APPLE'S POV'S
“Hello, Apple!" sambit ni Mommy.
“Yes, Mom. Napatawag ka?" tanong ko agad.
Nagtataka ako dahil sa biglang tumawag si Mommy.
“Magkasama na ba kayo ni Jude?"
“What?" bulalas sa gulat.
“Bakit mo naman naitanong, Mom? Hindi ko siya kasama." sabi ko
“Bakit naman? May problema ba?" pagtatanong ni Mom.
“Tumawag sa akin si Jude, ang sabi niya ay isasama ka niya at sabay na kayo tutungo sa bahay nila. Bakit di mo siya kasama?"
Napabuga ako, bakit kailangan pang itanong. Malinaw naman ayoko kasama ang anak ng kaibigan nila.
Baliw yon eh!
“Apple, tawagan mo si Jude. Ang saya pa naman namin ng Daddy mo nang malaman namin na kayo na pala nitong si Jude." masayang sambit ni Mommy at narinig ko pa si Daddy ang pagbulong nito habang nakikipag-usap ako kay Mommy.
“Apple, bakit ang bilis naman ata? Sure ka na ba? Talagang ganun kadali na nakuha ka ni Jude at napasagot?" may pagbibiro na sambit ni Mommy habang tinutukso ako.
“Sabagay, hindi ka naman namin din masisisi. Gwapo na bata si Jude at palagay namin na mabait na bata rin ang batang yon. Sana nga lang ay hindi ka niya paiiyakin." tudyo may pagpapaalala na sabi ni Mommy.
“Dahil kung hindi ay mananagot siya sa amin ng iyong Daddy. Kaya, sabihin mo lang, huwag kang mahiya anak. Baka mamaya, gwapo lang siya pero papaiyakin naman ang mansanas namin." aniya na pabiro ni Mommy.
“Mom, hindi kami." sagot ko.
“Hindi kami, malabo na mangyari ang iniisip niyo. Hindi magiging kami ng baliw na yon!"
Oops! napahinto ako.
Maging ako nagulat sa mga nasabi ko.
Sa mga naisambit ko na sagot kay Mommy kinagulat ko.
Asar! Bakit naman, Apple? Bakit mo sinabi yon sa ganuong way?
“Sorry, Mom." sambit ko ng tahimik sila Mommy at Daddy habang hindi ko na sila narinig na nag-ingay.
“Sorry po, hindi ko sinasadya na masagot at mapagsabihan ko kayo ng ganuon. Hindi ko po sinasadya na makapagsalita ng hindi maayos." sambit na ilang ulit ko sinabi kila Mommy.
“Sino kausap mo?" nagulat ako. Napalingon at hindi makapaniwala na nasundan na naman pala ako ng baliw na doctor.
“Sila Mommy ba?" tanong nito at inagaw ang cellphone ko.
“Akin na yan!" sabi ko ng muli ko agawin sa kanya ang cellphone.
Mabilis rin niya ulit naagaw yung cellphone sa kamay ko.
“Akin na yan!" sabi ko at nakikipag-agawan sa kanya habang mabilis siya tumalikod at kinausap ang kausap ko na siyang nakita niya pala.
************
JUDE'S POV'S
Napakabilis talaga ni Apple, ang bilis nawala sa paningin ko. Nakakatawa dahil napikon na naman siya at nagawa akong iwanan matapos na mabiro ko siya.
Saan na naman kaya siya nagpunta?
Teka, nagriring ba yung phone ko o sa iba? napalingon pa ako sa paligid ko. Pero wala naman akong makita na may ibang may hawak na cellphone.
Tiningnan ko ang cellphone sa bulsa ko.
Sa akin pala ang tumutunog.
Si Tita, Mommy ni Apple.
“Hello po, Tita." sabi ko ng makuha kong sagutin iyon.
Nagtataka ako bakit kaya tumawag?
Saka ko lang naalala na baka dahil kay Apple kaya tumawag ito.
“Kamusta? Magkasama na ba kayo ni Apple?" tanong ng mommy ni Apple at hindi ko naman alam ang isasagot ko ng dahil hindi ko pa nakikita si Apple.
“Ayos lang po, Tita!" napabuntong-hininga ako. Kinabahan, parang bata na nakakatawa.
Ganito ba pakiramdam na ang magulang nag babaeng gusto ko, kausap ko ng di ko naman inaasahan.
“Hindi ko po kasama pa si Apple, nagtampo po kasi sa akin. Iniwanan ako, hinahanap ko pa po sa ngayon." sagot ko na kinagulat ko ng matawa ang mommy ni Apple.
”Talagang bata na yon, hindi pa rin nagbabago. Pagpasensyahan mo na ahh, masasanay ka rin sa batang yon." sabi ng mommy ni Apple.
“Ayos lang po, Tita. Masasanay nga rin po siguro ako. Lalo na po at magiging kami rin ni Apple sa mga susunod." turan na sabi ko na kinatatawa nila dahil sa pagiging diretso ko maging sa magukan ni Apple.
“Naku, Jude ipagpaumanhin mo sana. Masaya lang kami ng Tito mo. Kung magkakatotoo nga iyang sinabi mo. Unang-una kaming dalawa ng daddy ni Apple na magiging masaya para sa inyong dalawa." tuwang-tuwa na sabi ng mommy ni Apple.
“Oo naman, mukhang nababagay si Apple sayo.* aniya na sabi pang muli ng mommy niya.
Ilang minuto at sa wakas ay nakita ko rin si Apple habang may kausap sa phone.
Mabilis ako nakalapit ng hindi napapansin ni Apple.
Nakikinig ako sa usapan nila ng hindi ako napapansin ni Apple ng dahil sa pagiging maingat ko habang sinusubukan na makalapit at subukan na pakinggan ang kanilang mga usapan.
“Sila Mommy at Daddy ba yan?" tanong ko ng agawin sa kanya yung cellphone.
“Hello.po!" magalang na sabi ko sa kausap niya habang ngayon ay kausap ko at walang tigil sa mga pakikipag usap sa akin
“Magkasama na po kami ni Apple. Wala na po kayo dapat ipag alala ni Apple.
“Buti naman at magkasama na nga kayo ni Apple namin. Kamusta naman? Hindi ka ba tinarayan?" tumawa ako.
“Hindi naman po!" magalang na pagkakasabi kong muli.
“Salamat!" ani na sabi ulit ng mommy ni Apple.
“Akin na nga iyan" sabi ni Apple habang inaagaw yung phone niya na hawak ko habang naibaba na rin ng mommy ni Apple nakausap ko kanginà.
“Akin na nga!" sabi pang muli ni Apple habang umiiwas ako sa mga pagsugod niya sa akin habang inaagaw at nakikipag-agawan naman ako.
“Hindi na nakatutuwa." usal na sabi ko habang nakaiwas pa rin naman ako sa kanya habang itinaas ko pa ang phone niya upang hindi niya maabot.
“Isa.." pagbibilang ni Apple
“Dalawa!" aniya muli habang hindi ko ibinibigay ang phone niya.
“Ano ba!" sabi ko at pilit niya inaabot ang phone niya.
“Ano ba, akin na sabi yan!" nang mahawakan ako sa braso at pilit na nakikipaghilahab sjya.
Natatawa ako kay Apple habang inaagaw pa rin ang phone niya.