Kabanata 4

1500 Words
Halik ANGELINE Tinusok ko ang pisngi ni Quen para lang mapamura sa isip nang manatili siyang walang kagalaw-galaw sa kinauupuan. Pikit ang mga mata at wala na sa ayos ang salamin na suot niya. Nakailang shot lang ng tequila at bumagsak na ang ulo sa bar counter. “So weak,” irita kong saad at kinuha ang bote ng tequila para lang mas mainis nang makitang wala na iyong laman. “One bottle–” “Ubos na.” “What? A-Anong ubos na!?” gigil kong saad sa professor s***h bartender na si Sir–no, Khalil only. “Ubos na para sa ‘yo. Go home, lady. You’re drunk.” “I’m not!” inis kong saad. “Ayan ang lasing!” turo ko sa katabi kong si Quen. “May pasok pa bukas. It’s late–” “Are you my father, Mister?” I asked him, slurring my words. God, is he right? Am I really drunk? “I’m not but do you want me to call him Miss Figueroa?” taas ang kilay na tanong niya sa akin. Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya. “Are you threatening me, Sir?” “Threatening you? I’m just asking, lady. Bakit? Wala ba siyang kaide-ideya na nandito ka?” I reached for my purse and grabbed my wallet. Inilabas ko ang card ko at padabog na inilapag ‘yon. “Alam din ba ng school na bukod sa pagtuturo, nagtatrabaho ka dito sa bar?” He chuckled. “What’s wrong with working here? Are you insinuating that I’m a prostitute here, Angeline? Even if I did, nasa rule book ba ng SNU na bawal?” Napalunok ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. Pero saglit na natigilan sa sinabi niya. Him? A prostitute? I stared at those girls still ogling at him. “Hindi nga ba?” Ngumisi siya. “Why? Are you interested in my service?” “E-ewww, pervert!” saad ko at hinablot na sa kamay niya ang card ko nang ibalik niya na ‘yon sa akin. Inis ko namang binalingan si Quen dahil tulog pa din siya. Paano ako makakauwi nito? “Angeline? Woah! It’s you, fancy seeing you here, babe–” “Babe mo mukha mo!” sikmat ko kay Simon na kung maka-akbay sa akin ay akala mo may karapatan siya. Tinulak ko siya at nagtawanan naman ang mga barkada niya na mga katulad niya ring as*holes. “Babe pala ang mukha mo eh!” pang-aasar sa kanya ni Philip na kinindatan pa ako. Sumimangot si Simon at nagsindi ng sigarilyo. “Pakasungit mo na naman, Angeline. Sino bang pinagmamalaki mo? Ayan? Mukhang patay na ah!” pagtawa niya at nginuso si Quen na naalimpungatan na nang malakas kong hampasin ang braso niya. “Ouch!” “Let’s go!” gigil kong saad sa kanya. “A-ah yeah, sorry,” tumayo siya pero nasapo ko ang noo nang bumalandra siya nang patirin ni Simon. “What the hell, Simon!” sigaw ko sa kanya dahil sa pagiging bully niya. Hindi ko man gusto si Quen ay nakaramdam naman ako ng awa nang sumalampak siya sa lapag at tila hirap makatayo. I helped him but I gasped when I felt someone touch my butt and squeezed it. Walang iba kung hindi si Simon na tinungo pala ang likod ko. “Bastos ka!” sigaw ko at hinampas siya sa mukha ng purse ko. “Motherfucker! Masakit!” sigaw niya dahil sa studs na design ng purse ko. Umangat ang kamay niya at bago pa niya ako masampal ay bumagsak na siya sa lapag gaya ni Quen kanina. Someone punched him. Napatingin ako kay Quen na nakatayo na pero natural ay hindi siya ‘yon. Walang iba kung hindi si Sir Khalil na kinuwelyuhan pa si Simon at iniangat sa ere. “Out. Now. You’re banned from here.” I gasped when Simon spit on his face. “Putangina mo, sino ka ba–” Hindi na natapos ni Simon ang sasabihin niya nang muli siyang masuntok sa mukha ni Khalil. Only this time, knock out siya. “Bitbitin n’yo ‘tong kaibigan n’yo kung ayaw n’yo na pati kayo makatikim sa akin,” mapanganib ang boses na saad niya sa mga barkada ni Simon na dali-dali naman siyang sinunod. Napangiwi ako nang punasan niya ang mukha niya. Hindi ko malaman kung magpapasalamat ako sa kanya sa ginawa niya pero bago pa ako makaisip ng sasabihin ay napatili ako nang magsuka si Quen sa tabi ko. “Ewwww!” pag-iyak ko dahil may tumalsik sa paa ko. “S-sorry!” “I so hate you, Quen!” I left the bar angrily and abruptly, only to halt my steps when I realized I didn't have any means of transportation. Furthermore, I considered the possibility that Simon might still be outside. Baka magising pa ‘yon at maisipang gumanti. Paglingon ko ay nakita kong inaalalayan na ni Khalil si Quen. Blanko ang mga matang sinulyapan niya ako at napailing. “What did I do ba!? Siya ang uminom–” “You insisted. What a brat,” aniya at nilampasan na ako. Nakanguso namang sumunod ako sa kanya. “Where’s his car?” “There,” turo ko sa sasakyan ni Khalil. I know how to drive but I’m not that good pa. I guess I have no choice for tonight. “Quen, where’s your car key?” tanong ko sa lalaking hinding-hindi ko na kailanman aayaing uminom pa. Much better, hindi ko na siya gugustuhing makita pa. “Are you planning to drive?” “Y-yes. I can drive.” Umismid lang siya at naglakad na alalay pa din ni Quen. “Where are you going?!” sigaw ko ngunit sinundan naman siya. Dumiretso siya sa itim na honda at binuksan ang backseat no’n. Ipinuwesto niya ro’n si Quen at nilingon ako. “What are you waiting for? Sakay,” saad niya. “W-why would I–” “Do you still want to stay here after what happened? Gusto mo bang mabastos ka na naman? You’re not in a superhero movie, lady. I saved you a while ago, but I won’t save you again. Bahala ka na sa buhay mo,” maanghang ang mga salitang pagputol niya sa akin. Dumiretso siya sa driver’s seat at dalawang beses bumusina. Pinaandar niya na ang kotse at wala akong balak hindi makauwi ng buhay ngayong gabi kaya dali-dali kong binuksan ang backseat pero naka-lock ‘yon. I was about to knock on the front seat window when it opened. “Sa backseat ako–” “Sakay.” “Argh!” gigil kong saad ngunit sinunod din naman siya. Awtomatikong natakpan ko ang ilong ko nang maamoy ang suka na nanggagaling kay Quen. “C-Can we open the window please?” “No. Magtiis ka. That’s what you get for forcing him to drink.” Umawang ang labi ko sa sinabi niya. “Masusuka din ako!” I insisted and tried to open the window, but he just kept rolling it down. Sa huli’y wala na rin akong nagawa. Tinanong niya ako kung saan ang bahay ni Quen at inihatid namin siya ro’n. Ang magaling na lalaki ay todo paghingi ng sorry sa akin na mukhang nahimasmasan na pero hindi ko na siya pinansin pa. Nang masabi ko ang direksyon patungong mansyon ay bumigat ang talukap ng mga mata ko at nakaramdam ako ng antok. Hindi ko namalayang nakatulog na ako. “How old are you?” “18…” “Damn. You’re still young.” “So what–no, don’t stop, please… kiss me more…” “Wake up–” Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko at pagdilat ng mga mata ko’y sinalubong ako ng pamilyar na mga matang ‘yon. Ikinawit ko ang braso sa leeg niya. “P-please…” “You–” He wasn’t able to finish what he was about to say when I kissed him. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang balikat ko at ilayo ako sa kanya. Napalunok ako nang tuluyang magising ang diwa ko at matanto ang hinalikan ko. “I-I’m sorry,” nauutal kong saad at nagmamadaling inalis ang seatbelt at bumaba ng sasakyan niya. Ni hindi ko na nagawang magpasalamat pa sa kanya at tumatakbong pumasok sa loob ng gate namin. “Ma’am?” Napapitlag ako sa pagtawag ng guard sa akin. Napahawak ako sa labi ko at gustong sabunutan ang sarili sa kahihiyang ginawa ko. I kissed him! Oh gosh! What am I thinking?! “Okay lang po ba kayo–” Hindi na natapos ng guard ang sasabihin niya nang makarinig kami pareho ng katok sa labas. Napatingin ako nang buksan niya ‘yon. “She forgot her purse,” baritono ang boses na pag-abot niya ng purse kong naiwan ko nga sa kotse niya. Nagtagpo pa ang mga mata naming dalawa hanggang sa siya mismo ang mag-iwas at tuluyan nang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD