Kabanata 9

2084 Words
Kid ANGELINE “THAT would be 21,890 pesos, Ma’am,” saad ng saleslady matapos niyang ibigay sa akin ang pina-customized ko na cufflinks. “Here,” pag-abot ko ng card ko. “Installment–” “Straight,” putol ko sa kanya’t hindi na pinatapos ang tanong niya. Ngumiti siya at tumango. “Okay, Ma’am.” Inilabas ko sa maliit na kahon ang white gold cufflinks na pinagawa ko at napangiti. K.S Much better. Muli kong ibinalik iyon sa lalagyan nang ibalik na sa akin ang card ko. “Thank you, Ma’am. Tiyak kong magugustuhan po iyan ng boyfriend n’yo.” Gusto ko siyang itama at sabihing wala ako no’n pero ngumiti na lang ako at umalis na. Boyfriend? Napangisi ako at napatango-tango. Para mas manalo ako sa larong ‘to, kailangan kong mag-invest. Sa isip-isip ko habang nakatingin sa maliit na paper bag na hawak-hawak. I glanced at my wristwatch and sighed. I still have two hours left before we meet each other. Nakailang shop akong pinasukan at swipe sa card. Halos hindi tuloy ako magkandamayaw sa pagdadala ng mga paper bags ng mga napamili ko nang makarating ako sa coffee shop. Hindi masyadong dinadayo ang coffee shop na ‘to sa mall. I think it’s because of their expensive drinks and cakes that are so not worth it. But people like me who would do secret meet-ups would go here. Sa dulong bahagi ako ng coffee shop pumuwesto para mas makasiguradong walang makakakita sa amin. Walang rason para magtago kami since wala naman kaming masamang gagawin. Pero alam kong hindi kami makakaligtas sa pagiging malisyosa ng mga tao. What if my co-student saw us? Ano na lang iisipin nila? I accepted this dare but I’m not ready to have a student-professor scandal, duh. My brother and my father would kill me, I’m sure of it. Wala na rin akong planong makadagdag sa eskandalo namin. Mabuti na ang mag-ingat. I was busy scrolling my social media ignoring the bitches messages from Eunice and Leah when someone clears his throat in front of me. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin ni Sir Khalil. He's wearing a white polo shirt and pants, in casual attire, but oh damn, he looks so hot with it, in addition to that his disheveled hair makes me remember how I– Enough, Angeline! Tumikhim ako nang makabalik sa reyalidad at iminuwestra ang upuan sa harapan ko. “Good evening, Sir,” nakangiting bati ko sa kanya itinatatwa sa isip ko ang mga messages na mga pinadala ko sa kanya. “Sorry nga pala kung hindi ako nakapasok sa klase kanina. I’m really not feeling well.” “Not feeling well because of a hangover?” taas-kilay niyang tanong at hindi naman ako nakakibo. Tumikhim ako at naisipang humingi ng dispensa sa pangha-harass ko sa kanya kagabi. “Sorry–” “Where is it?” putol niya sa akin at tila ba walang kagana-ganang naupo sa harap ko. Pinagkrus niya ang braso sa dibdib at tinapik-tapik ang kamay sa braso. Is he nervous? Pinalis ko ‘yon sa isipan ko at napagtantong sa aming dalawa’y ako ang dapat nerbyosin pagkatapos ng mga pinaggagawa ko. “Why don’t you order first–” “There’s no need for that. I just came here to get my cufflink–” “Let’s eat first before that. Alam mo bang kanina pa ako nandito at paikot-ikot sa mall para lang antayin ka.” “Miss Figueroa–” Mahina kong ibinagsak ang kamay ko sa lamesa para maputol ang sinasabi niya. “Angeline…or Lauren. You can call me by my first or second name, Sir.” Umiling-iling siya. “I don’t have any reason to do that–” “I almost gave you my virginity. We shared kisses and–” “Shut up, Angeline Lauren,” aniya at inilibot ang tingin sa paligid na tila ba nag-aalalang may nakarinig sa pinagsasabi ko. Napangisi ako sa naging pagtawag niya sa akin. Much better. He sighed. “Umorder ka na. Right after you eat–” “After we eat, Sir,” putol ko at tinawag na ang crew para ibigay ang order namin. “Chicken Alfredo, mango juice, and tiramisu for me.” Binalingan ko si Sir Khalil na tila napipilitang sinabing kaparehas na lang ng order ko ang order niya. Habang iniintay ang order ay tumikhim ako at inipit ang buhok sa gilid ng tenga ko. “I’m really sorry about how I disturbed you last night, Sir. Medyo nakainom lang kasi ako.” Sarkastiko siyang tumawa at inilingan ako. “Medyo?” Napanguso ako. “Yeah, I got drunk, Sir. My apologies. Hindi na mauulit.” “Hindi na talaga dahil professor mo ako, Miss–” “Angeline Lauren…” Napailing siya. “Angeline Lauren, ni hindi nga dapat tayo nagkikita dito.” “Saan mo ba gustong magkita tayo?” ngisi ko at nangalumbaba sa mesa’t pinapungay ang mga mata ko. He shot me a glare. “Don’t flirt with me, Angeline Lauren. That’s not gonna work.” I rolled my eyes. “Why the sudden change, Sir? I still remember that night we both had…you were a good kisser and if you just didn’t stop–” “I stopped because from the very start it was wrong of me to make out with a kid.” “What did you say? Me?” itinuro ko ang sarili nararamdaman ang pagpintig ng ugat sa ulo sa namumuong inis. “Kid? I’m eighteen. Legal.” “Still a kid to me given my age–” “How old are you, Sir? 40?” Kung ako bata, pwes ikaw gurang na! “I’m twenty-six,” tila ba nakabawi ako nang makitang nainsulto siya sa sinabi ko. Natawa ako. “Eight years lang pala ang tanda mo sa akin, akala mo naman napakalaki ng agwat natin–” “You’re drugged and drunk that night. It would be better if you’d forget that night, Angeline–” Umiling ako. “No, I can’t forget that night lalo pa’t nabigyan na ng mukha ang lalaking nakasama ko ng gabing ‘yon. Did you know I searched for you? Kung alam ko lang na matatagpuan kita sa pamamagitan ng cufflink na ‘yon, dapat pala’y matagal ko nang pinost ‘yon.” Hindi na siya nakapagkomento pa nang dumating na ang order naming dalawa. I’m a kid? Hindi mawala-wala sa isip ko ‘yon habang minamasdan siyang gaya ko’y walang kagana-gana sa kinakain. Idagdag pang ni walang kalasa-lasa ang pasta na sinerve sa amin. Sinong gaganahan? Ibinaba niya ang tinidor nang makailang subo siya ro’n. “I’m done. Give it to me.” “Not yet done,” nguso ko sa plato ko’t binagalan ang pagsubo. “Angeline Lauren Figueroa, I need it now.” Kinuyom ko ang kamao at simangot na binuksan ang purse ko para kunin ‘yon. He must have wanted this desperately since mukhang ayaw niya namang malaman ko na siya ang lalaking ‘yon pero para dito ay–shit. Napapalunok na pinaglalabas ko ang onting laman ng shoulder purse ko. Onti lang naman ‘yon. My small wallet. My make up. My phone. “May problema ba?” salubong ang kilay na tanong niya sa akin. “I-I think naiwan ko sa bahay iyong cufflink.” Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya sa naging sagot ko. “Naiwan mo?” “N-no…” bigla’y naging sagot ko naalalang hinulog iyon sa purse ko bago umalis kanina sa bahay. Kita ko ang pagtatagis ng bagang niya. “Then, where is it?” Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko. Nawala ang pagiging mapaglaro ko kanina sa nakikitang pagdidilim ng mga mata niya. “I-I don’t know. I must have–” “Are you playing games with me, Angeline?” Mariin kong naipikit ang mga mata. “Baka nalaglag ko sa isa sa mga shops na napuntahan ko. Kasi dukot ako nang dukot sa bag ko at baka–” “Saan ka nagpunta?” mabilis niyang pagtayo matapos maglapag ng libong pera sa table. Napatingin ako sa mga paper bags sa lapag. Siguro’y nasa sampung shops ang pinasukan ko. “Let’s go. Ituro mo sa akin kung saan ka nagpunta!” galit niyang saad at iniwanan ako. What did you do, Angeline? Paano kang mananalo sa larong ‘to kung pinupuno mo siya ng inis sa ‘yo?! Natatarantang pinagliligpit ko ang mga gamit ko at hindi magkandaugagang dinala ang mga paper bags na hawak ko. Sa pagmamadali ko’y namali ako ng hakbang at napangiwi ako nang muntikan akong madapa. Hindi ako natuluyan pero naramdaman ko ang pagkirot ng paa ko. Nang masulyapan si Khalil sa labas ay pilit kong binalewala ‘yon at binilisan ang hakbang. “D-doon muna tayo,” turo ko sa malapit na shop na pinuntahan ko kanina. Minasdan niya ako mula ulo hanggang paa bago mabilis na kinuha mula sa mga kamay ko ang mga dala-dala ko. Kagat-labi na sinundan ko naman siya at isa-isang binalikan ang mga pinuntahan ko kanina. Ngunit nabigo kami. Pagod na pagod na ako at grabe na ang sakit ng paa ko nang maupo ako sa bench na nadaanan at tinawag siya. “It’s gone… baka may nakapulot na o kung nalaglag kung saan. We’re wasting our time, magkano ba ‘yon? I’ll just pay for it.” Binalingan niya ako at sinamaan ng tingin. Iika-ikang lumapit ako sa kanya at kinuha ang isa sa mga paper bag na nasa kamay niya. Kinuha ko ang mas maliit na paper bag sa loob no’n at inabot sa kanya. “I-I actually buy new cufflinks for you. Pina-customized ko pa ‘yan–” “I…don’t need this,” pagpalis niya sa hawak ko’t dahilan para malaglag ‘yon. “You told me that I’m just being judgemental. But today, I realized that I’m really right. You’re a spoiled brat. Iniisip mong lahat ng bagay kaya mong palitan dahil may pera ka. Tingin mo ganoon kadali lang ang lahat dahil mayaman ka. You don’t have any idea how important that cufflink to me–” “If it’s that important then you shouldn’t have lost it in the first place!” sigaw ko sa kanya at naiiyak na pinulot ang paper bag na hindi niya tinanggap. “You lost it first, Sir! But you didn’t mean it right? Katulad ko hindi mo din sadya! I bought this cufflink even before malaman kong nawala ko ang cufflink na ‘yon, to thank you for that night! Pero hindi na lang pala dapat. You think life is so easy for me just because I’m rich? Well news flash, it’s a no, Sir! Hindi lahat madali sa akin. If it’s that easy for me to buy anything I want…kung lahat no’n maaayos then I wouldn’t be part of a broken f-fa–” pumiyok ako at hindi tinapos ang sinasabi. Nilunok ko ang namuong bikig sa lalamunan ko at napailing-iling bago siya tiningala. “B-baka sa inyo madali ang lahat, gaya ng madali para sa inyong husgahan ako. I-I’m sorry for losing that important cufflink of yours, hindi na kita o-offeran ng pera o ng bago pa. Hanggang sorry na lang ako! Sorry again!” sigaw ko at hinablot sa mga kamay niya ang mga pinamili ko patuloy pa rin na naiiyak. Kagat labing tinalikuran ko siya at mas napaiyak ako nang sa bawat pagtapak ko ng paa sa sahig ay kumikirot ‘yon. Natigil ako sa paghakbang nang maramdaman ang paghawak sa braso ko. “What happened to your foot?” “None of your business, Sir!” paghila ko sa braso ko at pinilit na humakbang muli ngunit muli niya akong pinigilan at hinila patungo sa bench na inupuan ko kanina. “Ano ba–” natigilan ako sa pagsigaw nang lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang binti ko’t ininspeksyon ang paa ko. “It’s swollen.” “K-karma ko ‘yan sa pagiging spoiled brat.” He sighed and gently put my foot down. “Sorry.” “W-what?” “Sorry for judging you.” Napalunok ako nang tumingala siya at magtagpo ang mga mata naming dalawa. Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. “I…I need…” “Need what?” kunot ang noong tanong niya. “Chocolate.” Napailing siya at niyuko ang paa ko. “Hindi iyan ang kailangan mo ngayon, Angeline Lauren.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD