Drunk messages
ANGELINE
Wala akong pake sa ibang taong hindi ako gusto.
If you don’t like me, I don’t care. I don’t like you, either. I will never do something that would please you. I wasn’t born for that.
But that man…
I just don’t like you, Miss Figueroa…
No. I’m going to make him like me. I’m determined to change his mind about me.
Hindi pwedeng hindi niya ako gusto. Hindi na ‘to dahil sa dare sa akin ni Leah. There’s this fire inside of me that he ignited. Something I can’t explain.
“Angeline, hindi ka ba kakain?” tanong sa akin ni Nanay Pasing ng manatili kong hindi ginagalaw ang nilagay kong pagkain sa plato ko.
Napatingin ako sa pwesto ni daddy. He’s not here, again.
“A-ah, iyong daddy mo ba? Male-late daw siya ng uwi–”
“Whatever, Nanay. Busog pa pala ako sa kinain ko kaninang snacks. I’ll just take a swim na lang.”
“O sige, pero kumain ka pa din mamaya ah. Kahit tinapay lang, papahanda ako kay Cherry at ipapadala ko sa pool.”
Tumango ako at nginitian siya. “Thanks, nay.”
Hinaplos niya ang buhok ko. “Walang anuman, Angeline. Sige na’t maglangoy ka na at baka masyado nang malamig mamaya, baka magkasakit ka pa,” tinapik-tapik niya muna ang braso ko bago ako iniwan.
Muli kong minasdan ang mesang kakasya ang higit labindalawang tao o higit pa. Mga putaheng nakakatakam ngunit hindi naman magawang pawalain ang pagkawalan ko ng gana. Nagsusumigaw ng karangyaan ang kinaroroonan ko ngunit hindi ko na kailanman natandaan kung kelan kami huling kumain na magkakasama. O kung kailan nagkaroon ng ingay sa hapagkainan na ‘to.
The initial impression I might give to those who aren't well-acquainted with me is that I come across as a spoiled individual. I can't simply let things go; if I desire something, I feel compelled to attain it.
Yes, I admit it, that's the way I am.
Because material possessions and fleeting fame seem to be the only reasons I perceive as worthy of motivating me to wake up each day.
I won't experience the kind of attention Eunice receives from her father,
Nor will I receive the enduring affection that Leah always gets from her mother.
I differ from them. It's just... me. Alone in this vast mansion.
Napayuko ako at napahawak sa pisngi ko. Naikuyom ko ang kamao ng maramdamang basa ‘yon.
Damn it! This is all your fault!
Paninisi ko sa sinabi sa akin ng taong ‘yon. Who the hell is he to make me feel this way?
He’ll see that there’s still a lot of people who will like me.
Mabigat ang paang tinungo ko ang kwarto ko at namili ng magandang two-piece bikini na isusuot.
“Perfect!” saad ko at dali-daling hinubad ang damit ko’t isinuot ang white bikini ko.
“See, who wouldn’t like me?” bulong ko at pinagmasdan ang sarili sa salamin.
Perpekto ang hubog ng katawan ko, hindi man kalakihan ang dibdib ko’y hindi iyon masasabing maliit. Ipinusod ko paitaas ang buhok ko at nagsimulang kuhanan ng pictures ang sarili.
Life is better in a bikini :)
I typed my caption and giggled before I hit the post button.
Wala pang isang minuto kong napo-post ‘yon ay sunod-sunod na notifications na ang dumating sa akin. Nakangiting minasdan ko ang mga comments at likes na natanggap ko.
Thousand likes, hundreds comments.
See?
I’m a likable person, Sir.
I was about to prepare for my night swimming when I received a call from my brother. Inikot ko ang mga mata at hindi sinagot ‘yon, alam na alam ko na agad kung anong sasabihin niya.
Delete your post.
Whatever. Why would I listen to him? Iniwan niya nga din ako. Ni wala nga siyang kaalam-alam sa pinaggagawa ng ama namin at nage-enjoy siya sa manila kasama ng girlfriend niyang si Blythe.
Kuya: Angeline, answer my call. Delete your post, kita na halos kaluluwa mo doon. At least wear a goddamn cover up.
Ngumisi ako at nagtipa ng reply sa kanya.
Me: Kuya, did you see your girlfriend’s post? Ipa-delete mo din sa kanya ang bikini pictures niya and I’ll delete mine. Ciao~ Maaga kong matutulog tonight. Don’t call me na.
After hitting the send button, I didn’t bother reading his reply and went downstairs to take a swim.
Kahit paano’y nakatulong ang paglangoy sa akin para kumalma ang pakiramdam ko.
Dumating si Cherry dala-dala ang paniguradong ipinahandang pagkain ni nanay Pasing para sa akin. Bata pa lang ako’y namulatan ko na siya. Matagal na siyang nagtatrabaho para sa amin at hindi na isang katulong ang tingin ko sa kanya.
She’s like a grandmother to me.
“Cherry, dalhan mo nga din ako ng wine.”
“Anong wine po?”
“Oh no, ‘wag na pala wine. I want dad’s chivas regal.”
Nakailang langoy pa ako at nakaramdam ako ng iritasyon kay Cherry dahil sa may katagalan niyang pagbalik.
Pero hindi ko na siya tinarayan pa dahil ayoko nang madagdagan pa ang pagka-badtrip ko ngayong araw.
Nagsunod-sunod ang pag-inom ko ng alak na hindi ko namalayang halos maubos ko na ang isang boteng dinala ni Cherry sa akin. Since it has the same alcohol content from tequila, I wasn’t able to finish it.
Umiikot na ang paningin ko at hindi na nainom ang huling sinalin kong alak sa baso.
God! I am so drunk!
Sa isip-isip ko nang maramdaman ang tila pag-angat ko sa ere sa bawat paghakbang ko. Pagdating ko sa kwarto ay dumiretso ako sa banyo at naligo para mahimasmasan pero hilong-hilo pa din ako.
Marahil ay hindi nakatulong ang hindi ko pagkain ng hapunan at kakulangan sa tulog tapos ay nag-inom pa ako.
Ibinagsak ko ang sarili sa kama matapos kong masuot ang pantulog ko. I didn’t bother drying my hair. Ipinikit ko ang mga mata at hindi na namalayan ang sumunod na nangyari.
***
“I-I’m 18…and so what?”
“This is not right. I think you’ve been drugged. You’re drunk. You’re a virgin and 18.”
I chuckled and tried to reach for him who immediately grabbed the mascara that I removed on his eyes.
“Oh come o-on, I’m legal to h-have s*x, I’m n-not a minor…” paghawak ko sa braso niya at iniharap siya sa akin.
Umawang ang labi ko at namilog ang mga mata ko nang makita ang mukha niya.
“It’s you…”
I stared at those brown eyes. It’s him.
The man who said he just doesn't like me. Professor Khalil.
But before I could even hold him again. He vanished from my sight. I was about to follow him when I stumbled on something and fell down.
“Oh fudge! Ouch!” Napahawak ako sa ulo ko sunod sa bewang ko nang makaramdam ng sakit doon. Pagdilat ng mga mata ko’y nakasalampak na ako sa carpeted floor ko.
May kataasan ang kama ko at kahit carpet pa ang floor ko, naramdaman ko pa din ang sakit sa pagkakalaglag.
“Damn it! Ang sakit!” pag-iyak ko at hinimas-himas ang likod ng ulo ko pero natigilan at mariing napapikit nang maalala ang panaginip.
That’s not just a dream. It really happened.
The man... whom I encountered at a bar in Manila. The guy I shared my first intimate moment with. The person who decided not to engage in a s****l relationship with me upon learning that I was still a virgin and just eighteen at the time.
It's the same person!
It's none other than Professor Khalil!
Awang ang labi na napailing-iling ako habang pinagtutugma sa isip ko ang mga mata nilang dalawa. Ayon ba ang dahilan kaya pakiramdam ko’y pamilyar siya sa akin?
Dahil siya iyong lalaki na ‘yon sa bar?
But did he know me?
Well of course, he knows me! I wasn’t wearing mascara when Leah and Eunice found me!
Nasabunutan ko ang sarili gulong-gulo na. Iniisip kung baka dahil sa pag-iisip ko sa kanya kagabi ay naipagkakamali kong siya ‘yong lalaki na ‘yon sa bar.
I should ask him! Right!
Immediately, I got up and searched for my phone. Nakuha ko ‘yon sa ilalim ng unan ko sa hindi ko malamang dahilan sapagkat karaniwan kong nilalagay ‘yon sa bedside table ko.
Cha-chat ko ba? O tatanungin ko na lang next week pagpasok?
Ah bahala na nga.
Kumabog ang puso ko nang makita ang nasa pinakaunahan ng messenger ko nang ma-open ko ‘yon.
Khalil Enriquez.
Sleep.
You should control your alcohol, Miss Figueroa. I’m sure you’ll regret this tomorrow.
Nagsimulang mangatal ang labi ko nang basahin ko ang mga messages na pinagse-send ko sa kanya.
Why don’t you like me, Sir?
I’m pretty. I’m sexy.
I’m young.
Angeline Figueroa sent a photo.
Angeline Figueroa sent a photo.
Answer me, Sir!
Am I ugly for you?
Khalil Enriquez missed your call.
Did you see my post? Maraming nagkakagusto sa akin!
Tapos ikaw? You just don’t like me?
Huh! How dare you!
You’re not that handsome!
Robot ka! Robot!
Khalil Enriquez missed your call.
Bakit ayaw mong sagutin ang tawag ko, Sir?
Is it because of the kiss?
You should be honored I kissed you! My lips are precious!
Angeline Figueroa sent a photo.
See? It’s kissable! I’m likable and pretty!
Sent voice messages.
Naibaba ko ang phone ko at naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko. He's right, I regret everything now. Damn that chivas regal.
What the hell did I do last night!?
Did I just harass my professor last night?
Yes you did, brat.