at naiinis na rin sa mga pinagsasabi ko sa kanyang kaibigan.
“A-ahh!" bulalas nung kaibigan niya.
“Ganun ba?" sabi pa nito at tumingin kay Apple.
Tumango ako na nakita naman niya habang seryoso na nakatitig kay Apple.
Napag-isip pa nga yung kaibigan niya. “Kung kelan lang yon di ba?" Tumango na naman ako mula sa turan niya na naitanong kahit pabulong.
Napag-isip na naman siya. “Parang nung isang araw lang yon di ba, Apple ginanap?" nasambit ng nagtataka at nag-iisip ng maibulalas habang nakaharap at tinanong si Apple.
Mukhang hindi satisfied talaga sa naisagot ko at nag-isip pa siya, si Apple naman ang kanyang tinanong.
Siyang kanyang binalingan ng matapos sa kakatanong sa akin.
“Parang ang bilis naman ata, Apple?" aniya niya, si Apple ang kinukulit.
“Love at first sight!" biglang saba't ko sa pangungulit niya kay Apple na naiinis.
Dahil sa pangungulit ng kaibigan, naiinis na din ito habang ng kanyang kaibigan ay kinamangha ang sagot ko.
Kinaangat naman ng mukha ni Apple mula sa napayuko na mukha nito matapos na mabalingan ng kanyang kaibigan.
Napatingin naman sa akin ang kaibigan ni Apple matapos kong magsalita.
“Bakit wala akong alam?" may inis na nausal.
“Ang daya, bakit hindi man lang kita nakita ng araw na yon?" bulalas pang naitanong nito habang pabaling-baling ang tingin nito sa akin at kay Apple.
“Sorry, siguro dahil late na ako dumating that night." sagot ko sa kanya at napasinghap siya habang sumimangot at napanguso.
Napansin ako ang pananahimik ni Apple at ang kaibigan lang nito ang panay na dumadaldal habang sumasagot lang ako sa mga tanong nito.
Ang daldal masyado nito. Siya lang halos ang panay ang tanong sa mga nais niyang malaman tungkol sa amin ni Apple.
Hanggang sa bigla nalang tumayo si Apple at magpaalam para magbanyo.
APPLES POV'S
Huminga ako ng malalim.
Nastress ako.
Hindi ko expect na mangyayari ito.
Hindi ko lubusan malaman kung papaano nangyari na magkaibigan ang baliw na doctor na yon at si Mr. De Jesus?
Magkasama pa 'pala ang dalawang yon sa hospital?
Nakakainis, sobra.
Pakiramdam ko ay minalas ako.
Dahil sa mga nangyari sa akin ngayong araw.
Pakiramdam ko nga sa dami ng nangyari sa akin. Kapalaran na nga ang may kagustuhan.
Kaya lang iniisip ko.
Kung bakit sa dami ng araw, ngayon talagang araw na to?
Hindi matapos ang kamalasan sa buhay ko.
May balat kaya ako sa pwetan ko?
Sa pagkakaalala ko. Wala naman ng maitanong ko yon kay Mommy nuon. Dahil sa paghihinala ko tungkol sa duon. Naitanong ko nuon si Mommy at kinulit.
Naisip ko, si Mommy ang siyang nakakaalam nuon dahil siya ang nag-alaga sa akin ng maliit pa ako.
Hanggang sa paglaki na rin. Si Mom ang madalas kong kasama at kasundo sa lahat.
Sa ngayon nasa banyo pa rin ako.
Gusto ko man makalabas rito sa banyo.
Nahihiya ako sa mga nangyari kangina ng dahil sa lalakeng yon at sa mga ipinagdadadal niya kangina sa harap ni Mr. De Jesus at Lara.
Nag-iisip ako habang iniuuntog ang ulo ko sa pinto ng cubicle.
Nahihirapan ako magdesisyon kung lalabas ba ako o mananatili rito sa loob hanggang umalis siya.
Iisa lang naman ang kinaiinisan ko sa lahat.
Ang baliw na doctor na siyang sa tingin ko ay nagyayabang pa sa dalawa pa niyang kasama sa mesa.
Tapos maging dito hindi ako makalabas dahil sa baka sumilip pa yon sa pintuan ng Cr once na bumukas mula sa labas.
Nakakainis, na malaman na nasa labas siya ng banyo.
Katatawag nga lang niya mula sa labas.
Para lang sabihin na nag-iintay siya sa labas.
Nakakainis, badtrip.
“Apple, andiyan ka pa rin ba sa loob ng banyo?" isang boses ang narinig ko.
Sumilip ako at nakita ko si Lara na nag-iintay na makalabas ako.
“Lumabas ka na nga diyan." sabi ni Lara. “Wala na, umalis na siya." sabi pa ni Lara, kinukumbinsi akong lumabas ng cubicle. “Pinabalik ko na siya duon sa kaibigan niya. Kaya pwede ba, wag ka na mag-inarte at lumabas ka diyan sa cubicle." sigaw ni Lara.
Huminga muna ako ng malalim.
Unti-unti ay binuksan ang pinto ng cubicle.
Hindi muna ako lumabas habang sumisilip.
Ang mata ko, gumawi pa sa may pintuan, para i-check na baka mamaya, nakasilip pala ang baliw na doctor.
Kaya naman dinouble check ko muna na wala talaga siya sa may pintuan kung saan may pumasok pa papasok ng Comfort Room.
“Tanga, wala na nga." sabi ni Lara ng matanga pa ako dahil sa kahibangan na ginagawa ko na pagsulyap sa pinto.
“Wala na, umalis na nga." bulalas niyang sabi.
“Pinabalik ko na duon sa kaibigan niya at wala dun kasama." Sabi na naman ni Lara.
“Huwag ka na mag-aalala, wala na siya diyan sa labas." aniya na wika na naman nito at walang tigil sa pagbuka ng kanyang bibig.
“Kaya lang, paano ba toh?" napalingon ako sa kanya ng magtaka ako sa bulalas nito.
“Bakit? May problema ba?" tanong ko.
“Oo, meron. Malaki ang problema." sambit na kinagulat ko.
“Ano naman?" tanong ko ulit.
“Wala pa ring pirma." sabi niya ng ipakita sa akin ang kontrata na dapat ay napirmahan na ni Mr. De Jesus.
“Pero bakit di niya pinirmahan? nagtataka na naibulalas ko pabulong.
“Ayaw pirmahan ng wala ka roon." sabi pang muli na sambit ni Lara.
“Hindi raw siya pipirma nang hindi ka babalik duon." sabi muli nito napabuga habang ako napasinghap..
“Anong koneksyon? Kailangan ko pang bumalik don?" bulalas ko.
“Di ba, okay naman na napag-usapan kangina? Ayos na sa kanya, pipirma na siya sa contract?" gilalas ko kay Lara.
“Bakit nagbago na naman ang isip ng isang yon?" tanong ko na ikinapagtataka ko.
Nagtataka ako dahil maayos na nga ang usapan namin kangina kahit may panggulo.
Kahit panay ang singit ng isa, maayos ko naman naipaliwanag kay Mr. De Jesus ang lahat bago kami nagkaayos na magpipirmahan na kami at pipirma na siya sa mga papers na dala namin para sa unit na kukunin niya.
Napabuga muli ako.
Napatingin sa salamin habang nag-iisip ako ng aking gagawin. Naaasar na talaga ako sa isang yon. Kung bakit pampagulo at dumating pa siya rito.
Hindi ko talaga inaasahan ang pagdating niya kangina matapos ko siya maiwan sa hospital.
Ang swerte naman ng baliw na yon at maging dito nasundan ako.
Nakakainis dahil sa mga oras na ito. Gusto ko siyang puntahan duon at hilahin palabas ng lugar na to.
Umiinit yung dugo ko. Sobrang nainit ang dugo ko ng dahil sa siraulo na yon.
“Paano na ngayon? Paano na gagawin mo? Kailangan mong lumabas dahil kung di ka lalabas. Di natin maclose ito." Sabi niya.
“Hindi natin makukuha ang pirma ni Mr. De Jesus ng di mo siya haharapin." sabi pa ulit ni Lara habang di pa rin ako makapag decide kung lalabas ba ako para harapin siya o mananatili nalang muna ako rito hanggang magsawa kakaintay sa akin ang baliw na yon.
Napasuklay pa ako sa buhok ko habang naiinis pa rin ako.
“Ano ka ba?" ani ni Lara.
“Naiinis kasi ako." sabi ko sa kanya.
“Naiinis ka man sa kanya. Bakit di mo nalang pansinin at i-focus mo ang isip mo sa trabaho. Hayaan mo nalang siya. Hanggang maclose mo ito." sabi na naman ni Lara.
Kinatok-katok ko pa ang ulo ko.
Ganito talaga ako pag naiinis o naiirita sa iba.
Ang hirap at di pa rin ako makapag decide kung haharapin ko ba sila o magstay pa rito...
Umuwi nalang kaya ako? nakakatawa.
Natatawa nalang ako sa naiisip ko.
Pero sayang itong deal na ito. Kailangan kong matapos ito kung hindi ay ilan pang susunod ang pagdadaanan ko bago ako makakuha ng client na interested sa mga binebenta naming property.
“Ano na? Magdesisyon ka na, anong oras na. Kangina pa sila nag-iintay sayo."
“Ilang minuto pa lang naman." sagot ko sa kanya.
“Ilang minuto ka diyan. Kangina ka pa nga rito. Ilang minuto ang pinagsasabi mo halos isang oras ka na rito na nagkulong. Bata lang? Para kang bata, Apple na nagtatago sa iyong kalaro" pabiro na wika ni Lara.
“Tara na, labas na tayo ruon ng makuha mo na yung sign ni Mr. De Jesus." pang aaya ni Lara.
“Ganito nalang, alukin mo nalang din yung makulit mong jowa ng bahay. Bahay niyo, magiging future niyong bahay."
“Ayos ahh, ang galing ng suggestion mo. Napamangha mo ako." sabi ko sa kanya na kinatuwa ni Lara.
“Baliw ka kasi, para kasi nga kayo mga batang nagliligawan. Bakit di mo nalang harapin yung tao? Kausapin mo ng maayos niyo ang problema." walang tigil na daldal ni Lara.
Bakit nga ba di ko kausapin ang baliw na yon?
Bakit di ko nalang harapin?
Bakit di ko nalang di alukin ng bahay ng magkaroon ng pakinabang. Total nandito na rin naman siya. Bakit di ko pa siya pakinabangan sa mga panggugulo at pamamahiya niya sa akin sa buong araw.
“Ano na? Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong ni Lara at parang tama nga siya ng mapaisip ako at pag-isipan ang mga sinabi nito.
“Sige, lalabas na ako. Lumabas na tayo." sabi ko at ayain siya.
“Alukin mo nalang din ng bahay. Para masaya at sulit ang gabi ng pang-iistorbo niya sa meeting natin." ulit na naman nitong si Lara at pagpapaalala na rin sa mga nangyari kangina sa kanilang haray.
Tama naman siya, bakit di nga ganuon nalang ang gawin ko at mabuti na alukin ko nalang siya ng bahay at nang matuwa ako sa kanya.
Bakit nga ba hindi ko gawin? napapangiti na inayos ang sarili at muling humigit ng aking hininga.
“Okay ka na?" si Lara na naman, tanong nito.
“Ayos naman na ako. Kangina pa." sagot ko.
“Bakit di ka pa lumabas? Talagang nagpasundo ka pa?" sabi ng may tawa.
“Ayoko lang muna lumabas kangina. Sumasakit yung tiyan ko. Dami ko nga nailabas. Hindi mo ba naaamoy?" pabiro na sabi ko at pagsisinungaling na rin habang napatakip siya sa kanyang ilong.
“Ano ba yan, ang siraula mo. Bastos!" sabi ng matawa ako.
Ang arte nito. Parang binibiro ko lang naman.
Bwisit, parang totoo na may naaamoy siya at nakatakip ng kanyang ilong.
“Grabe ang baho." sabi nito na kinataas ko ng kilay.
“Hoy, binibiro ka lang, grabe kung makaarte ka." sabi ko sa kanya at inalis ang kamay niya na itinakip pa sa kanyang ilong.
Baliw talaga itong si Lara at kinatawa ko nalang ang mga kaartihan ng isang ito.