Tumakas ANGELINE “Cherry, pakidala nga dito iyong first aid kit,” bilin ni Mommy kay Cherry bago kami pumasok sa kwarto ko. Dumiretso ako sa kama at tulalang napaupo roon. Napatingin ako sa kamay kong namamaga. Sa pagpikit ko ay naaalala ko ang nangyari kanina. Ang walang malay na si Abigail. Ang dugo sa kamay ni Leila. Ang galit sa mga mata ni daddy, ang mga masasakit niyang mga salita…at higit sa lahat ang hindi ko mabasang ekspresyon ni Khalil. He’s mad…doon ako sigurado… Napayuko ako at nasapo ang ulo kong nananakit din. Pakiramdam ko’y nalagas ang buhok ko sa grabeng pagsabunot sa akin nila Leila. “A-ayos na ako, y-you can leave–” “Not this time, Angeline. Hindi kita iiwan ngayon, hmmm?” masuyo ang boses niyang saad at muling nangatal ang labi ko nang haplusin niya ang buhok