Nagbago ANGELINE Umawang ang labi ko nang makita ang pinadalang picture sa akin ni Kuya Kaiden ng pamangkin ko. Selina Kaira. Such a pretty name and a beautiful face. “Mommy!” pagtayo ko nang pumasok si mommy sa kwarto ni Chase kung saan ako matutulog ngayong gabi at hinila siya patungo sa kama. I missed sleeping with my son. Kaya kahit sinasabi niyang big boy na siya at hindi ko na siya kailangang tabihan sa pagtulog, ako pa ang magi-insist na tabihan siya. “Si Chase?” “Nasa bathroom, ayaw na din magpaligo sa akin. Masyado na iyong baby ko, mommy. Ayaw nang magpa-baby sa akin,” parang batang pag-ungot ko na ikinatawa niya. Pero nang maalala ang ipapakita ko sa kanya ay kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ‘yon. “Mommy, look what Kuya sent me!” Gaya ko’y umawang din ang la