Girlfriend ANGELINE “Can you walk?” tanong ni Khalil sa akin nang makarating kami sa harap ng tagong bar na pagmamay-ari niya. Sinusuot ang facemask at bucket hat na umiling ako. “Nasugatan lang ako pero hindi naman ako napilayan,” saad ko pero natigilan nang hawakan ni Khalil ang sumbrero ko’t alisin iyon sa ulo ko. “Do you really have to wear that?” Mapait akong ngumiti. “If someone sees us na tayong dalawa lang na papasok sa bar, ano tingin mong iisipin nila? Na tinu-tutor mo ako?” pag-iling ko at binuksan ang pinto ng kotse matapos maibalik ang bucket hat sa ulo at bumaba na. Walang katao-tao ang bar maliban sa dalawang tauhan niya na doon daw nanunuluyan. Tila may sarili naman silang mga mundong dalawa na matapos batiin si Khalil ay bumalik na sa kani-kanilang ginagawa. “Anong