APPLE'S POV'S
“Wag mo sabi akong hawakan. Nakakainis ka na." sabi ko at kangina pa ako naiirita sa kakasunod niya at kakabantay sa akin.
“Mag-usap nga lang tayo."
“Mag-usap?" gilalas na sabi ko.
“Para saan naman ang pag-uusapan natin? Wala na tayong dapat pag-usapan. Nakita mo na, napahiya na ako sa kaibigan ko at sa doctor na client ko. Ano pang pag-uusapan? Ano pang dapat pag-usapan?" sabi ko may inis sa inulit 'ulit ko pa ang pagkakasabi ko.
“Alam mo, umalis ka nalang. Hindi makakatulong sa akin ang ginawa mo kangina. And please, leave me alone." mariin na pagkakasabi at utos ko sa kanya.
Ngunit hindi man lang siya natinag muna sa pagkakatayo habang pilit na hinahawakan ang braso ko na iniiwas ko naman.
“Pwede ba, hindi ka ba talaga nakakaunawa sa mga sinasabi ko sayo? O, baka naman talagang ayaw mo lang intindihin ang mga sinasabi ko?" bulalas kong sabi pa muli pero seryoso siya na nakatitig at tinitingnan lang ako sa aking mukha.
Lumakad na ako, hindi ko na inantay na makasunod pa siya.
Kahit ang lingunin ay hindi ko na siya nilingon at lumakad na ako sa aking paglalakad isang bulto ang aking nabangga. “Apple?"
Napaangat ako ng mukha at ganuon nalang din ang aking pagkabigla ng mapagsino ang taong nabangga ko. “Chris?"
Gulat na gulat ako ng mapagsino. Si Chris ang lalakeng nuon ay madalas na sumunod 'sunod sa akin nuong nasa college pa ako.
Halos di ko siya makilala. Nagulat ako at nabigla.
“Kumusta?" tanong agad nito.
“Okay lang! Ikaw, kumusta ka?" baliw ko na tanong.
“Ayos lang, kababalik ko lang galing US. Ikaw? Kumusta ka na?" nakangiti na sabi nito.
“Ang laki ng ipinagbago mo. Halos di na kita nakilala, nakakatuwa naman at nagkita tayo ulit." sabi pa nito na kinatawa ko.
“Hindi lang naman ako. Ikaw rin naman." sagot ko.
“Ang laki rin ng ipinagbago mo. Nakakabigla, hindi ako makapaniwalang anlaki ng gina-gwapo mo po. Tapos, ang payat mo na. Parang tumangkad ka pa." manghang sambit ko na kinatawa rin nito.
Hindi talaga ako makapaniwala dahil nuon ay sobra niyang taba at hindi ganito ang kanyang itsura.
“Nagparetoke ka na?" biro ko na tinanong siya ng diretsahan na tumawa pa siya sa biro ko.
“Hanggang ngayon. Mapagbiro ka pa rin talaga, ikaw kumusta ka na? bakit kangina pa kita kinakamusta ayaw mong sumagot. Ano na bang iba ngayon sayo?" anito na sambit nito na tumawa lang din ako
“What do you mean?"
“Ano ka ba, ang hina mo naman." gilalas niya na sambit.
“Ang hina mo. Syempre, kung ano ang balita sayo? May asawa ka ba? Anak? or maybe single ka pa rin gaya ko." bulalas na wika at sinabi.
Humugot muna akong isang malalim. Ngumiti habang nakatitig sa kanya.
Nuon, di ko magawa ang kahit lingunin siya.
Kahit ng tingnan ay hindi ko nagagawa.
Ngayon pa na gwapo na siya, sexy at sobrang tangkad.
Hindi lang tingin, napapatitig talaga ako ay hindi ko yon maalis.
Grabe itong si Chris, hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang ipagbabago niya.
Mula sa pagkataba. Ngayon ay pagkasexy na.
Mula sa magaspang niyang mukha. Ngayon ay pagkakinis na niya.
Bansot pa siya nuon. Ngayon ay tumaas pa siya sa akin ngayon.
Iba na talaga nagagawa ng may pera, lalo na kung nakarating sa america.
“Natural yan!" biro na sabi at sagot ng tanungin ko kung nagparetoke ba siya.
“Sure?" aniya na nakatawa kong sabi habang naniniguro sa kanyang sagot
“Hindi ba halata?" anito nakangiti pa rin ito.
“Saan ka nga pala ngayon nakatira?" tanong nito.
“Sa parents ko, wala naman ipinagbago. Dalaga pa naman, bakit bubukod pa ako. Nag-iisa lang din ako na anak. Bakit kailangan ko pang umalis sa lugar kung nasaan ang mga magulang ko." sagot ko sa kanya na kinangiti nito.
“Sabagay, tama ka." pagsang-ayon na sagot.
“Ikaw?" nang siya naman ang natanong ko.
“Ako?" anito na sambit nito.
Nag-iisip pa siya at kinatawa ko ng biglang ngumiti siya. “Bakit?" tanong ko.
“Wala naman, actually, diborsiyado ako." sagot ng ikagulat ko.
Nagulat ako at muli ay hindi makapaniwala sa sagot nito. “Sure?" aniya ko at tumawa siya.
“Mukha bang nagsisinungaling talaga ako?" manghang tanong niya.
Nagkipit naman ako ng aking balikat.
“Malay ko, baka naman gaya ka lang ng iba. Annulled na raw pero mali, nagsisinungaling dahil ang totoo ay nagsasama pa rin. Ilang beses na ako nakatagpo ng mga lalakeng gaya mo. Sasabihin, divorce pero ang totoo. Support pa rin sa mga asawa nila." may pinaghuhugutan na sabi ko.
“Kayo talagang mga babae kayo, ang hirap niyo mga paniwalain. Divorce na nga ako. Last week lang bumama yung results ng divorce papers na isinumete namin nung ex wife ko. Nakaraan na taon pa yon. Tumagal nga." sagot niya at pakiramdam ko nga ay seryoso naman siya.
“Okay, sabi mo eh." ngumisi ako. Tumawa siya at natawa na rin ako.
“Bakit ikaw?" biglang seryoso ng mukha niya.
“Paano na bakit ako?" sabi ko pero tinatawanan pa rin ako.
“Bakit mo na ako tinatawanan?" sabi ko.
“Parang gaya ka pa rin ng dati, Apple. Maganda ka pa rin ng tulad nuon. Kung paano kita nuon hinahabol. Naaalala mo?" sabi niya at kinahiya ko
“Tumatakbo ka pa nga sa tuwing papalapit na ako sayo." wika na kanyang hayag.
“Siguro, natatakot ka nun sa itsura ko?" sambit nito. “Kasi nga di ba, ang pangit ko dati, nakakadiri pa nga raw sabi ng iba. Pero, ngayon. Sa palagay mo ba? May ipinagbago na ba?" tanong na sabi ni Chris sa may pagkaseryoso.
Maging ako ang nakangiti na itsura ko ay nagchange mood. Naging seryoso na di na makangiti ng dahil sa mga panunukso ni Chris.
“Actually, matagal naman na yon. Bakit di natin subukan na kalimutan nalang ang nuon at ang ngayon ang ating nating simulan." aniya na sabi ko habang di maiaalis ang tingin.
Sabagay, di naman kaya na tigilang at kalimutan yon. Bahagi na yon ng aming kakatwang nakaraan.
“Sabagay ay tama ka. Bakit di natin umpisahan ngayon?" ani ng biruin ako.
“Biro?" gulat na wika patanong sa kaharap ko.
Nagkatawanan nalang kami na dalawa.
Tumawa ako, tumawa naman ito.