Kabanata 6 - Dilim

2053 Words
Bumukas ang gate ng mansyon nang makita nila kaming parating. Nag-aabang si Alda roon na parang kanina niya pa ginagawa ang pagpapabalik-balik para hintayin ang pagdating ko. She looked like she just called all the saints she knows. Mukhang kaninang-kanina pa siya hindi mapakali. “Senyorita!” agad niyang tawag nang matanaw kaming paparating. Natigilan din sila agad nang makitang hindi lamang ako ang sakay ng kabayo. Pati ang mga trabahador na naroon pa ay napatigil din nang makita na hindi ang kabayong dala ko kanina ang dumarating ngayon. “Oh, Reigan?” nagtataka at gulat na tanong ni Esmeralda habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Reigan. Tumigil ang kabayo sa mismong tapat nila. Ramdam ko ang mga mata nilang nakatuon sa amin lalo na kay Reigan na nasa aking likod. Nag-iwas ako ng tingin at pinanatiling malamig at walang reaksyon ang tingin. I’m still soaking wet for Pete’s sake. Mukha akong nalunod at sinagip lamang! Kahit na sino’y magtataka kung ano ang nangyari at kung bakit ganito ang ayos ko at kung bakit kasama ko pa si Reigan De Alba. “Ano ang nangyari, Senyorita? Ayos lang ba kayo?” nag-aalalang tanong ni Esmeralda at lumapit kaagad. Reigan who was behind me smiled at Alda. Nag-iwas ako ng tingin sa mga tao. Ni hindi ako makatingin kay Alda o sa mga tauhan! Kung hindi ba naman ito isang kahihiyan! “Ayos lang, Esmeralda,” sagot ko na halos panginigan sa lamig. Bumaba si Reigan sa kabayo. His horse is huge and taller than the white horse! Hindi katulad ng sa akin na kulay puti ay madilim na kayumanggi ang sa kaniya. Just as dark as his presence! Hindi nga nakakapagtaka na ganitong kabayo ang kaniyang pag-aari. Kung ang kabayo rin na ginamit ko kanina ay may kaunti pang konsiderasyon, itong sa kaniya ay wala! Kung wala lang ako sa harap niya at pinoprotektahan ng kaniyang mga bisig ay baka tumilapon na ako. The horse wasn’t as smooth and as gentle as the white horse I used, but he managed to tame it. Like a commander ordering his soldiers. He jumped out of the horse smoothly, leaving me on top of it. Halos hindi ako makatingin sa kaniya kaya tinuon ko na lamang ang mga mata ko kay Esmeralda, like asking her for help or some! “Kailangan kong makausap ang don, Esmeralda. Nariyan ba?” Kalmado ang kaniyang boses but that doesn’t mean that it was not dangerous! Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang gagawin niya kung bakit niya hinahanap si Dad! “Wala ang don. Sa susunod na araw pa iyon darating. Nauna lamang ang senyorita,” sagot ni Alda. Reigan nodded and immediately shifted his gaze at me. Pinagtaasan ko siya ng kilay para lamang iparating na hindi naman ako ganoon kaapektado sa kaniyang presensya. Inilahad niya ang kaniyang kamay para tulungan na ako sa pagbaba, but of course, as the prideful Everleigh Zarina Altarejos, I didn’t accept his hand. Bumaba ako nang mag-isa sa ibabaw ng kabayo. Mabilis inabot ni Alda ang pinakuha niyang tuwalya at pinatong ‘yon sa mga balikat ko. She helped me cover myself. Ganoon na lamang din ang pagsinghap ni Alda nang makita ang kabuuang ayos ko, ang basa kong grey tank top kung saan bakat ang bra ko. “Anong nangyari sa inyo, Senyorita? Nasaktan ba kayo?” magkahalo ang pagtataka at pag-aalala niyang tanong. “Nothing, Alda. I’ll go to my room now,” malamig na sabi ko at sinulyapan lamang nang isang beses si Reigan. Tinalikuran ko na silang lahat at halos takbuhin ko ang pagitan ng gate patungo sa loob ng bahay. I clenched my fist as I endured my shaking knees. Binilisan ko ang aking lakad. Hindi ko alam kung bakit ako nanginginig, kung iyon ba ay dahil sa lamig o dahil sa isang presensya. “Senyorita Leigh—” “Let her, Alda,” dinig kong saad ni Reigan. Hindi na ako nakinig o lumingon pa. Mabibilis ang hakbang ko nang tinungo ang loob ng bahay at agad na pumanhik sa aking kwarto. As soon as I slammed the wooden door, I pressed myself against it. Napahawak ako sa rumaragudon kong dibdib at pumikit nang mariin. I opened my lips to catch my breath. Nakalimutan ko na yatang huminga kaya hinabol-habol ko ito. Damn! Ano ang nangyari? Pinakalma ko ang sarili ko at sa halip na mag-ayos at magbihis ay agad kong tinungo ang bintana. Hinawi ko ang kurtinang tumatabon dito para tumingin sa labas. Nakita kong naroon pa rin ang kabayong pag-aari ni Reigan at kausap niya pa rin si Alda. Kahit ang mga tauhan namin ay binabati siya! Maging siya ay ngumingiti rin sa mga ito na tila ba siya isang bisitang laging welcome sa lupaing ito. They all looked fascinated with him. I can’t blame them! It’s Reigan De Alba, the jack of all trades and master of all among the De Alba cousins. Ang panganay sa mga magpipinsang De Alba. Their family is known for being ruthless. Ang lahat ng kumakalaban sa kanila ay hindi makalalagpas. Nakatayo siya sa baba at mukhang seryoso ang napag-uusapan. Alda was saying something. Sana lamang ay hindi iyon against sa akin! Reigan was crossing his arms against his broad chest. Ang kaniyang tangkad ay madaling mapuna. He can easily stand out in the crowd with his overall physical appearance! My eyes traced his shoulders. He looked so manly and all his muscles were on the right places. Despite years passing by, ganoon pa rin siya. Strict, domineering, unyielding, and untamable. Naramdaman ko ang kakaibang kirot sa aking dibdib nang muling bumalik sa alaala ko ang lahat. He was my young love and this town means his name. Ang El Amadeo ay si Reigan. At si Reigan ang bayang ito. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Reigan sa kwartong kinaroroonan ko, sa bintana kung saan ako nakasilip. At mula sa kaniyang kinatatayuan habang magkakrus ang mga braso’t seryoso ang tingin ay sinalubong ng mga mata niya ang tingin ko. Napalunok ako. Kumuyom ang aking kamay na nakahawak nang mahigpit sa kurtina. Sa pag-ihip ng hangin ay nagbalik ang alaala ng sunod-sunod na summer kung saan nagsimula ang lahat. “Ano ang gusto mong i-take para sa summer na ito, Everleigh?” tanong ni Daddy habang sakay kami ng kaniyang jeep wrangler. Nasa backseat ako at si Mommy ay nangingiti mula sa passenger seat. “Hmm. I don’t know yet, Dad. Noong nakaraan ay swimming. Tapos ko na rin ang piano, violin, at taekwondo. I can’t think of anything, Daddy,” sagot ko habang nakatingin sa bintana at pinagmamasdan ang nadaraanan naming malalagong damuhan. Sumimangot ako. Eleven years old na ako ngayon. At this age, medyo marami na akong alam at nasusubukan kumpara sa mga kaklase ko, palibhasa’y hindi lumalagpas na summer na wala akong bagong natututuhan. Dad is just too willing to enroll me to different classes. “Bakit hindi na lang tayo sa Japan for this summer, Dad? I really wanted to go there! Ang mga friends ko po ay sa ibang bansa magbabakasyon...” reklamo ko sabay halukipkip. Sila ay ipinagmamalaki ang iba’t ibang bansa na pananatilihan nila ngayong summer habang ako ay narito sa isang probinsiya! “Anak, presko ang hangin dito at tahimik. Makakapag-relax ka. The best way to unwind is to be with nature,” sagot ni Mommy na sinang-ayunan naman ni Dad sabay hawak-kamay nila. Sweet. “And, Leigh, hija, your dad is meeting with a friend. Malapit lang ang kanilang bahay sa atin. You can always play there! I’m sure hindi ka mabo-bored dito,” natutuwang pamalita ni Mommy sa akin. “Tama ang mommy mo, Leigh. Aside from taking summer classes, marami ka ring magiging kaibigan dito.” Doon nga kami sa tinutukoy nilang kaibigan ni Daddy at kasosyo sa negosyo tumuloy pagkarating namin sa El Amadeo. Ang sabi nila Mommy ay may malaking pagsasaayos sa hotel namin sa Laia, a city in El Amadeo, na isang dahilan kung bakit kami narito. Sinara ni Daddy ang pinto ng backseat pagkababa ko, habang ako ay tinitingala ang napakalaking mansyon sa aking harapan. Hinawakan ni Mommy ang balikat ko at nakangiting tiningnan din ang bahay. “Ito ang mansyon ng mga De Alba, Leigh. Sila ang isa sa mga pinakamayamang pamilya sa El Amadeo. Your Tito Silvianno is a dear friend of your father,” kwento ni Mommy. “Wow! Ang laki ng bahay nila, Mommy,” mangha kong sinabi. Tumuloy kami sa loob. Sinalubong kami ng mayordoma at sa entrada ng bahay ay ang mag-asawang De Alba, sina Tito Silvianno at Tita Devone. I have met them once in Manila. Palipat-lipat kami dahil sa trabaho ni Daddy pero madalas kaming nasa Maynila dahil naroon ang main office ng kompanya, ang Alta Rejos Hotels. “Kumpare!” masayang tawag ni Tito Silvianno at agad kaming sinalubong. Tita Devone and Mommy hugged each other so dearly. “Mabuti at nakarating kayo. Sakto at handa na ang tanghalian,” maligayang sabi ni Tita Devone saka tumingin sa akin. “Oh, Leigh, hija, ang bilis mong tumangkad! Para ka nang teenager! Ang ganda-ganda mo na! Huling punta mo rito ay seven years old ka pa,” magiliw na sabi sa akin ni Tita Devone at hinaplos ang aking buhok. Ngumiti ako at pinagmasdan ang mga magulang ko at ang mag-asawang De Alba na malapit sa isa’t isa. I heard that they are all high school friends in this town. “Halika na sa loob. I’m sure gutom na kayo sa byahe,” sabi ni Tita Devone. “Sumunod ka agad, Leigh. Be a good girl, okay?” paalala ni Mommy na ikinatango ko. Pumanhik na sila patungo sa sala habang ako ay inililibot ang tingin sa buong bahay. Napakaganda ng bahay ng mga De Alba. Sobrang yaman nila! I looked at the paintings. Mukhang ito ang mga ninuno nila. They are a one big family. Nakita ko sa isang banda ang daan patungo sa mukhang hardin. Agad ko iyong pinuntahan at nakita ko na sa labas nito ay ang isang kasambahay na hindi mapakali habang palinga-linga. “Nasaan na ba ang batang iyon?” tarantang usal nito. I crossed my arms and watched the lady. Hindi nagtagal ay tumingin din naman ito sa akin. “Pasok ka na sa loob, hija,” marahang saad nito. “May hinahanap po kayo?” tanong ko at lumapit. Namangha agad ako sa nakita kong mga bulaklak. Ang gaganda kasi nito! Bago pa makapagsalita ang kasambahay ay napatingin na kami sa loob ng bahay. Si Tita Devone. “Where is Reigan, Manang? Narito na ang mga bisita. Pinatawag ko na ang mga pinsan niya sa taas. Siya lang ang wala?” nakaismid na tanong ni Tita Devone. “Ah, eh, Madame...” Nailing-iling si Tita Devone. “Tell him he’s grounded pagbalik niya, Manang.” Sumimangot si Tita Devone. She apologetically smiled at me after. “Huwag mong gagayahin ang Kuya Reigan mo, Leigh. He’s too hardheaded sometimes. Naku.” Nauna nang pumasok si Tita Devone sa loob ng bahay. Sabi niya’y sumunod din daw ako agad para makakain na. Iyon na sana ang gagawin ko ngunit nakarinig ako ng mga yapak ng kung ano mula sa gate ng mansyon. Napatingin ako roon. The housemaid rushed. Pinagmasdan ko ang isang matangkad na lalaki na sakay ng kabayong kulay brown. Wala itong suot na pang-itaas na halos ikanganga ko. Yuck! Wala ba itong pambili ng damit?! “Ano ka ba naman, Reigan! Hinanap ka na ng mommy mo! At grounded ka na raw,” sabi ng kasambahay sa lalaki nang bumaba ito sa kabayo. “Ganoon ba, Manang?” Tila wala lang ito sa kaniya. Nagulat ako nang tumingin ito sa aking gawi, sa pagitan ng mga halamanan. Matangkad ang lalaki na ito. Katulad ng mga modelo na nakikita ko sa TV! Ang malalim na mga mata nito ay naghatid ng kaba sa ‘kin. If he’s in a story book, I’m sure he’s not the hero but the villain! “Sino ang batang iyon, Manang?” dinig kong tanong ng lalaki sa kasambahay. Nanlaki ang aking mga mata sa narinig na tanong. Ang kakaibang presensya at madilim na dating ng lalaki ay naghatid sa ‘kin ng kaba. Agad na akong tumakbo papasok sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD