Kabanata 7 - Talyer

2756 Words
Habang nakatingin pa rin ako kay Reigan ay iniwas niya na ang mga mata at binaling iyon kay Esmeralda. Mukhang may sinabi siya rito dahil tumango si Alda, pagtapos ay binalik ni Reigan ang tingin sa akin. Nagbaba ako ng mga mata. My hands slipped through the curtain weakly. Binaba ko na iyon at iniwan ang bintana. Hindi katagalan ay narinig ko na rin ang mga yapak ng kabayong papalayo sa gate ng mansion. Doon lamang ako nakahinga. Napaupo ako sa gilid ng kama na akala mo ay basang sisiw. Mas matatanggap ko pa yatang harapin si Louis araw-araw kaysa ang ganito. I won’t last a week in this town let alone months. “Nakaalis na ba si Reigan, Alda?” tanong ko nang pababa na sa kwarto, naninigurado na wala na talaga iyon! “Opo, Senyorita Leigh... mabuti nga ay inihatid ka niya. Ang sabi ay nadaanan lang daw kayo habang naglilibot kayo sa maisan. Napakabait na bata talaga ni Reigan,” sabi ni Alda. Napalunok na lamang ako sa kaniyang sinabi at hindi na iyon ginatungan pa. Anong sasabihin ko? Wala na akong masasabi roon. “I heard what happened, Leigh. Totoo ba?” Si Dad noong tumawag habang hindi makapaniwala, seryoso ang boses at mukhang handang gumawa ng hakbang tungkol sa nangyari. I sighed and wore my favorite earrings, kaharap ang full body mirror. “I told you to stay away from danger. Right, Everleigh Zarina?” istriktong sabi ni Dad. “Yes, Dad. Hindi ko naman alam na mangyayari ‘yon. Malay ko ba na marami palang manyakis sa lugar na ‘to? Besides, I was not harmed. At hayaan ninyo na. Ayaw ko ng gulo, Dad,” pagod kong sinabi. “Take care, hija. I don’t want you to get into trouble again. At padadalhan kita ng dagdag na bodyguard diyan o assistant—” “No need for that, Daddy. Marami na sila rito. Hindi ko sila matatakasan, at huwag kang mag-alala dahil walang magtatanan sa ‘kin in case you’re worried I might run away,” naiiling kong paliwanag sa naka-loud speaker na phone. “Alright, alright! Just take care and for Pete’s sake, lumayo ka sa gulo, hija. I’ll be there in a few more weeks. Delayed dahil may kailangan ayusin sa hotel natin sa Cavite. I need to go there.” Kung ganoon ay ilang linggo pa palang wala si Dad dito. Ano kayang gagawin ko sa boring place na ‘to? Mabuti pa sa hotel sa Laia na lang ako tumuloy. At least malapit iyon sa syudad! Sinuot ko na ang heels ko at bumaba na sa matayog na hagdan. Mag-aayos pa ako sa hotel para sa agenda ko sa araw na ‘to. I have a meeting today with the hotel officers at para tumuloy na rin doon sa hotel. Nagpaalam na ako kay Alda at nagbilin. Pagtapos ay dumiretso na sa hotel. “Everleigh Zarina Altarejos,” sabi ko sa receptionist. “Okay, Ma’am,” saad nito sabay tingin sa kanilang monitor habang unti-unting napaangat ng tingin sa ‘kin, may gulat sa mukha at pagtataka. Hindi ko na siya pinansin. Siguro ay may napagtanto siya dahil sa apelyido ko. Inilibot ko na lamang ang tingin sa buong lobby. Marami nang nagbago sa hotel kumpara sa huli ko itong nakita noon. Pag-akyat ko sa aking hotel suite ay nakita ko agad ang malawak na tanawin ng dagat na siyang view ng malaking bintana ng hotel, para itong dagat na walang katapusan. It’ll be a tough journey later. Dahil ngayong araw din ang meeting ko sa staff ng Alta Rejos. Ang hotel namin dito sa Laia City, El Amadeo ay ang main branch ng Alta Rejos Hotel and Resorts. Magkaiba ang posisyon ng presidente at CEO ng Alta Rejos Hotel Chain. Dad is the CEO of Alta Rejos of course. So I assume that the president position is the one that’s going to be mine. Kaya ako narito? It sounds cool, but damn it, what am I going to do there? Kaya bang patakbuhin ng billiard skill ko ang hotel? Nagpahinga lamang ako sandali sa hotel room habang nag-iisip tungkol sa susuotin ko mamaya para sa meeting. As if may magbabago kung mag-e-emote ako. Tumawag ako kay Claudia para lamang may makausap. Ibinalita niya sa akin na official girlfriend na ni Louis ang babaeng sinabay niya sa ‘kin. Pero na wala akong pakialam sa bagay na iyon. Ang kailangan ko ngayon ay ang makaisip ng paraan para hindi ako mabulok sa probinsiyang ‘to at patakbuhin ang hotel. Baka sa kamay ko pa iyon bumagsak at maglaho na parang bula. Lintik na! Nagsuot ako ng isang pormal na damit para lang hindi ako magmukhang batang naliligaw sa meeting. Nag-make up ako para mas pagmukhaing matured ang sarili. Although my facial and physical features are matured, it is still obvious that I am way younger than most of the staff here. Ang mga mata ko ang laging napupuri sa ‘kin. Marahan daw kung tumingin ang mga mata ko, bagay sa inosente kong mukha. That’s why a lot of my schoolmates in highschool hated me. Painosente pero playgirl. Well, I can’t blame them. I did play boys... kasalanan din naman nila dahil gustong-gusto rin naman nilang magpalaro. I smirked. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin, naalala bigla iyong sinabi ni Reigan na nagbago na ako kaya muli akong napasimangot. He’s right... ibang-iba na nga ako ngayon. Ni hindi ko nga namalayan ang lahat ng pagbabagong iyan. I matured. Well, physically at least! My boobs aren’t that big yet, pero kahit papaano ay may laman naman! I have curves, too. And my long slim legs can do me good in modelling. Pulang lipstick ang ginamit ko sa halip na simpleng lipstick lang. Isang formal office dress ang sinuot ko at pares ng puting heels. Sinuot ko rin ang paborito kong earrings at dinampot ko na ang aking bag. Ayos na ayos ako kahit dito lang din sa hotel ang meeting. Ito ang unang beses na makikita nila ako rito. Kailangan ay maganda rin naman ang impresyong iwan ko sa kanila. Just enough to not get my future image affected. Click ng heels ko ang naririnig habang patungo ako sa pagdarausan ng meeting. Kasama ko na ang isa sa mga secretary na ibinibigay sa akin ang details ng meeting. Sakto lamang sa oras ang pagdating ko sa opisina. Naroon na ang lahat. Nasa akin ang mga mata nila nang bumukas ang pinto at pumasok ako. Moment of silence greeted me like an angel just passed by. Napasinghap ang ilan at ang iba ay titig na titig sa akin habang humahakbang ako. Kapapasok ko pa lamang ngunit alam ko na agad na mature at professionals ang nasa room na iyon. I am most likely to be the youngest! “Good morning, Miss Everleigh,” bati ng isang mabilis nakabawi sa pagkakatingin sa ‘kin. I flashed a smile. “Good morning.” Tumayo ang lahat bilang senyas ng pagbati at naupo na rin ulit kami nang sabay-sabay. I sighed. Pinasadahan ko sila ng tingin isa-isa. I don’t know how to run a team, alright, but I am a fast learner. Siguro naman pwede na iyon? Nagsimula agad ang meeting. Hindi pa nila ako kilala nang pumasok ako. Halos hindi makapag-focus sa meeting ang ilan dahil sa presensya ko at panay ang paggawad ng tingin habang nakatingin lamang ako sa nagpe-present. “Shall we proceed to the highlight of this meeting?” nakangiting sabi ng nasa harapan. I was playing with my pen boredly. Hindi ko akalaing medyo boring pala ang meetings na ganito, para akong nasa klase. Ang kaibahan lamang ay kailangan kong makinig or else I’ll be doomed! “We all know that the main branch of Alta Rejos is located here in El Amadeo, the hometown of Mr. Altarejos...” Marami pang sinabi ang nagsasalita sa harapan, which I assume is one of the executive officers. “And now, we will be welcoming Mr. Altarejos’ only daughter, Miss Everleigh Zarina,” pagpapakilala nito. Namutawi ang palakpakan sa meeting hall. Tumayo ako para mas magpakilala pa. “I hope we can work together effectively...” huli kong sinabi, and they all clapped again. Akala ko ay iyon na ‘yon. Wala nang tututol. I thought everything was running smoothly, kaya naman nang may eksahedarang nagsalita ay napatigil kaming lahat at natuon ang atensyon dito. Hinanap ng mga mata ko ang babaeng nagsalita, isang babae na mukhang mas matanda kaysa sa ‘kin. “Why is this so rush? And don’t all of you think that it is a risky decision? To put... someone like her in the president position?” Umangat ang kilay ko sa narinig. Napatayo ako nang tuwid at tumikhim, matamang tinapunan ng tingin ang babae. Long jet black straight hair. She has a slightly morena skin than me. At kahit nakaupo ay hula ko na matangkad din ito. “Excuse me?” Hindi ko napigilan na sabihin iyon! Nag-iwas ng tingin ang babae at tiningnan ang board members. She sighed, bago seryosong nagsalita. “I’m sorry to say this, but I don’t think that this is a practical decision to put someone who is way too young and inexperienced for this kind of field. Especially now that we have lots of problem to solve about the hotel.” “Excuse me, Miss. Are you insinuating that I am incapable of running my own father’s hotel?” I raised my eyebrow. Pinagkrus ko ang mga braso ko at hindi inatrasan ang diskusyon. To tell you frankly, I was born to negotiate! I was born to rule. I was born to lead this company! At sino ba ang babae na ito sa akala niya?! “That’s just my opinion, Miss Altarejos,” sagot ng babae na hindi yata natatakot masisante! Nakaramdam ako ng kaunting iritasyon. Naputol ang usapan na iyon ngunit kahit nang maupo ako ay itinatak ko na sa aking isipan na alamin ang pangalan ng babaeng iyon. Who does she thinks she is para humarang-harang sa tagapagmana ng hotel na ito? My mood was ruined when I stepped out of the meeting hall! Lalo pa at nakita ko rin na ang iilan sa board members ay sang-ayon din sa sinabi nito. “Who is that girl?” iritado kong tanong sa isang babaeng secretary. “S-Siya po ang chief financial officer, Miss Everleigh.” “What’s her name?” “S-Si Miss Camila Viovicente po.” Napatango ako habang seryoso pa ring nag-iisip sa paglalakad. After that meeting, and after knowing that it is possible na tanggihan ng board members ang desisyon na ilagay ako sa president position, nagsimula akong mainis. Dapat nga ay matuwa pa ako, hindi ba? I’ll have no reason to stay here! Pwede ko na lang sabihin kay Dad na itapon na lang ako pabalik sa Maynila. Kaya naman ano ba itong nararamdaman ko? Maagang natapos ang meeting na iyon at dahil sa naging diskusyon, wala muna akong magiging papel sa hotel. Pabor naman iyon sa akin dahil si Daddy naman talaga ang may gusto na matutunan ko na ngayon ang pagpapatakbo sa Alta Rejos. Iritado pa rin ako kahit natapos na ang meeting. Paglabas ko sa lobby ng hotel ay nag-aabang na si Adriano. Iniwan na rin ako ng secretary nang maihatid sa labas. “Saan po tayo, Ma’am Leigh?” tanong ni Adriano na binubuksan na ang backseat. Umiling ako at nilahad ang aking kamay. “I’ll go home alone. Give me the key. May ipapagawa ako sa ‘yo... kaya’t ako na mag-isa ang babalik sa mansyon. Just stay here at the hotel.” Bumalatay ang pag-aalangan dito, mukhang alinlangan pang sumunod. “Ano pong ipapagawa n’yo, Ma’am?” “Send me the details of this certain Camila Viovicente. Pati na rin ang lahat ng executive officers ng Alta Rejos. I need it all tonight.” Binigay rin naman ni Adriano ang susi sa akin nang wala nang nagawa. Pumasok na ako sa loob ng driver’s seat at nagsimula nang magmaneho papalayo sa hotel. I took a slow drive around the area. Halos isang oras din ang byahe mula Laia patungo sa mansyon na nasa mas sulok na bahagi ng probinsya. Kahit papaano ay nakatulong iyon na pakalmahin ang pag-iisip ko. Habang binabagtas ang coastal road ay hindi ko maiwasang mamangha sa malawak na dagat. Sa kabilang bahagi ng kalsada ay ang mga bulubundukin ng El Amadeo, sa kabilang bahagi ay ang dagat. Saktong taas lamang ang kinalalagyan ng coastal road. Kaunting tahak sa buhanginan sa ibaba ay dagat na. Mula rito ay natanaw ko ang paghampas ng mga alon sa buhanginan. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa bigla na lang tumigil ang sasakyan ko sa may arko. “What the hell?” asik ko nang unti-unting ayaw nang umabante ng kotse. Kinabig ko ang manibela ngunit huminto na ito. I sighed frustratedly. Bumaba ako sa sasakyan at sinilip ang problema. Nakita ko ang flat na gulong sa harapan! Inis kong inalis ang shades na suot ko at pabagsak na sinara ang pinto ng driver’s seat. Tirik na tirik ang araw at ang papansin na Sedan ay ngayon pa piniling masira! “Oh, come on! Really?” Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan na agad si Adriano ngunit walang signal. Ang malas-malas ko ngayong araw! No, nagsimula ang kamalasan ko noong bumalik ako rito! Ang nangyari sa batis, si Reigan, that Camila, and then this? Just great! Masiyadong malawak ang talahiban. Matataas ang mga damo na nililipad ng hangin. Magsisimula na sana akong maglakad nang biglang may tumawag sa akin mula sa likod, sa isang paparating na sasakyan. “Miss! Napaano iyan?” tanong ng isang lalaki pagtapos sumilip sa bintana. “Uhm, nasira! Flat tires!” sagot ko sabay tingin sa gulong. “Nako, mabuti at malapit lang ang talyer dito! Tulungan ka na namin!” offer nito sabay baba sa isang owner jeep. The man looks decent and nice. “Flat nga...” sabi nito pagkakita sa mga gulong. Tinawag niya ang kasama. Sinubukan nilang paandarin ang kotse ko pero ayaw na. “Sumakay ka na lang muna rito, Miss. Taga-talyer kami. Pwede mong ipaayos ito roon! Huwag kang mag-alala, mabubuti kaming tao,” sabay tawa ng isang mukhang bata pa, mukhang kaedad ko lang. Mukha namang mabait sila at mukhang walang gagawing masama. Nakita ko na mga supply pangtalyer ang laman ng owner jeep. “Okay, thank you,” pasasalamat ko noong sumakay na sa sasakyan. Ipapakuha na lang daw ang sasakyan at tinawagan na. “Taga-rito ka ba, Miss? Parang ngayon lang kita nakita rito?” tanong ng mas bata habang sinaway ito ng isa. “Ano ka ba naman, Sanders! Huwag mo nga siyang takutin!” “Uy, hindi, ah! Tinatanong ko lang. Huwag kang matakot, Miss, ah, mukha lang kaming masamang-loob pero mabait kami...” sabay tawa na naman nito. Ngumiti ako. “Taga-rito ang mga magulang ko. Umuuwi lang ako kapag bakasyon... pero three years ago na ‘yong huli kaya parang gano’n na nga... I’m new here.” “Oh! Ilang taon ka na ba, Miss?” Para akong nasa interview. “Hoy, Sanders, huwag mo siyang guluhin! Parating na tayo, Miss, huwag mo na lang pansinin ‘yang si Sanders.” Natawa na rin ako. They’re funny! I don’t think they’re harmful! Tumigil nga ang sasakyan sa isang talyer. Nakalagay rito ang pangalan ng shop. May mga gumagawa at may iilang kotse rin ang inaayos sa ngayon. Nagsitinginan ang mga ito sa amin nang makitang may kasama sina Sanders at napatigil sa ginagawa. “Nasiraan sa may arko! Teka lang, Miss, ah! May kilala akong makakatulong sa ‘yo ngayon din!” sabi ng nagmamaneho kanina at nagpaalam muna saglit. I looked at the whole auto repair shop. Nag-iisip pa ako nang hindi nagtagal ay bumalik na ito nang hindi nag-iisa. Sa likod niya ay mayroong nagsalita. “Ano raw ang nasira sa sasakyan?” Napalingon ako sa seryosong tanong na iyon at ganoon na lang ang pagkatigil nang mapagtanto kung sino iyon. Mula sa seryosong pagpupunas sa mga kamay nito ay nilipat ni Reigan De Alba ang tingin sa akin, at katulad ko ay natigilan din nang magtama ang paningin naming dalawa. I swallowed hard when I saw and felt the familiarity of his presence. Hindi ko napigilan na bumaba ang tingin sa kaniyang katawan, wearing his casual maong pants, topless, at nasa balikat ang isang malinis na t-shirt. His muscular body almost made me jump!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD