She’s back ANGELINE “All passengers bound for Manila, Philippines, from San Diego, California, please proceed to the boarding gate…” Tumayo ako sa kinauupuan at saktong dating ni Quen dala-dala ang kape na binili niya para sa amin. Inabot niya ang para kay Daddy bago ako binalingan. “I’m going to miss you, babe…” mahinang saad niyang sinulyapan pa ang ama ko na tiyak ko namang walang narinig dahil abala sa pagtingin sa ipad niya, binabantayan ang stock market. Ngumiti ako at kinuha ang kape na nasa kamay niya bago siya niyakap. “I’m going to miss you too, babe. I’ll call you once we arrive in the Philippines. Have a safe trip, too,” bulong ko sa kanya at tumingkayad para bigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya pilit ko siyang nginitian. T