Boyfriend ANGELINE "Kuya, I'll just call you na lang kapag susunduin mo na ako. Uwi ka muna sa bahay dahil baka mamaya pa ako at marami kaming bibilhin na gamit sa school nila Leah." Dinukot ko ang wallet at naglabas ng isang libo ro'n at iniabot sa kanya. "Here, magmeryenda ka muna." "Ang laki naman nito, Ma'am–" "It's okay, basta kapag nagtanong sa bahay make sure sasabihin mo sila Leah ang kasama ko." Napapakamot sa gilid ng ulo niya na tinanggap ang pera na inaabot ko. "Eh sila naman po talaga ang kasama n'yo hindi ba?" Tumikhim ako. "Oo nga. Iyon na ang ibig kong sabihin," sagot ko at nagmamadaling bumaba na sa entrance ng mall. Nang makita kong nakaalis na ang kotse ay dali-dali kong nilabas ang phone ko at chinat si Khalil na sa parking lot na ako maghihintay sa kanya. Kha