Galit KHALIL “Excuse me, but who are you?” Parang may sumuntok sa puso ko nang marinig ang mga salitang ‘yon mula sa kanya. Kunot na kunot ang noo niya at tila ba takang-taka nga kung sino ako. Napapailing pa na tumalikod siya at umalis ng Inferno. Sinundan ko siya ng tingin at nakumpirma na siya nga ang babaeng nakita ko no’n sa airport. Nagduda pa ako dahil sa kulay ng buhok niya pero walang kaduda-duda na siya ‘yon. She’s back. Angeline Lauren Figueroa. But wait…what does she mean by that? Hindi niya ako kilala? Hindi niya na ako naaalala? “Sir–” Hindi na natapos ng assistant kong si Joel ang sasabihin niya nang dali-dali kong tinakbo si Angeline nang makahuma pero huli na ang lahat. Nakasakay na siya sa kotse at matulin ang takbong umalis ‘yon. Naikuyom ko ang kamao at mapait