“Mr. And Mrs. Altarejos, pasensya na pero ito na ang ikatlong punta ni Everleigh dito sa guidance office. She has already reached the maximum,” naiiling na sabi ng school administrator namin noong nahuli akong mag-cutting class kasama ang dalawa kong kaklase. Nilingon ako ni Mommy Katrina na hiyang-hiya sa pagkakatawag sa kanila, pati na rin si Daddy na halos mapailing-iling lamang sa akin. Ngumuso ako habang nasa kinauupuan. At iyong dalawa kong magaling na kaklase ay tinuturong ako raw ang pasimuno samantalang pumayag din naman sila sa planong mag-cutting class para mag-mall. “Is there anything we can do para hindi ma-suspend ang anak namin, Mr. Perez? I’m sure Everleigh is willing to do anything...” pakiusap ni Mommy. Sa huli ay lumabas kami sa guidance office na pinagsasabihan