First day ANGELINE “Hindi ka pa ba nababasag ang salamin na ‘yan, Angeline?” Ipinaikot ko ang mga mata ko sa sinabi ng Kuya ko na nakabusangot pagkaaga-aga. Isinara ko ang compact mirror ko at inilagay ‘yon sa bag ko. Gusto kong isipin na may kinalaman ‘to sa pagsundo ni Raze kay Chiara ngayong unang araw ng pasok sa SNU pero iniaalis ko ‘yon sa isipan ko. Hello? Nag-date nga sila ni Candice… Si Candice nga ba talaga? Binalingan ko ang kapatid ko at pinakatitigan siya. Nagbalik sa isipan ko ang tingin niya kay Chiara kaninang umaga. Could it be… I sighed. Whatever. It’s not as if siya lang ang may inililihim sa aming dalawa. Bahala sila. “Sa school ba talaga ang punta mo? O sa party?” Muli kong ipinaikot ang mga mata ko sa pamumuna ni Kuya Kaiden sa akin. “Pwede ba Kuya? You