Gulo ANGELINE “And…5…6…okay, turn around…pull her closer, Sir. Ayan ganyan! Perfect!” Hinihingal na nakangiting sinalubong ko ang seryosong tingin ni Khalil. Mainit ang kamay niya sa hita ko at naramdaman ko pang pinisil niya ako roon. Sobrang lapit namin sa isa’t-isa at dikit na dikit ang katawan namin dahilan para maramdaman ko muli ang pag-iinit ng katawan ko. Higit isang linggo na namin na ineensayo ang sasayawin namin sa acquaintance party na halos dalawang linggo na lang ay magaganap na. Isang malakas na pagtikhim ang nagpahiwalay sa amin. May panunudyo sa mga mata ni Coach na sinulyapan ako. “Grabe, Sir. Sigurado ka bang wala kang experience sa pagsasayaw? Ang dali mong natuto ah. Bagay na bagay ang mga galaw ninyo ni Angeline, para kayong nag-uusap na dalawa, I’m so excite