Eyes
ANGELINE
“Your prof?” ang tanong na iyon mula sa kasama ko na si Quen ang nakapagpaalis ng tingin ko sa substitute Professor namin na si Sir Khalil.
Hindi ko namalayan ang saglit na pagkatameme ko sa kanya. Nang makahuma ay tumikhim ako at inisang shot ang tequila imbes na sagutin ang naghihintay na si Quen.
“Do you want some non-alcoholic drink, Sir?” dinig kong tanong ni Sir Khalil kay Quen habang ako’y nilabas ang cellphone ko at nag-scroll scroll sa social media ko kahit ang atensyon ko’y nasa lalaking nasa harap namin ngayon.
“Oh yeah, sure. Thanks, man.”
“One shot of tequila,” pag-uulit ko sa order ko kanina matapos iurong ang wala ng laman na shot glass.
Natagpuan ko ang sariling tiningala si Sir Khalil nang maramdaman ang saglit na pagtalikod niya.
“Ohemgee, he’s so handsome!”
“Let’s get his number!” maingay at nakakairitang boses ng dalawang babae ilang upuan ang layo sa akin.
Napasimangot ako sa kalandian nila. Ang tingin nila ay na kay Sir Khalil na akala mo putahe ng ulam na gusto nilang tikman.
“Angeline, are you okay?”
Binalingan ko si Quen. “Do you think I’ll be stuck here with you if I’m okay?” malditang tugon ko sa kanya.
He seemed hurt and offended with what I said but I don’t care. Ganito talaga ako, I’m a selfish meanest spoiled brat b*tch. There’s no use denying who I really am.
“S-sorry,” dinig kong saad niya kahit ako itong naging masama ang tabas ng dila.
Inis ko na naman tuloy siyang binalingan. “You know what, Quen? Stop being so nice and pathetic just like my…”
Dad…
“Just like someone I know. Because believe me, people would take advantage of you if you continue being like that.”
“Don’t listen to her. It’s okay to be nice than to be mean. There’s no price that comes with it. It’s free to be kind.”
Nagsalubong ang kilay ko sa pangongontra na iyon mula kay Sir Khalil. Mas dumoble ang inis ko nang makita ang paglapag niya ng dalawang cocktail drink sa harap namin ni Quen.
“What’s this?”
“Cocktails. There’s no alcohol content on this one, Sir,” pagbaling niya kay Quen at inurong ang inumin sa harap nito bago ako muling sinulyapan. “While this, I put some tequila that you wanted.”
Nagtagis ang bagang ko. “I want one shot of tequila not mixed with anything, Sir. What kind of a bar is this na nakikialam sa order ng customer?” pagsusungit ko sa kanya natitiyak na walang kahit sinong magaling na pinto ang makakapagpinta sa mukha ko.
Wala na akong pake kung nakasalalay ang grades ko sa kanya sa subject na ni-retake ko. Besides, for tonight, he’s not my Professor. He’s a bartender.
“There’s class tomorrow, you shouldn’t be drunk. One more late, and you’re out, Miss Figueroa.”
“I don’t give a damn.”
“Angeline,” gulat at may onting pananaway ang tono ng boses ni Quen na bulong niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin at nilabanan ang titig ni Sir Khalil sa akin.
He smirked, and I got even more irritated when I heard those squeals coming from the ladies who wanted to devour him.
“What’s with you? Are you a professor or a bartender?”
I shushed him when he was about to answer. “Whatever. I don’t even care who you are. Just give me my order.” I said completely not giving a damn even if he’s my professor.
“No–”
“Man, go serve those ladies out there. Ako na dito,” sulpot ng isang lalaki sa tabi niya.
“Hindi mo ba siya narinig?” sarkastiko kong tanong sa kanya nang manatili pa rin siya sa harap ko.
Ngumisi siya at iiling-iling na sinunod ang sinabi na ng lalaki.
“What’s your order, Ma’am?”
“One shot of tequila.”
“Okay, coming right up!” aniya’t tangkang kukunin ang cocktail drink na ginawa ni Sir Khalil nang unahan ko siya.
“I’ll still pay for this, go give me some tequila. One bottle na.”
Habang iniinom ang ginawang drink ni Sir Khalil na nagustuhan ko naman ang lasa ay ibinaling ko ang tingin sa kanya. He’s mixing drinks in front of those ladies that looked like children watching some magical show.
He seems good at what he’s doing.
And sexy, I must say.
Get a grip, Angeline!
Nag-iwas na ako ng tingin sa kanila at binalingan si Quen na mukhang enjoy na enjoy sa drinks na ginawa sa kanya ni Sir Khalil.
“Hmmm, this is so good, Angeline.”
“Whatever, Quen,” saad ko’t inilapag na ang naubos ko ring cocktail glass saktong dating ng bote ng tequila ko.
“I want another one of this–”
“Give me another shot glass,” putol ko kay Quen. “This is what you’re going to drink.”
“But Angeline, I’m going to drive–”
“Is that a problem? Just call your driver, Quen. Sumama ka ba dito para panoorin lang akong uminom? This is a bar, come on, join me,” putol ko sa kanya. “Don’t be such a boring freak. Let’s have some fun.”
Nagsalin ako ng tequila sa shot glass at naglagay ng asin sa ibabaw ng kamay niya.
“W-what are you doing, Angeline?”
“I told you, fun.”
Ininom ko ang alak sa shot glass at dinala ko ang kamay niya sa bibig ko at sinipsip ang asin na naroroon.
Napahagikhik ako nang makita ang ekspresyon niyang nahihiya sa ginawa ko.
“Why don’t you take a shot, Quen, and…” kumuha ako ng asin matapos hawiin ang buhok ko at maglagay ng asin sa leeg ko.
Kita ko ang sunod-sunod na paglunok niya sa ginawa ko lalo na nang tumayo ako sa harap niya at inilapit sa kanya ang leeg ko.
“Go on, Quen.”
Kita ko ang kaba sa kanya nang magsalin siya ng alak sa shot glass at inumin ‘yon. Halatang unang beses na uminom ng matapang na nasamid-samid pa siya bago napatingin sa akin at sa leeg ko.
Mas inilapit ko ang sarili sa kanya at lumiyad pa. Yumuko siya at napangisi ako nang maramdaman ang labi niya sa leeg ko. Wala sa loob na napalingon ako sa pwesto ni Sir Khalil.
I am met with a cold stare as I place my hand on Quen's head who started sucking the salt on my neck, and suddenly, a torrent of memories from that particular night floods my mind.
Those eyes... Why do they seem so familiar?