Mine ANGELINE Nakapwesto sa backseat si Adrien na putok ang labi at nakapikit nang makasakay ako sa front seat. Sana nga’y magising na siya sa paglalasing niya sa suntok ni Khalil. Para worth it naman ang pagkakapasa ng kamao ng huli. Nagmaneho na paalis si Khalil at ako naman ay bumalik ulit sa isipan ang tawag na natanggap kanina. That one mistake? Ano kaya ‘yon? Niloko niya ba si Khalil? Siguro… “Is it okay for you to go to the mall wearing that oversized shirt?” Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Khalil at napayuko sa malaking white shirt na suot ko. Wala namang kaso sa akin ang magpunta ng mall na suot ‘to pero hindi ako pwedeng magpakita sa bahay na nakasuot ng malaking shirt. Obviously, kahit sinong makakakita sa akin, maiisip na sa lalaki ang damit na suot ko. “Angel