Kabog ng dibdib ang karamay ko habang mabilis ang pagtakbo ko papasok sa loob ng bahay. Hingal na hingal pa ako pagdating ko sa sala. Nagtataka naman sina Tita Devone dahil sa ayos ko. Si Mommy ay agad akong nilapitan. “Leigh? Stop running. Baka’y mapaano ka,” mahinang saway sa ‘kin ni Mommy. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Devone. May angking kakulitan din talaga itong si Everleigh.” Tita Devone smiled. She’s so fond of me. Ni minsan ay hindi ko naramdaman na ayaw sa ‘kin ni Tita Devone at ni Tito Silvianno. They treated me like a daughter. “Ano ka ba, amiga? It’s fine! Pwedeng-pwede si Leigh dito sa mansyon. She can go wherever she wants,” ani Tita Devone. “Pinasabi ko na nga sa lahat ng maids na asikasuhin si Leigh kapag nagtungo rito.” Mommy smiled. Hinihingal pa rin ako sa