Found ANGELINE “There you go, it’s just first aid. It would be better kung ipapatingin mo ‘yan sa doktor,” ani Khalil matapos mabalutan ng benda ang paa ko. Iniwan niya ako at pagbalik ay may dala-dala na siyang first aid para sa akin. Dahan-dahan niyang ibinaba ang paa ko habang ako’y inubos na ang huling piraso ng chocolate na dinala niya rin para sa akin. I don’t know what to feel when he said sorry a while ago. Are we okay, now? Galit pa din ba siya dahil nawala ko iyong dahilan ng pagkikita naming dalawa? Should I say sorry again for losing it? “Let’s go. Ihahatid na kita sa parking lot, I’m sure hindi ka naman nag-commute papunta dito,” aniyang pinagdadampot na ang mga napamili ko. Napayuko ako. “Sorry talaga, hindi ko gustong mawala ‘yon–” “It’s okay. You’re right, it’s tha