Peklat ANGELINE “Damn, Angeline Lauren, binabaliw mo ako…” Tila isang sirang plaka na paulit-ulit iyon sa utak ko habang pinagmamasdan si Khalil na umo-order ng kape sa counter. Ako na dapat ang o-order dahil medyo may tama pa nga siya ng alak pero ayaw niya. Masyado raw maikli ang suot ko na short. Naghahagilap pa nga siya ng suit at jacket sa kotse niya pero wala naman kaya hinila ko na siya papasok sa coffee shop. Gusto kong magkape muna siya bago magmaneho pauwi para masigurado kong hindi siya maaksidente. Hiniram ko na lang ang cap niya na buti ay mayroon. Mahirap na. Maliit lang ang San Nicolas at bagama’t halos kami lang ang nasa coffee shop na medyo malapit sa bahay ay mabuti nang nag-iingat kaming dalawa. Hindi na rin naman ako nagtataka, maga-alas-onse na rin ng gabi. Sa