Who are you ANGELINE “Ubusin mo ang baon mo, ‘wag masyadong magtatakbo at papawisan ka. Baka hikain ka tapos–” “Mommy, I know what to do na po. You’ve been telling me that for a gazillion times ever since I started going to school. I’ll be late, goodbye,” mabilis siyang humalik sa pisngi ko at nagtatakbo na papasok ng school niya’t humalo na sa mga kaklase niya. Matagal pa akong nanatili sa kinatatayuan ko hanggang sa tuluyan nang mawala sa paningin ko si Chase. Parang kailan lang ay kasing-liit lang siya ng braso ko. Hindi pa nga aabot. He was so small and fragile. He was a premature baby and I even thought he might not make it. But here he is, he’s already in his first grade. Ayaw nang bine-baby ko. Dati-rati’y lagi siyang nakasunod sa akin at gustong-gusto na palagi akong kasama,