Kabanata 8

1511 Words
Cufflink ANGELINE Dinilat ko ang mga mata ko nang marinig ang pagbukas ng kwarto ko. Inis kong ibinato ang unang nahagip ng kamay ko. “Hindi ba sabi ko magpapahinga ako at walang dapat na pumasok sa kwarto ko? Alin ba ang mahirap intindihin don–” Natigil ako sa pagsasalita nang makita ang ama ko sa harap ng kama ko. Sinulyapan ko lang siya at bumalik sa pagkakahiga’t nagtalukbong ng comforter ko. “Angeline, anak… masama daw ang pakiramdam mo sabi ni Nanay, uminom ka na ba ng gamot?” Hindi ako sumagot at nagpanggap na muling nakatulog lang. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko at tangkang pag-alis ng comforter na nakabalot sa katawan ko. “Na-max out mo na iyong dalawa mong card, napaayos ko na iyon sa secretary ko. Mas dinagdagan ko pa ang limit dahil alam kong inililibre mo din ang friends mo. Huwag ka nang magalit sa akin, Angeline.” I sighed. This is what my father always does. Kapag may nagawa siyang masama sa akin o napagalitan niya ako, he would use his money to apologize, and as a spoiled brat everyone thinks of me including him, I always gave in. Gusto kong magmatigas at sabihing wala na akong pakialam sa pera niya. Hindi naman talaga ako napapasaya ng mga materyal na bagay na ‘yon. Panandalian siguro oo. But all I just wanted was his attention. “Tell me, may gusto ka bang ipabili kay daddy?” “A-are you really helping that woman, daddy? Bakit? Dahil namatay na ang kabit niya?” mahinang tanong ko at inalis ang pagkakatalukbong sa mukha. Pakiramdam ko’y may pinong kurot akong naramdaman sa puso ko nang makita ang paglumbay ng mga mata ni daddy. “Angeline, hindi ko matitiis ang mommy mo. Kailangan niya ako. Ako na lang ang maasahan niya.” Pero nasaan siya nang kailangan mo siya? Noong kailangan ko siya–namin ni Kuya? She was busy building a family with the man she ran away with. She was raising his kids without even caring about us… Gusto kong sabihin ‘yon pero inikot ko lang ang mga mata ko dahil alam kong magkakaroon lang kami ng argumento muli at sa mga oras na ‘to pagod ako para sa pakikipag-argumento sa kanya. Wala akong lakas. “Gaano kalaki ang ni-raise mo sa limit ko? Is it enough para makabili ako noong bag na pinapabili ko sa inyo? Iyong Kelly na Hermes?” pagtataas ko ng kilay sa kanya. Napailing siya. “Don’t use your card on that. I’ll buy it for you. Send me the store location, I’ll ask my secretary to purchase it for you.” “How about ako na lang ang bumili dad? Kaso sa manila pa ‘yon available–” “Oh no, akala mo ba hindi ko alam na may remedial class ka? Tapusin mo muna ‘yon bago ka makatuntong muli sa Manila,” pagpatong niya ng kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. “Sige na, kung masama ang pakiramdam mo’y magpahinga ka para bukas ay makapasok ka. Hindi ba’t isang buwan lang naman ang remedial na ‘yan?” Tumango ako. “Yes dad. Pero hindi na ako mag-aantay nang ganoon katagal. I’ll send the location asap, and ask your secretary to buy it.” “O siya sige sige, pag-igihan mo ang remedial na ‘yan, Angeline.” Tumayo siya at muli akong nilingon tila may balak sabihin pero umiling lang at binilinan lang akong uminom ng gamot kung sakaling masama pa rin ang pakiramdam ko mamaya. Yes. I’m not feeling well. My head is aching. Pero kilala ko ang katawan ko, kaya ko pa ding pumasok pero ang hindi ko kaya ay ang harapin ang kahihiyan na pinaggagawa ko habang lasing ako kagabi. Muli akong nagtalukbong at impit na sumigaw sa unan hindi malaman kung paano haharapin si Sir Khalil. Pero sa pagpikit ko’y muling nagbalik sa alaala ko ang gabing iyon. Doon ako muling napadilat at nagbalik sa isipan ko ang lalaking ‘yon. Then I remembered something again! Napabalikwas ako ng bangon at tinakbo ang walk-in closet ko. Pinaghahalukay ko ang drawer ko hanggang sa matagpuan ko ang hinahanap ko. The silver cufflink I found that night. It’s on the sofa where I woke up. That man even paid for the VIP lounge enough so that no one could enter the room I was in. Meron pang nagbantay na bouncer no’n sa labas. But because of how drunk and drugged I am that night, I wasn’t in the right mind to even look for him. Idagdag pang galit na galit ang Kuya ko no’n at halos ikulong na ako sa condo niya sa natitirang araw ng bakasyon ko sa manila dahil sa ginawa kong pagtakas sa kanya. “R…S?” Napaupo ako at pinakatitigan ang initials ng cufflink na hawak. He’s Khalil Samuel Enriquez. It should be KS if it’s really him. But what about my dream? Sa panaginip ko siya ‘yon. What about the familiarity? But what if it’s him? What am I gonna do? Nothing. Again. That’s embarrassing, too. Nakagat ko ang labi pero sa huli’y bumalik ako sa kama at natagpuan ang sariling pinipicturan iyon. Nakahanda ko nang i-send kay Sir Khalil ‘yon ngunit nang muli kong mabasa ang mga pinagcha-chat ko sa kanya ay hindi ko iyon nagawa at napaiyak na naman sa kahihiyan. This is so embarrassing! In the end, I posted the cufflink on my day with a caption Lost, will you be found? Ibinato ko ang phone pagkatapos at napagpasyahang maligo na lang. I realized that I don’t want to stay the whole day in my bed. I’ll go out but this time I’m not going to drink! Never again! Wearing a simple yellow sleeveless dress, I went out of my room but abruptly stopped when I remembered my phone. Bumalik ako roon at kinuha iyon sa kama ko nang tumunog ‘yon. Give it back to me. It’s mine. Nalaglag ang panga ko sa nabasang notification ng message ni Sir Khalil sa akin. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang cufflink na pinost ko. Sa kanya ‘to? So it means… siya talaga ang lalaking ‘yon. OMG! Nanlalamig ang kamay kong nag-reply sa kanya. It’s really yours? Kagat-kagat ang daliri na hinintay ko ang reply niya. Khalil Enriquez sent a photo. The same cufflink with the initials of R and S was the photo he sent. It’s really you… Tila biglang nawala sa isip ko ang kahihiyan na ginawa ko kagabi at gumuhit ang isang ngisi sa labi ko. So, I guess he’s not really a robot or gay. I have proof of that. Pinamulahan ako ng magkabilang pisngi sa alaalang nagbalik sa isipan ko. Then I remember the dare that Leah gave me. How he told me he doesn’t like me. The embarrassment that I felt from the rejection he gave to me. Angeline: DL Coffee Shop. 5 pm. Khalil: What’s that? Angeline: Meet me, Sir. O gusto mo bang sa school na lang at iparinig ko sa mga kapwa ko estudyante the reason why I have this cufflink of yours? Khalil: I have a meeting. Make it 7 pm. I rolled my eyes, it’s only 3 o’clock in the afternoon. Apat na oras pa akong maghihintay sa kanya? Angeline: Okay, fine. Hindi na siya nagreply pagkatapos ng chat ko na ‘yon. You know that feeling when someone just ‘seen’ your message. It’s irritating. Pero ipinilig ko ang ulo ko at mahinang natawa. Screw that embarrassment. I’m Angeline Lauren Figueroa. I would win this dare and that Professor Khalil. Hindi pala gusto ah? "Oh, Angeline, akala ko ba'y masama ang pakiramdam mo?" Umabrisete ako kay Nanay Pasing at inakag siya pababa. "I'm fine na po. I'm going outside, may gusto ka bang ipabili, Nanay?" Tumawa siya. "Mukhang good mood na ang alaga ko. Napagbigyan na naman ng daddy ano?" I just chuckled and shrugged my shoulders. "Nay, tell yaya to clean my room ah. Medyo messy na." "Medyo lang ba?" Muli akong humagikhik. "Medyo nga lang." Nang makababa kami ay hinarap niya ako at hinaplos ang buhok ko. "Mag-ingat ka sa lakad mo at 'wag kang magpapagabi." "Okay nay, thank you!" mabilis kong pag-akap sa kanya at paglabas ng bahay. Habang lulan ng sasakyan pakiramdam ko'y nababaliw na ako sa paiba-ibang pakiramdam ko. Is this what they call small world? Of all the people who could be my substitute professor, it had to be him. Siyang lalaking muntikan ko nang maibigay ang kabirhenan ko. As I shut my eyes, I made an effort to recall every fragment of my memories from that particular night. Sunod-sunod akong napalunok nang makaramdam ng pag-iinit sa mga alaalang iyon. I never imagined myself getting that intimate with someone. Dali-dali kong iminulat ang mga mata ko at tinapik-tapik ang nag-iinit kong pisngi. I reached for my purse and luckily, I found a chocolate bar. Binuksan ko 'yon at sinunod-sunod ang pagkagat para pakalmahin ang nagwawala kong puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD