Binabaliw ANGELINE “You? Pupunta ng library?” Naghagikhikan sila Leah at Eunice at tinuro pa akong tila ba tatlo ang ulo ko. Inis ko naman silang binato ng tissue at nilagay na ang ipad ko sa bag. “Anong nakakatawa sa sinabi ko?” “Anong nakakatawa, Angeline? This is new. Kahit noon pa man, hindi ka nagpupunta sa library–” “Mas tama sigurong sabihin na nag-aaral nang maigi. Especially now, first week pa lang ng pasukan, hindi ba chill ka lang dapat?” hagikhik ni Eunice. Gusto ko siyang sabunutan para mawala ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. Isinukbit ko ang bag sa balikat naghahanda na silang iwan nang masulyapan ko ang relo. Hindi naman talaga ako magtatagal sa library, meron lang akong titingnan. “Well, people change. Bakit hindi n’yo din subukan? Besides, mainit ang ulo