Dahil tila wala sa sarili, halos si Hazel na ang humila sa ‘kin pababa sa kinaroroonan namin noong pwede nang lumapit kina Reigan pagtapos ng mismong event. Naabutan pa namin ang kasamahan nila sa racing. They were laughing, nagkakantyawan at tipikal na bangayan ng mga lalaki. Mukhang may pinag-uusapan sila noong makalapit kami ni Hazel. May mga ilan na ring lumapit. Natagpuan ng mga mata ko si Reigan na kausap ang dalawa pang kasamahan sa racing at iyong team principal nilang si Sir Simon. “Hazel...” pigil ko muna kay Hazel pero huli na rin dahil hindi na nga namin kinailangang tawagin pa si Reigan para makuha ang atensyon niya. Kusa na siyang lumingon noong mapansin kami kaya naman ganoon na lang ang ngisi ni Hazel at tuluyan na akong hinila palapit sa kinaroroonan nina Reigan.