“Tara na po, Lolo Checo,” sabi ko habang tulala at nanlalamig ang mga kamay noong lumabas ako sa bahay at nagtungo sa kung nasaan sina Lolo Checo. Sa hindi ko malamang dahilan ay namimigat ang dibdib ko. “Oh, siya, sige. Tapos na rin naman ito,” sabi ni Lolo noong binabanlawan na ang kabayo. “Kukunin ko lang ang ihahatid natin sa Lola Sonyang mo, hija.” “Sige po...” Naghintay ako kay Lolo Checo at inabala ko na lamang ang sarili ko sa paghaplos sa ibang kabayo na ngayon ay kakatapos lang paliguan ng ibang trabahador. Mabilis ang pagtangkad ko. Ngayon ay hindi na ganoon kahirap sa akin na abutin itong kabayo. Matangkad din naman si Mommy kaya hindi kataka-taka na mamamana ko iyon. Winala ko sa isipan ko ang nakita. Dumaan muna kami ni Lolo Checo sa kanilang munting bahay sa tabing