Habang umaandar pa rin ang telebisyon ay napansin ko ang pananahimik ni Hazel. Paglingon ko ay nakatulog na pala siya. Napangiti na lang ako at binalik ang atensyon ko sa aking cellphone. Hindi pa kasi ako makatulog dahil masiyado akong excited para bukas. I really miss Reigan now. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. I sighed and tried to open my social media account. Pagbukas pa lang ay bumungad na sa akin ang post ni Louis with his newest girlfriend. Naka-school uniform pa sila at hinahalikan niya ang ulo ng babae. Napailing-iling naman ako. May itsura naman talaga si Louis. Isa siya sa mga pinakahabulin sa high school namin dahil soccer player. And I’m known as the girl who only dates the popular boys in our campus. Hindi ko na pinansin ang pictures nila kung saan naka-comme