APPLE'S POV'S
“Tapos ka na? kain muna tayo?" tanong niya sa akin matapos na makita niya ako na matapos na natapos na aplyan ng make up nung sales lady. Hindi ko siya pinansin, di ko pinansin ang sinabi nila. Basta nginitian ko ang sales lady matapos niya akong ayusan.
“Thanks ahh!" aniya ko sambit ng may maluwang na ngiti.
“Bagay sayo Ma'am! Ang ganda mo, mas lumutang yung medyo pinkish na kutis mo. Saka bagay sayo talaga yung light color lang, wag niyo po masyado kapalan yung pag apply ng make up sa mukha niyo. Okay po pag ganito lang yung kapal ng ilalagay niyo. Lutang talaga yung ganda, tapos ayusin natin po ng bahagya yung buhok niyo. Okay lang po?" Tumango ako. Syempre naman, siya na nagpresinta, tatanggi pa ba ako.
Inayos nga niya ang buhok ko at nagustuhan ko ang pagkakaayos niya. Ang ganda dahil sa medyo lumubas talaga ang pagkamaputi ng mukha ko hahaha. Dahil sa make up, o dahil talagang maputi ako? hahaha. dahil lang sa di talaga ako naglalagay ng make up maliban nalang if kinakailangan o gaya nito. Napadaan lang ako sa department store at hindi ko inaasahan na alukin ako ng babaeng ito na ayusin ang mukha ko at maging buhok ko ay inayos niya pa. Medyo kinulot niya ang ibabang bahagi ng buhok ko at talagang WOW! kinalaki ng mata ko ang nakita ko at kinabigla ang pagtitig ng nasa likod ko.
“Ma'am, yung boyfriend niyo po di maalis ang tingin sa inyo. Mukhang mas nainlove pa ata sa ganda niyo ngayon. Nakakatuwa naman, kinikilig ako. Sana lahat ng lalake ganyan makatingin sa mga girlfriend nila, boyfriend ko kasi. Pagkasama na gaya niyan..." bumulong siya ang sabi niya na sa iba natingin ang boyfriend niya every time na magkasama sila. Kaya nga raw pinag iisipan niya kung break na ba niya o hahayaan niya nalang gang may isang susuko sa kanila.
Kaloka! kaloka yung sales lady sa ibinulong niya kinatawa ko at kinangiti at kinatingin ko ng magtama ang aming mata.
Bwisit! hahaha nabigla ako. Bigla kasi siyang ngumiti na kinahiya ko naman. Pakiramdam ko nga pinamulahan ako. Pero itong babaeng nasa tabi ko napangiti rin sa nakitang reaksyon ko.
“Ang cute niyo po tingan!" anito na sambit ng biruin pa ako.
“Hindi ko siya boyfriend Miss. Sige na, salamat ahh. Aalis na ako. Heto, pasensya na naistorbo pa kita." sambit na turan ng abutan ko siya ng isang daan.
“Naku, Salamat po Ma'am." sayang saya siya sa inabot kong pera. Nagpaalam na rin ako at tumayo sa upuan. Sinipat ko pa ang aking mukha. Okay naman, maganda nga. tapos ay lumakad na ako.
Hindi pa naman ako lumabas sa department store. Pero nakasunod pa rin ito. Yung lalakeng pasaway. Itong doktor na ito, mamaya baka maging pasyente na ako sa palagian niyang pagsunod at panggugulat.
“Tigilan mo nga ang panggugulat." sabi ko ng sawayin siya
“Gusto mo niyan?" alok niya mula sa mga sapatos na nakadisplay na nilalakaran ko. Maraming ibat ibang design ang mga nakikita at nakadisplay. May nakita ako isang sapatos, actually di naman talaga ako bibili ng sapatos. Lipgloss nga lang sana ang bibilhin ko at pressed powder para sa mukha ko. Pero dahil sa siraulo na sunod ng sunod. Napabili ako ng mga di ko naman talaga kailangan at walang balak na bumili.
“Maganda, palagay ko bagay sayo. Kunin mo na, ako magbabayad." alok na sabi ng kanyang ipabalot sa isang clerk na lumapit.
“No, hindi ko bibilin." sabi ko ng pigilan sila.
“Nope, ibalot mo na, tingin ko size naman niya iyang hinawakan niya. Paki balot mo nalang. Paki sama pala ito, mukhang babagay sa kanya." ani ng magbiro ng dumukot mula sa mga nakadisplay ng isang lingerie at may nakita pa ako kinatawa niya habang inaabot sa clerk na babae. “Isa pa ito, tingin mo bagay na kanya?" sabay-sabay na natawa ang dalawa. isang set ng sexy na bra at panty na sinamahan pa ng sexy dress na may hiwa sa likod. Lagpas tuhod yung dress na kulay black na may pagkaligth lang ang color. Nakakatuwa, pero di ako natutuwa sa mga pinagsasabi nila at mga pinag uusapan. “Walang nakakatawa, kung gusto mo bilhin, para sayo o sa girlfriend mo. Wala akong balak na magsuot niyang mga pinamili mo. Gusto mo ikaw magsuot." pagtataray na inismiran ko pa siya at tatalikutan ko na ng magsalita.
“Meron naman ako, heto. Bibili rin ako." itinaas pa niya ang isang sexy shorts at ang underwear na kanya raw para sa kanya. Tawa pa ng tawa ang sira. “Saka, wala akong girlfriend, pwede ba ikaw? Tapos itong binili ko para sayo sa honeymoon natin isusuot. Hahaha!" sabay napakamot at tumawa. Nakita niya na di ako natutuwa sa mga pinagsasabi niya.
“Alam mo, di ko naman tinatanong. Kaya sorry ahh. Pero pasensya ka na, dahil di talaga ako nagsusuot ng ganyan. At lalo na di ako papayag na maging girlfriend mo o maging asawa mo. Hahaha! Asa ka, kahit gwapo ka pa, wala akong balak na kagatin ang lahat ng sinabi mo." pagtataray kong muli at tuluyan na siyang tinalikuran ng napadaan naman ako sa isang side na may simplehan lang yung damit. Wow! Kinamangha ko ng makita, simple lang siya. Couple Shirt's na may ilang kulay na pamimilian, ang cute at parang nais kong bumili. Pero wala naman akong boyfriend! Kangino ko naman ibibigay yung isa? nag isip pa ako, nakakahinayang naman..
“Gusto mo?"
Putek, nasa likuran ko na pala ito. Nagulat na naman ako. “Ang hilig mong manggulat. Ano ka ba? Kainis ka, lumayo ka nga." sabi ko sa kanya na tinulak siya palayo.
“Gusto mo? Maganda, tig isa tayo."
“Baliw ka ba? Hindi kita boyfriend, kaya asa ka." sagot ko
“Bakit? Magboyfriend lang ba ang pwede na mag couple Shirt's? Hindi naman di ba? kahit nga magkaibigan, pwede na gawin iyan. Hindi mo ba alam? Dapat inaaral mo, paano nalang kung tayo na... Paano nalang if kasal ka na sa akin." nakangisi na sabi na may panunukso at bilib sa kanyang sarili.
“Bahala ka nga sa buhay mo." aniya ko at mga pinagbibili nga niya lahat ng mahintuan kong area at bawat makita ko niya na tinitingnan ko binibili niya. Kaya sa tuwa ko.
Lahat ng matipuhan ko hinihintuan ko. Oh di ba? binili nga niya at ngayon nakapila na siya sa cashier matapos ang halos isang oras na mahigit na pag iikot ko. Ayun at nabili na niya lahat ng makita at mahintuan ko. Halos lahat ng binayad niya sa akin. Kaya ngayon maghirap siya sa pagbibitbit. hahaha
Belat nga sa kanya. Simple akong natatawa dahil sa dami ng kanyang bitbit nakikita ko na nahihirapan rin siya. Pero hayaan ko lang siya, bahala siya yun ang gusto niya eh kaya magdusa siya. Hahaha.
Bawat madaanan namin nahihinto siya at kanyang ibinababa ang kanyang mga dala. Huminto ako sa isang booth na may tindang ice cream. “Gusto mo?" tanong ko sa kanya. Di naman ako madamot at binilhan ko rin siya. Huminto kami saglit at nang maubos ko na ang ice cream. Naglakad lakad muli ako. Siyang di pa tapos kumain nagkukumarat sa pag ubos at nagmamadali na hinabol ako.
Binibilisan ko ang bawat hakbang ko pero naabutan naman din ako.
Kakainis, pero nakakatuwa rin ang pagsunod sunod niya ahh! Heto at naabutan na naman niya ako habang kanyang bitbit lahat ng mga pinamili ko. Bahala siya, siya naman ang may gusto eh! Magtiis siya, magtiis siya na bitbitin ang mga pinamili ko.
Tanga lang, dahil nakasunod lang siya palagi habang kinuha ang mga dala ko at kanyang binitbit. Haist! napapangiti ako habang ang mata ko ay iniibaling ko sa kabilang gilid ko ng maramdaman ko ang pagpantay niya sa akin. Hinihingal rin siya, pagod kakahabol.
“Hindi ba pwede na huminto muna tayo? Napapagod na ako sa kangina pa natin paglalakad at pag iikot. Baka pwede naman maupo muna tayo saglit at magpahinga. Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mong paglalakad?" ani na nauubusan na ng hangin habang nagsasalita.
Haist! Marunong magreklamo ang isang ito. Huminga muna ako, pagkatapos ay nag isip kung tama bang pagbigay ko ang sinabi nito. Kaya lang, parang nais ko pa sana mag ikot bago pa man tumungo sa bahay nila. Kasi naman itong sila Mom and Dad, nakiusap pang idaan ko ang pinabibigay nila sa kanilang kaibigan matapos sabihin na dumaan pa raw ako ruon at iniimbitahan ako na tumungo at gumala sa bahay nila.
Pero gusto ko rin naman! gusto ko na mas makilala pa sila, mukha kasing mababait sila at gaya ng nakita ko kay Hailey mukhang interesting ang isang iyon at very friendly. Hindi naman ako madalas magkamali sa pagtingin ko pa lang sa itsura ng isang tao, alam ko na agad kung anong ugali ang meron ang tao na yon. Mahusay rin naman din ako kumilatis ng tao lalo na kung alam kong plastic o nagsisinungaling lang at hindi tapat ang ipinapakitang ugali.
Gaya nalang niya! Napasinghap ako at nilingon na. Hindi na rin ako nakatiis at naawa na rin ako kaya naman huminto nalang muna ako sa aking paglalakad. Haist! Itong tao na ito ay may kakulitan talaga, pero masasabi ko naman sa nakikita ko sa itsura, sa anggulo, sa pangangatawan... Perfect na!
“Ano yan? Bakit napapangiti ka ata? Type mo siguro ako ano? oiii, ikaw ahh... Mahilig ka rin pala sa gwapong tulad ko. Sabagay, gwapo naman raw talaga ako, kaya nga napapangiti ka at napatulala na ng makita ang gwapo kong mukha. Pero okay lang naman, titigan mo lang, gang magsawa. Dahil titingnan rin kita ng gaya nito." napaatras ako ng biglang inilapit niya ang mukha sa mukha ko.
“Ano ba?" ani ko napasigaw at muli ay napaatras. “Ilayo mo nga, ilayo mo yung mukha mo. Lumayo ka rin sa tabi ko. Nakakadiri." maarte kong sabi. Inirapan ko pa siya at naiinis ako ng kanya pa ako tawanan.
“Ang arte mo naman, sabihin mo type mo rin ako. Bakit kailangan mo pang itanggi gayon na talagang gusto mo rin ako." mahangin na pagkakasabi.
Napakamahangin pala talaga ng isang ito, mayabang at masyadong bilib sa kanyang sarili. Nakakairita pero ang cute niya naman din tingnan. Haist! Napabuntong hininga ako at pa cute pa ang siraulo. Kahit papungayin niya pa mga mata niya... tingnan niya ako ng ganito... kahit...
“Ano ba?" ani na nasigaw. Nasigawan ko tuloy siya ng tingnan ko siya ng nakataas ang kilay ay bigla nalang niya sinundot yung nuo ko. Kinagulat ko kaya, kinabigla ng biglang sadyain niyang gawin iyon. Sadyain na sundutin ang nuo ko at masakit kaya. Tapos ay kinatawa niya pa ang pagtataray at pagsimangot ko sa kanya. “May nakatutuwa ba? May nakakatawa?" inirapan ko ulit sabay sinabi. “Epal ka, akin na nga iyan. Bwisit!" anito ko at tangkain na agawin yung hawak niya na mga pinamili ko.
“Wait, akin ito. Ako nagbayad di ba? So, means pag aari ko ito." pabiro na sabi na nakangisi.
“Edi sayo, saksak mo sa baga mo. Sino ba magsusuot ng mga iyan? Ako? Sorry ahh, wala akong balak na magsuot niyang binili mo. Siguro itatapon ko lang naman lahat yan after namin maghiwalay. Saka, di man kita ganuon kakilala, ewan ko nga lang at ang kulit mo na laging nakasunod. Bakit di ka umuwi nalang at magpahinga sa inyo kesa naririto ka at ako ang iniistorbo?" Napabuntong hininga ako, naiinis ng ngisi-ngisi pa siya.
“Sabi ko nga sayo, isusuot mo lahat ito sa honeymoon natin dalawa." confident na sambit niya.
“Asa ka! Magpakasal ka sa sarili mo." sabi ko.
“Asa ako, dahil alam kong magkakatotoo." ngiting-ngiti na sagot niya
“Ohh, really? nagpapatawa ka." sagot ko rin.
“Really! Dahil totoo, akin ka Apple, akin kang mapapangsawa. Makikita mo, maiinlove ka sa akin at mamahalin ako. Pero, as of now. Magsawa ka sa pangungulit ko, gang dumating ang araw na mawawala rin iyang pagpapakipot mo." aniya na talagang bilib sa kanyang sarili. Talagang pinaniniwalaan niyang mangyayari ang paniniwala na maiinlove rin ako tulad ng nakikita niya.
Ang yabang! bahala siya sa gusto niyang paniwalaan.
Kainis na siya, epal. Para isipan niya na magkagusto rin ako sa kanya. Bahala siya, kainis bakit ba ayaw niya pa ako tigilan, asar talaga... Paano niya nasasabi na kanya ako?
Hayyy! bahala siya, asar na nais ko sana magtatakbo ng iwan ko nalang siya ng mawala na siya sa aking harapan.
Hayyy! nakangiti pa ang siraulo. Bahala ka nga, asar.