Kabanata 2

2248 Words
Professor ANGELINE “Argh! I hate him!” inis kong bagsak ng tumbler ko at sinimangutan sila Leah na pinagtawanan naman ako. Sometimes I feel like they’re not really my friends. After all, they always enjoy my downfall. “Are you going to continue laughing at me or do you want me to pour you the drink that’s left in my tumbler?” gigil kong saad kay Leah na natahimik na matapos sikuhin ni Eunice. Tumikhim sila parehas. “Alam mo hindi lang naman ikaw ang napahiya sa klase kanina. Pati si Jaira, I’m sure our whole class has forgotten about it na. Huwag ka na mainis kay Prof,” tila kinikilig pang saad ni Leah. “Napahiya si Jaira dahil sa kalandian niya when she got caught taking a picture of that kakairitang Prof. Unlike me, na pati pagme-make up ko pinansin niya, as if mortal sin na ang pagkaka-late ko. He’s so argh! Sino ba ‘yon? I’ve never seen or heard about him. Should I ask Kuya Nico to fire that man? Hindi niya ba ako kilala?” Nagsisimula na naman ang pagiging bratinella kong litanya. Yes, I’m a brat. Hindi ko itatanggi ‘yon. I get anything I want and as a Figueroa, I would never let anyone trample on me including that Professor. That’s what my father always says to me, and so is my grandparents. Magkaiba kami ng Kuya ko na mabait kung ikukumpara sa akin. Malas lang ng Professor na ‘yon. “Oh come on, Angeline, ‘wag mo na nga pagdiskitahan pa si Prof–” “Omg! I found his f*******:!” impit na tili ni Eunice na nakapagpaputol sa sinasabi ni Leah. “Ang bilis mo ah!” hagikhik ni Leah pero nakatingin din sa cellphone noong isa. “He’s really so hot! Do you think may girlfriend?” “I bet not. Sabi ko nga sa inyo, he looks boring.” “Boring? I don’t think so. He knows how to have some fun.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Eunice at walang anu-ano’y hinablot ang cellphone niya para makita kung ano man ang tinitingnan nilang dalawa. Tumaas ang kilay ko nang makita ang video na gumagawa ng drinks ang Khalil na ‘yon. He’s in a bar and I bet not in the Philippines since puro foreigners ang nasa video na ‘yon. Kung hindi lang niya kamukha ang lalaki at naka-tagged siya mismo sa video. Iisipin kong hindi siya ang Professor namin kanina na boring at striktong magturo sa klase. Napatingin ako sa babae sa tabi niya na hinalikan pa siya sa labi after he took a shot of the drink he expertly made. Oh, so he’s taken? Hindi ko alam kung saan nanggaling ang inis ko sa kaalamang iyon at pabalibag na isinoli kay Eunice ang cellphone niya. “OMG Angeline, kakabili lang ni Daddy sa akin nito.” “Nasira ko ba?” taas-kilay kong tanong sa kanya. Ngumuso siya at inexpect maigi ang cellphone niya. “No–” “Hindi naman pala eh, and even if I break it, I could buy you another one. Let’s go na nga.” “Saan?” “Shopping. I need to relieve my stress.” “Nag-promise ako kay daddy na hindi ko ima-max ang credit card ko this month so he will allow me na sumama sa mga pinsan ko sa Paris trip nila–” “My treat.” Mabilis pa sa alas-kwatro na tumayo si Eunice at kinuha ang bag niya. Inismiran ko naman siya at tinawanan. We were walking in a hallway when I glanced at the field. I saw our new professor, Khalil Enriquez, talking to Jaira—the student that he embarrassed in front of the class just like me. But it seems like they were okay now; he's nodding his head and smiling at her with whatever nonsense thing she's saying. Naalis ang tingin ko sa kanila nang may bumangga sa akin. “Careful, Angel,” nakangising saad ni Simon sa akin na siyang nabangga ko pala. Itinulak ko siya para maalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Bulag ka ba? Ang lawak-lawak ng daan, hindi ka umiwas sa akin?” Ngumisi siya. “Bakit ko naman iiwasan ang magandang tulad mo–” “Shut up, Simon. Enough with your corny lines. Hindi ka na nakakatuwa.” Simon was my fling before. Yes, fling. He was never my boyfriend contrary to what he’s telling everyone. He was fun to be with before. Not until he became some obsessive creep. “Angeline naman–” Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at nilagpasan na siya. Wala sa loob na muli akong napasulyap sa tinitingnan ko kanina. Napalunok ako nang matagpuan ang tingin niya sa akin. Mag-isa na lang siya at wala na si Jaira sa tabi niya. “Ano bang tinitingnan mo–” Bago pa makita ni Leah at Eunice ang tinitingnan ko ay hinila ko na sila paalis sa hallway. *** “Inubos mo na naman ba ang laman ng department store Angeline Lauren,” salubong na bati sa akin ng ama ko na may hawak-hawak ng baso ng alak at sala naisipang mag-inom. Inutusan ko sila Cherry na ipanhik na sa kwarto ko ang mga paper bag na pinabitbit ko sa kanila at nilapitan ang ama ko. Umiinom ka na naman… “Good evening daddy!” masayang bati ko sa kanya at humalik sa kanya kahit na hindi ko ma-take ang amoy ng alak na umaalingasaw mula sa kanya. “Good evening hija, did you max out your cards again?” Humagikhik ako at inakbayan siya. “Iyong isa lang, I promise.” Napailing siya pero hindi naman ako pinagalitan. Wala naman siyang pake kahit maubos ko pa ang laman ng credit cards ko. Basta uuwi ako sa amin. That’s what matters to him. Ang ikulong ako sa apat na sulok ng mansyon. Kaya nga kahit gusto kong tumulad kay Kuya na sa Maynila mag-aral ay hindi ko nagawa dahil sa ama ko. He was afraid that just like what that woman did. I will leave him, too. “Bakit umiinom ka na naman?” “Hindi lang makatulog at iniintay kita. Kumusta ang first day ng summer class mo?” Not good. “It’s okay daddy–” “Carlos, may tawag ka,” sulpot ni Nanay Pasing na ikinakunot ng noo ko. “Sino?” tanong naman ni Daddy sa kanya. Umalis ako sa pagkakaupo sa sofa rest at nagpaalam na sa ama kong papanhik sa taas. Binagalan ko ang hakbang nang marinig ang sagot ni Nanay Pasing sa tanong ni Daddy. “Si Regina. Umiiyak at kailangan ka daw makausap.” Sa paglingon ko’y nakita ko ang biglang pagtayo ni Daddy at pagkuha ng teleponong hawak-hawak ni Nanay. Kinuyom ko ang kamao gustong-gusto na pagalitan siya sa pagsagot no’n. Anong kailangan ng babaeng ‘yon!? *** Inis kong pinagbabato ang mga pinamili kong damit nang marinig ang pag-alis ng Daddy ko. Sa isip-isip ko’y alam ko na kung saan ang magiging tungo niya. Sa babaeng umabandona sa amin. I hate her! Anong kailangan niya sa ama ko? Napangisi ako at nakita ang wallet ko. “Pera, of course.” I reached for my phone and tried to contact my brother but he’s not answering me. Sa huli’y sila Eunice na lang ang tinawagan ko pero pare-parehas silang hindi rin ako sinagot. Inis kong binato ang cellphone kong walang kwenta. I grabbed one of the new clothes that I bought. I’m planning to go for a night out. But I was all dressed up when I realized something. I won’t be able to use our car since for sure magsusumbong ang driver ko kung saan niya man ako dadalhin. Kinuha ko ang cellphone ko at tangkang tatawagan na muli sila Eunice nang makatanggap ako ng tawag sa isa sa mga manliligaw ko. Si Quen. Agad kong sinagot iyon kahit na hindi ko siya bet. He’s boring and timid. I don’t like his type. Kaya lang naman niya nakuha ang number ko ay dahil anak siya ng isa sa mga business associate ni daddy at napakilala sa akin during a party. “Hello?” “H-Hi Angeline, sorry for calling you late–” “Taga-saan ka nga, Quen? Hindi ba malapit ka lang dito sa mansyon namin? You know our place, right?” “Ah oo, taga San Miguel lang ako–” “Good. That’s twenty minutes away from our mansion right?” “Yes–” “May car ka?” “Oo–” “Then pick me up after thirty minutes.” “H-huh? Saan tayo pupunta?” “Bar. Pupunta ka ba o hindi? I’ll just call someone else if not–” “Pupunta!” “Great. I’ll wait for you, then. Bye.” Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at binabaan na siya ng tawag. Wala pa ngang thirty minutes nang makita ko ang paghinto ng kotse sa labas ng mansyon. Mabuti na lang at pagbaba ko’y wala si Nanay pasing o kung sino mang katulong. “Ma’am saan po ang punta n’yo?” “To my classmate. May project kami. Nagsabi na ako kay daddy, don’t call him na,” masungit kong sagot sa guard namin at dire-diretsong lumabas na ng gate. Kakalabas lang ni Quen mula sa sasakyan niya nang pumasok na ako sa front seat. “Let’s go,” nakangiting baling ko sa kanya nang makasakay na siyang muli sa driver’s seat. “Saan nga tayo?” tila nahihiya pa ang boses na tanong niya na ikinailing ko. “We can’t really go that far. Sa may Sta. Elena na lang tayo, may speakeasy bar doon malapit sa CSE,” sagot ko at pinatungan pa ng lipstick ang labi ko. “Speakeasy?” Napasimangot ako. “You don’t know a speakeasy bar?” Tumikhim siya at nagsimulang magmaneho. “No.” Inikot ko ang mga mata ko. “It’s a bar that’s hidden and feels illegal. Wait, have you ever been to one?” Nang hindi siya sumagot ay napangiwi ako. “Just go drive. Alam mo naman siguro iyong CSE.” “Oo naman. Pero alam ba ni Tito Carlos na magkasama tayo ngayong dalawa?” “He’s asleep,” pagsisinungaling ko. “Huh? Umalis nga si daddy ngayon eh para pumunta ng hospital sa San Dionisio, tinawagan kasi siya ng daddy mo.” Sila Quen ang nagmamay-ari ng mga kilalang hospital dito sa Palawan. Isa na ro’n ang hospital sa San Dionisio. “What? Anong gagawin niya doon?” Umiling siya. “I don’t know but I heard there’s an accident–” “Ah whatever.” “I even heard–” “Just drive!” inis kong putol sa kanya wala ng planong marinig pa kung ano ang rason ng pag-alis ng ama ko nang ganitong oras at pagpunta sa San Dionisio na alam kong kinaroroonan ng babaeng ‘yon. Pathetic, dad. Napailing ako nang makita ang hitsura ni Quen nang makababa na kami sa CSE. Halos hanggang leeg ang pagkakabutones ng polo niya. Parang dinilaan ng kalabaw ang buhok niya at napakakapal ng salamin niya. Hinarap ko siya at inalis ang salamin niya pagkatapos ay ginulo-gulo ang buhok niya matapos na alisin ang ilang butones ng polo niya. “A-Angeline, I really can’t see that much without my glasses–” Inis ko namang binalik sa kanya ‘yon. Pero mas okay na siya kumpara kanina dahil naayos ko na ang damit at nagulo ang buhok niya. Hindi na siya mukhang pupunta ng simbahan. “Let’s go!” pagtalikod ko sa kanya at tinungo ang maliit na hagdan sa gilid ng isang coffee shop. Pagbaba ay bubungad sa ‘yo ang isang metal gate na may code na kailangang i-input from their website after paying the fees. I actually liked this speakeasy bar. Kung meron akong napala kay Simon na maganda, ito ‘yon. Wala pang isang taon na naitatayo ito at hindi pa ganoon ka-crowded dahil pili nga lamang ang nakakaalam. Besides, in our town, hindi naman lahat can afford their rates. Napailing ako nang marinig ang reaksyon ni Quen nang bumukas ang metal gate after I input the code. Since regular days at hindi friday or saturday nights, onti lang ang tao sa bar. Dire-diretso akong naupo sa harap ng bar counter at umorder ng drinks. “One shot of tequila,” pag-order ko at kinuha agad ang cellphone ko not even taking a glance at the bartender. Nilingon ko si Quen na inikot-ikot pa ang tingin sa sarili bago tumabi sa akin. “Anong iinumin mo?” “I’m not going to drink. Magda-drive pa ako eh.” Inikot ko ang mga mata ko. Alam kong hindi lang dahil sa magmamaneho siya kaya ayaw niyang um-order. Probably because he never drinks at all. “You know what, you’re so boring–” “One shot of tequila.” I stopped talking when the baritone voice from the bartender echoed in my ears. It’s so familiar that I quickly looked at him. I was right. Kilala ko ang bartender na nag-abot ng drinks ko. Napalunok ako nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. “What are you doing here, Sir?” “Hindi ba ako dapat ang magtanong niyan, Miss Figueroa? Are you planning to be late again for my class tomorrow?” my Professor asked me back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD