Kabanata 6

1919 Words
Rejection ANGELINE “Angeline–” Hindi ko pinansin ang ama ko at mabilis ang hakbang na nilisan ko ang mansyon. Bastos na kung bastos pero ilang araw ko nang iniiwasan ang ama ko. I don’t want us to have another argument. Hindi na ako makikialam pa kung gusto niyang magpakatanga muli sa taong inabandona siya. Basta ‘wag niya lang iuuwi dito sa ‘min. I overheard the maids talking about what happened to that woman. She lost her kabit in a vehicular accident, and her step-daughter was fighting for her life. That’s what they call karma. I reached for my phone and sighed when that man didn’t accept my friend request! Argh! Pinag-a-add siya nila Leah at in-accept niya pero ako ayaw niya?! Isang linggo na ang nakakalipas nang pumayag ako sa dare ni Leah na akitin ang propesor na ‘yon. Pero walang nangyayari. Hindi niya ako pinapansin! Hindi na ako late at sumasagot na sa klase pero wala. Parang wala siyang nakikita. Mas dumami nga ang mga nanliligaw sa akin dahil palagi kong sinisiguradong sexy at maganda ako pagpasok pero walang epekto. He’s ignoring me. Damn. Hindi lang ang dare ang iniisip ko. Sinasaling niya ang ego ko. Was I, Angeline Lauren Figueroa, being disregarded? This is not tolerable! Mas napasimangot ako nang mag-message si Leah sa GC namin at i-sinend ang screenshot ng conversation nila ng Khalil na ‘yon. There’s nothing special about their conversation. Leah’s asking something about a book that would help us in our class. He politely answered it. Ibinato ko ang cellphone sa bag ko nang tanungin pa ako ni Leah kung na-accept na daw ang friend request ko. Kagat-labing muli kong kinuha ‘yon at nagpunta sa profile ni Khalil. He looks really serious in his profile picture. May nickname na ngang binigay sa kanya sa campus. The handsome Robot. Handsome nga, masungit naman at robotic. I think he’s gay– OMG! Baka nga! Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa labi ko sa naisip. Maging ang isa kasi sa batang propesor namin na si Ma’am Janeth hindi niya pinapansin. Ilang araw ngang naging usapan sa campus ang tahasan niyang pagtanggi na kumain sa canteen ng sabay kasama si Ma’am Janeth. But then I remembered that video we saw. There’s a girl who kissed him! So? Baka hindi na sila dahil nalaman no’n na gay siya. Pero pakiramdam kong niloloko at pinapakalma ko lang talaga ang sarili ko sa iniisip ko. Why aren't you accepting my friend request, Sir? Saglit akong natigilan at napatitig sa phone ko nang mabasa ko ang message na ipinadala ko kay Sir Khalil. Oh no! Oh no! I sound so insecure and desperate na i-accept niya ang friend request ko! This is not me! “Ahhhh!” tili ko naiinis sa sarili. “May problema po ba, Ma’am?” tanong ng driver pero ang tanging nagawa ko na lang ay mapailing at masabunutan ang sarili sa panibagong kahihiyan na ginawa. Wait–siguro naman hindi niya mababasa. Baka hindi siya nago-open ng message request– Nalaglag ang panga ko nang makitang na-seen niya na ang message ko. I’m so doomed. Kabado akong hinintay ang reply niya pero nakarating na kami sa campus ay wala. He’s not typing for his reply. He seenzoned me. Higit pa ro’n, hindi niya pa din in-accept ang friend request ko. “Ahhhhhhhhh! He’s so argh!” gigil kong saad at padabog na bumaba ng sasakyan. Kinalma ko ang sarili nang makita sila Leah at Eunice na sasalubungin ako. Hindi nila pwedeng malaman ang ginawa ng taong ‘yon sa akin. They would make fun of me. “Why did you just see my message, Ange, you didn’t answer my question? Hindi ka pa ba ina-accept ni Sir Khalil?” Tumikhim ako. “I–” “Uy, friends na sila, ngayon lang ba ‘to, Ange?” “Huh?” Iniharap ni Eunice ang phone niya sa akin at nakita kong isa ako sa mutual friend niya sa account ni Khalil. I guess, hindi naman pala katangahan ang ginawa ko kanina. Ngumisi ako at sinulyapan si Leah. “Didn’t you check his account ba kanina?” Hilaw na ngiti ang binigay niya sa akin. “Well, that’s a good start naman considering it’s been a week since you told us–” “Angeline!” Nilingon ko ang malakas na tumawag sa pangalan ko at umawang ang labi ko nang makita si Quen na papalapit sa amin. He’s holding a bouquet of roses. Mind you, it’s big enough to almost cover his face. What the hell is he doing here?! Kita ko ang pagsisikuhan nila Leah at Eunice na tila ba pinagtatawanan ako. Nang ilibot ko ang tingin sa paligid ay nakita kong pinagtitinginan na kami nang tuluyang huminto si Quen sa harap ko. “P-pasensya ka na kung ngayon lang ako nagpakita. Hiyang-hiya talaga ako doon sa nangyari the last time we saw each other.” Hindi ka na sana nagpakita pa… “Here, I hope you could forgive me for what I did,” pag-abot niya sa akin ng bulaklak. “Wow, ang sweet naman ni Quen. He’s your boyfriend na ba, Angeline?” pang-aasar ni Leah sa akin. “Of course not!” pagtanggi ko. Hinarap ko si Quen at inilingan. “You know what Quen, apology accepted but I really don’t like flowers. Just give it to someone else,” pagtalikod ko sa kanya at iniwanan siya. Natigilan ako sa paghakbang nang makita ang lalaking kakababa lang sa sasakyan niya. Napasulyap siya sa likod ko pagkatapos ay sa akin bago umiiling na umalis. May isang oras pa bago ang klase namin at gustong-gusto ko siyang habulin ngayon para tanungin sa naging reaksyon niya. It’s as if he’s so disappointed with me. Maybe you’re just overthinking– Anong ibig sabihin ng pag-iling na ‘yon?! “Awwww, kawawa ka naman Quen. Ba’t mo ba kasi iniisip na magugustuhan ka ni Angeline? Look at yourself!” malakas na pagtawa ni Leah na umabot sa pandinig ko. Mariin akong napapikit sa pang-aasar ni Leah kay Quen. Hindi ko naiwasang mapalingon at nakagat ko ang labi nang makita si Quen na napayuko at inaayos ang salamin niyang suot. Marami na ring nakatingin sa kanya at alam kong hiyang-hiya na siya. No, don’t do it, Angeline– “Know what, hindi pa pala ako nagbe-breakfast. Treat me na lang nga!” paghila ko sa braso ni Quen na binalikan ko. Kita ko ang gulat sa mga mata nila Leah sa ginawa ko ngunit tinaasan ko lang sila ng kilay. “What? W-we’re friends, okay? Sa class na lang tayo magkita,” masungit kong saad sa kanila at hinila na si Quen na napapangiting inayos ang salamin niyang tumabingi. “Angeline, akala ko ba magbe-breakfast tayo?” tanong niya sa akin ng dalhin ko siya sa field. Sa likod no’n ay walang katao-tao kaya doon ko na siya dinala kahit na alam kong kalat na kalat na ngayon sa SNU ang pagpansin ko sa kanya. “Quen, how long have you been courting me na nga?” “A-almost five months.” nauutal niyang sagot sa ‘kin. Kung mag-aayos lang naman si Quen at papalitan ang salamin niya at hindi magmumukhang lampa sa harap ng marami. He’s a nice catch naman, it’s just that he’s not my type. “I want you to stop.” “Angeline…s-sorry na talaga–” “Look, this is not about what happened sa bar. I-I just don’t like you, pumayag ako na magpaligaw because of my dad. Anak ka ng business associate niya kasi pero Quen, I really don’t see myself having you as my boyfriend.” Maldita ako sa harap ng maraming tao. I might sound a brat and insensitive but doing this to a nice person is hard for me. Nang makita ko ang paglumbay ng mga mata niya at dahan-dahang pagtango ay naikuyom ko ang kamao ko. “D-dahil ba weird ako? Dahil sa salamin ko? Sa pananamit ko? S-sa pananalita ko? A-anong dapat kong gawin para magustuhan mo, Angeline?” sunod-sunod niyang tanong sa akin na ikinailing ko. “Look, it’s not you. You don’t have to change yourself para magustuhan kita. Kung magbabago ka, do it for yourself. I admit, I really hate the way you talk and your style but it’s not the reason why I’m rejecting you. I just don’t like you, Quen. I’m sorry.” Tumango-tango siya at hinubad ang salamin niya’t nagpunas ng mga matang namumula. “I-I understand. Hindi na kita guguluhin pa. P-pasensya na din kung napahiya kita sa mga friends mo kanina. Hindi na ako lalapit sa ‘yo.” “Quen naman eh!” pagpadyak ko sa paa ko. “Look, hindi kita gusto pero don’t make me feel this bad naman. W-we can be friends if you like pero…secret friends?” Mapait siyang ngumiti at umiling. “No need, Angeline. Bye. P-pero salamat sa kanina na binalikan mo ako when your friends made fun of me.” Iniwanan niya ang bulaklak sa bench at umalis na. Napapangusong dinampot ko naman ‘yon at hinabol ng tingin si Quen. “Argh! Nakakainis!” Kumunot ang noo ko nang makarinig ng kaluskos bandang likod ko. Paglingon ko’y umawang ang labi ko nang makita si Khalil na bumabangon mula sa isang bench. He was carrying a book. I didn’t notice him a while ago, oh gosh, he heard everything for sure! Tumayo siya at nagtagpo ang tingin naming dalawa. Pero parang wala muling nakita na nag-iwas siya ng tingin sa akin at humakbang na paalis. Dali-dali naman akong tumayo at hinarangan siya. “Wait Sir!” “What?” walang emosyon ang boses na pagyuko niya sa akin. “T-thank you for accepting my friend request,” pagkamot ko sa pisngi ko tila nahihiya. Pero nang maalala ang pustahan namin ni Leah ay inihanda ko ang matamis na ngiti sa labi ko. “Sorry din doon sa message ko, I sound demanding ba–” “Yes. But I’m not even surprised. You’re a spoiled brat after all who’s not used to not getting what she wants.” “W-what?” nauutal na saad ko. “I said what I said. I’m sure you heard it.” Napalunok ako ramdam muli ang pagkapahiya. “D-don’t you think you’re being so judgemental, Sir?” Nagkibit-balikat lang siya at nilagpasan ako. “Wait!” sigaw ko at hinabol siya. Nang hindi siya huminto’y hinawakan ko siya sa braso paharap sa akin. "Just what the hell did I do to you that you're always out to embarrass me, Sir? I was late to your class, and I apologized for that. I got drunk at that bar, and you helped me, but I also apologized, didn't I? I thanked you for your help as well. Is it about the kiss–” “I… just don’t like you, Miss Figueroa.” “W-what?” “It’s not about you, Miss Figueroa. I just don’t like you,” he said emotionlessly, echoing the same line I told Quen a while ago before turning his back on me. Kuyom ang kamao na hinabol ko siya ng tingin ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko sa matinding inis na lumukob sa akin. He doesn’t like me? I’ll make you like me. I’m going to make sure of that! You’re going to be head over heels in love with me, and you’re going to beg for my attention, Sir!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD