“Na-flat ang gulong ng sasakyan niya sa may arko. Pinakuha na namin pero baka kailangan nang umuwi ni Miss. Mabuti pang maihatid na siya.”
Hindi ko mapigilang mapatingin kay Reigan. Hindi pa rin makapaniwala na nasa harapan ko nga siya!
He looks devilishly handsome. It never once changed.
“Uhm... kahit hindi na kayo mag-abala. I can wait,” sabi ko na wala na sa sarili.
I saw the ghost of smirk on Reigan’s lips. Nahalata niya yata na iniiwasan ko siya!
“Nako, Miss, matatagalan pa ‘yon. Baka masayang ang oras mo sa paghihintay. Ikaw rin,” sabi ni Sanders habang kumukuha ng tubig.
“S-Sige, magpapasundo na lang ako sa driver ko,” sagot ko sabay labas sa phone ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko sa kahihiyan na hindi ko maintindihan. At talagang tuwing minamalas ako ay si Reigan pa ang nakikita ko.
“Kung gusto mo ay ako na ang maghatid sa ‘yo!” offer ni Sanders sabay tawa.
“Ako na. Alam ko kung saan siya nakatira,” biglang sabi ni Reigan sa isang seryosong boses.
Natahimik naman sina Sanders bago nag-ingay muli. “Kilala mo siya, Kuya Reg?” parang batang tanong nito na namangha sabay lingon sa ‘kin. “Sino ba tatay mo? Baka kilala ko?”
“Si Iverson Altare—” Bago ko pa matapos ay nasamid na iyong lalaki sa gulat. Napaubo-ubo ito.
“S-Si Don Iverson?!”
“Sabi naman sa ‘yo, Sanders, sana binawasan mo ang katarantaduhan mo. Nakakahiya ka talaga!” sabay batok sa kaniya noong nagmamaneho kanina.
Ilang minuto lang at dumating na ang sasakyan ko na pinakuha nila.
“Titingnan ko kung anong nasira. Baka maayos agad,” sabi ni Reigan. Nagpaalam na ang iba pati na rin si Sanders dahil ibababa pa raw ang mga supply at mga equipments na dala nila kanina sa owner jeep.
Nang kaming dalawa na lang ang naiwan sa isang parte ng talyer ay mas lalong hindi ako makapagsalita. I can’t even say hi to him properly!
“Are you always here?” tanong ko kay Reigan habang tinitingnan niya ang nangyari sa sasakyan ko para lamang hindi maging awkward sa pagitan namin. I’d rather die than melt because of his presence.
“On free time. Whenever I’m bored,” sagot ni Reigan. “Nasaan ang bodyguard mo? Isn’t he supposed to drive for you?”
Tumikhim ako. “I told him to take a day off.”
Hindi siya sumagot. Hindi ko maiwasang mapatingin at magtagal ang titig sa kaniya lalo na sa tuwing galaw niya ay tumutunog din ang dogtag necklace niya na mas nagbigay ng dating sa kaniya.
“Really? Then you should’ve asked someone else to drive for you, Leigh. Hindi ka dapat mag-isa.”
Hindi ko na iyon sinagot. Tumikhim na lamang ako. “Do you own this?” tanong ko sabay lingon sa buong talyer.
“Hindi. Tumutulong lang. It’s a hobby,” mataman niyang sagot.
Tumango ako ulit. I know. Reigan De Alba actually does motorsport. Bukod sa horse riding, mahilig din si Reigan sa mga sasakyan. Hindi kataka-taka na pati sa pagmemekaniko ay alam niya rin. He owns different cars and he knows how to race. Iyon ang pinakakilalang hobby ng mga magpipinsang De Alba, car racing.
They actually own different sportscar and race tracks.
Kahit kailan ay hindi ko yata narinig na nagyabang si Reigan sa mga narating niya sa buhay, ‘yong mga pagkakapanalo niya sa racing. Kung tutuusin ay pwede namang manatili na lang siya sa ibang bansa at huwag nang bumalik dito. Kaya nga nagtataka ako na nandito siya ngayon. Mas magiging malaki ang pangalan niya roon.
Pero nandito siya sa El Amadeo. I might start to think that his loyalty lies only in this place.
“Hindi lang flat ang gulong. May sira din,” sabi ni Reigan noong binuksan ang hood. “Nagmamadali ka ba?” Nilingon niya ako.
I bit my lip and looked around. Kapag sinabi kong nagmamadali ako, baka ihatid niya ako! Kapag sinabi kong hindi... eh, ‘di magtatagal itong pag-uusap namin?
“Yes. I have things to do,” sagot ko.
“Ihahatid na lang kita kung ganoon. Ako na ang mag-aayos ng sasakyan mo. Ibabalik ko agad kapag tapos na.”
“Aren’t you busy? May iba pa namang nandito sa talyer. Okay lang kahit sila na...”
Reigan chuckled. Tumingin siya sa akin, tingin na lagi niyang binibigay sa akin mula pa noon, iyong tingin na parang gusto niyang guluhin ang buhok ko at pisilin ang pisngi ko na parang bata. Like a little sister he never had!
“Ayos lang, Leigh. Kaya ng oras ko.”
Tumango na lang ako at nagkibit-balikat. Okay, then! Sabi niya, eh!
“So? Are you going to give me a ride? Uuwi na ako...” saad ko na unti-unting nakabawi sa kaniyang presensya. Hindi ko naman itatanggi na naging ilag nga ako sa kaniya nitong mga nagdaang araw.
Ayaw ko siyang makita. Well, El Amadeo is a big province! Pero ang mundo ng mga De Alba at Altarejos, maliit lamang. Kahit siguro magkalayo pa ang aming lugar, hindi niyon mahahadlangan ang katotohanan na kapag nakita ako nina Tita Devone at Tito Silvianno, I’ll still end up close to their family. Iyong kahit tinatakbuhan mo na, hinahabol ka pa rin. Nilalayuan mo na, hinahatak ka pa rin pabalik.
“Yeah. Ipakuha mo na lang ito sa driver mo bukas. O ako na ang maghahatid sa inyo, malapit lang naman,” sabi ni Reigan at sinuot na ang kaniyang t-shirt.
Tumayo na rin ako. Ang totoo, wala naman akong masiyadong gagawin bukod doon sa pinag-uutos ko kay Adriano. But for some reason, I want to run away from him! Iyong malayong-malayo, ‘yong hindi na magtatagpo pa ang mga landas namin!
“Anong sinabi ng ama mo tungkol sa nangyari?” tanong niya sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Napaangat ang tingin ko kay Reigan, nakuha agad ang kaniyang tinutukoy, ang nangyari sa corn plantation.
“He asked me to stay away from trouble. At... gusto pa akong padalhan ng dagdag na magbabantay.”
I’m eighteen. I can’t go around with Dad’s men tailing me. That’s so silly!
“Gusto niya pang gawan ng aksyon ang nangyari. Sabi ko ay hindi na kailangan dahil ayaw ko rin ng gulo. Besides, the guy has ran away.”
Binalingan niya ako ng tingin sa aking sinabi. Reigan cleared his throat a bit, bago binalik ang medyo seryosong tingin sa daan.
“Maybe he’s now sorry with what he did. Bukod pa roon, baka makaagaw pansin lang sa mga tao kapag ginawa pa iyon ni Daddy,” pagpapatuloy ko.
Pasimpleng tumikhim si Reigan.
“He’s in jail.”
Halos masamid naman ako at napaawang ang aking labi.
“Trespassing siya, at iyong ginawa niya sa ‘yo...” seryosong sabi ni Reigan. It made me remember of why they are looked up in this town. The De Albas.
They are ruthless. They fight when it is needed. Walang nangangahas na tapakan ang kanilang pamilya. O ang mangahas lamang na banggain ang kanilang pag-aari.
Bumuntonghininga na lang ako at hindi na nakapagsalita pa. Hanggang sa makapagpaalam na kami sa mga nasa talyer.
“Ingat, Miss! Bago lumubog ang araw, okay na itong kotse mo!” paalam ni Sanders
na binatukan ng kasama nito sabay tawanan. Napangiti naman ako at nagpaalam na rin sa kanila.
“Sakay na,” marahang sabi ni Reigan noong pinagbuksan ako ng pinto ng kaniyang pulang jeep wrangler.
Nagtama ang paningin namin, and just like the first time... like before... my heart never changed the way it beats for him.
Sumakay na rin ako roon. I guess I have no choice now! Sinara niya rin ang pinto at umikot na patungo sa driver’s seat.
“Let’s go?” Reigan asked. “Ang seatbelt mo, Leigh,” paalala niya na ikinakapa ko sa seatbelt. Damn, he still has that protective brother instinct pagdating sa akin!
Tahimik na lamang kami habang tinatahak niya na ang daan patungo sa mansyon. Hindi ko maiwasan ang pasulyap-sulyap na ginagawa kay Reigan. I want to say something but each time I try, kusang sumasara ang bibig ko at walang mahagilap ng salita.
“Are you going to say something?” tanong ni Reigan bigla kung kaya’t halos dumoble ang ragudon ng aking dibdib.
Damn it. Ano ba ang dapat kong sabihin? Of course, I have to say thank you! Pero bakit parang ang hirap-hirap?
“Uhm... s-salamat. I’ve been causing you inconvenience since I stepped foot here...” sabi ko.
Seryoso ang kaniyang pagmamaneho. Kung hindi ako naging malapit kay Reigan at some point in my life, talagang iisipin kong masungit siya.
“That’s not new, Leigh. You know I’ll always help you.”
I swallowed hard. Hindi na ako nakasagot. Bigla ay parang kay layo ng mansyon.
“So... how are you? You’ve been gone long...” marahang sinabi ni Reigan habang ang mga mata ko ay nakatuon sa labas ng kaniyang sasakyan, pinagmamasdan ang mga lupaing nalalagpasan namin. “You’ve changed. I almost can’t recognize you.” Napangiti si Reigan, like he’s proud, at the same time... hurt.
Ipinikit ko ang mga mata at dinama ang hangin bago mahinang nagsalita. “Kahit sino naman ay nagbabago kapag lumilipas ang panahon, hindi ba?”
Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa amin. It took seconds before I heard Reigan.
“May mga bagay na hindi kayang baguhin ng panahon, Leigh. There are things that even time cannot conquer.”
Napamulat ako sa mga mata sa narinig. Sa pagdaan ng mga tanawin sa aking paningin, naramdaman ko ang pamilyar na kirot sa aking dibdib.
“Gaya ng ano?” wala sa sarili kong tanong at nilingon si Reigan. Nagtama ang paningin namin bago niya iyon binalik sa daan.
His jaw clenched hard. Amusement was written all over his eyes.
I laughed, intending to offend. Pinagkrus ko ang mga braso ko at sumandal. “Wala, ‘di ba? Nagbabago ang lahat sa paglipas ng panahon, Reigan. Everything becomes memories, feelings fade, hearts fall, everything dies...”
Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Reigan. He bit his lower lip.
“Bata ka pa nga, Leigh...”
Nagtagal ang tingin ko kay Reigan dahil sa kaniyang sinabi. For a long time since I was gone, muling bumalik isang iglap ang lahat sa akin.
How much I hated those words. How much... I hated when he tells me that!
Dahil madalas, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Pero kapag galing kay Reigan, malaki ang tama niyon sa akin. Nanunuot sa pagkatao ko... hindi mawala sa isipan gaano man katagal ang panahong lumipas.
“Don’t you dare say that, Reigan. Hindi na ako bata. I am not that Everleigh that you once knew anymore,” matigas kong sinabi, nakaramdam ng iritasyon.
I was fifteen back then. Sa tatlong taon na lumipas, nakalimutan ko na siya. Time has conquered my feelings for him. It died already!
Ano ba, Everleigh? Bakit hanggang ngayon ay apektado ka pa rin kay Reigan? Past is past! I was too young. Pwede ko ngang idahilan sa kaniya na hindi ko na naaalala ang nakaraan namin. Ang nakaraan ko pagdating sa kaniya...
“Yeah, you’re right. You’ve grown into a fine lady now. Hindi mo na ako tinatawag na kuya... you’re no longer that fond of me anymore too, huh?”
Bumigat ang aking paghinga. Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa labis na iritasyong namuo sa aking dibdib. F*ck, Leigh. Really?!
Napagtanto ko na kahit anong gawin ko, Reigan De Alba will never see me the way I see him!
Pumikit ako nang mariin. Hindi. Nagkakamali lang ako. Naninibago lang ako na nagkita kami ulit... pagtapos ng lahat ng nangyari dito sa El Amadeo. Bago ako umalis. Bago kami nagtungo ni Daddy sa Maynila noong mamatay si Mommy. Bago masira lahat... bago... bago magbago lahat.
I don’t feel anything towards him now. I don’t. I’m just overwhelmed.
Baka maling desisyon talaga ito? Maybe I shouldn’t have gave this scenario a chance! Dapat noon pa, tinanggihan ko na ang baliw na ideyang ito... na bumalik dito.
“At ang sungit mo na... dati ka nang masungit pero doble na ngayon. You don’t wear silly hairclips anymore. And you’ve learned so many new things, huh?”
Binalingan ko siya ng tingin. I saw Reigan’s eyes as they stopped at the sight of my lips...
“Red lipstick. High heels. Corporate attire. At eighteen. Damn, sweetheart... where did my innocent little Leigh go?” he whispered, habang para akong nahulog sa kumunoy at walang magawa dahil kahit itanggi, alam kong hindi na ako makakaahon pa...