Book I Finale ANGELINE When I woke up, I realized what I’ve done. Kahit nakainom at nawalan ng malay, alam ko kung ano ang ginawa ko. Ginawa ko iyong bagay na sinabi ko sa sarili kong hindi ko na ulit gagawin. Ang magmakaawa sa isang tao na ‘wag akong iwan. Hindi nga lang basta pagmamakaawa ang ginawa ko. I almost killed myself thinking that it might change his mind. Kinukutya ko ang sarili dahil iyong bagay na kinaiinisan kong gawin ng ibang tao ay nagawa ko. Lagi kong sinasabi na kung hindi ako gusto, bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko? Pero pagdating kay Khalil…wala na. Nakakalimutan ko na ang lahat. Kung sino ako. Ang pride na meron ako at higit sa lahat ang pagmamahal na dapat meron ako sa sarili ko. Mapaghiganti akong tao. Mapagkimkim ng nararamdaman. If you hurt me, I woul