“Bumalik ka rito! Pervert!” sigaw ko pa rin. He tried to get away by running but I am fast enough to be in the same pace as him.
Tinigil ko ang kabayo at sa halip ay bumaba rito. Kapag naabutan ko talaga ang lintik na ‘to!
“I-delete mo iyan! Bastos!” sigaw ko. Naabutan ko ang lalaki at agad hinatak ang damit nito mula sa likod. Natumba siya sa damuhan. Mabilis ko siyang inapakan sa kaniyang likod at diniin doon ang boots ko bago pa ito makapiglas.
Kinuha ko ang mga kamay nito at nilagay sa likod ngunit mabilis nitong binato ang cellphone patungo sa kung saan at pumasaere iyon.
“F*ck you!” sigaw ko sa lalaki at halos balian siya ng buto na marahas niyang ikinahiyaw. “Bakit mo ako pinapanood at kinuhanan, huh?! Bastos! Ipapakulong kita!”
“Sige, gawin mo!” nakangising sabi ng bastos na iyon at nagpumiglas hanggang sa makatakbo ito palayo.
“Sh*t, you f*cking asshole! Pervert! Madapa ka sana! Matamaan ng kidlat!” sigaw ko at akmang hahabulin ko pa siya nang may pumigil sa akin.
Doon ko lamang napansin na may dalawang lalaki na hindi ko alam kung dumating lang o nauna sa amin ng bastos na iyon!
“Bitawan mo ako! Hahabulin ko iyon!” Akmang tatakbuhin ko ang corn plantation nang pigilan ako nito at halos kabigin ako sa tiyan.
The hell!
“Trespassing ka, Miss,” sabi ng isang malalim na boses.
Natigilan ako at napalingon dito. Halos manlamig ang buong kaluluwa ko.
Isang pamilyar na lalaki ang nakatayo sa aking gilid. Pinipigilan ako sa paglagpas sa lupaing may nakalagay na ‘no trespassing’ at ‘private property’ na karatula.
Napakurap ako nang napatitig sa gwapo nitong mukha. A tall, handsome man towered over me. Isinasayaw ng mabining hangin ang hibla ng kaniyang buhok habang malalim na nakatingin sa akin ang kaniyang mga mata. His dark eyebrows met in frustration.
Nag-igting ang panga nito bago unti-unting bumaba ang tingin sa ayos ko.
“Ano ang ginagawa n’yo? Trespassing ang kasama mo...” he added in a strict, rough voice.
“R-Rei... Reigan?” Nahirapan akong tawagin ang kaniyang pangalan. Nangunot ang noo ko sa sobrang pagtataka at gulat.
It’s been... so long. But I can’t be mistaken. This is Reigan De Alba! The first born among De Alba cousins. Walang iba kundi ang... ang anak nina Tito Silvianno at Tita Devone!
Sa kaniyang tabi ay isa pang lalaki na sinusundan ng tingin ang tumatakbo na walang kawala sa paningin namin sa sobrang lawak ng corn plantation.
“Leigh...” tawag ni Reigan, nakilala ako agad. “Anong nangyayari? Sino iyon?”
Nilingon ko ang tumatakbong lalaki na halos magkandarapa sa sobrang takot. Ang kaniyang cellphone ay nahagis sa isang tabi na kinuha ng kasama ni Reigan.
“Nasa batis ako. He took a picture or video of me... I don’t know,” sagot ko na wala sa sarili. “Bitawan mo muna ako. K-Kailangan kong habulin iyon.”
Akmang aalis ako pasunod nang muli niya na naman akong pigilan. With irritation starting to arise, I looked up to him.
He’s wearing a black sando, black pants, and black boots. Almost the same as mine! His very much trendy hairstyle highlighted his manly facial features, and damn, three years was indeed long!
Naging malamig ang mga mata ni Reigan at nilingon niya ang lalaking tumatakbo sa gitna ng kanilang lupain para tumakas. Isang tango sa kaniyang kasama ay agad itong naglabas ng cellphone at may tinawagan.
Napahawak na lang ako sa magkabila kong siko, crossing my arms on my chest when I remembered how wet I am now. Nabasa na rin ang mga damit ko dahil basta ko na lamang iyon sinuot kanina para mahabol ang lalaki.
Halatang galing ako sa batis. Ang mahaba kong buhok ay basa rin. My pants aren’t even zippered properly! At sa suot kong light grey tank top ay bumakat na ang bra kong basa!
“Don’t worry, hindi iyan makakatakas,” sabi ni Reigan habang bumababa na ang tingin sa ayos ko. “Did he touch you? May ginawa ba siya sa ‘yo?”
“W-Wala...” sagot ko ngunit nanatili ang matalim niyang tingin sa nalaman.
Ni hindi ako makatingin sa kaniya. Hindi ganito ang naisip kong una naming pagkikita. I thought we’re going to meet in a decent party or something while I’m dressed and prepared to see him again! Oh, God! No!
“I need to go,” malamig kong sinabi at tinalikuran na siya.
“Sandali, Leigh.” Pinigilan ako ni Reigan. “Mukhang nasugatan ang braso mo,” sabi niya. Tiningnan ko ang braso kong nagalusan nga.
“I can do it. Babalik na ako,” pagmamatigas ko pa.
“Kailan ka pa dumating?” tanong ni Reigan habang inaayos ko ang aking sarili. Napatikhim ako at nag-angat ng mga mata sa kaniya. Nagtama ang paningin namin. Nakita ko na may dala silang kabayo. Looks like he’s just casually doing his routine which is to ride horses.
“Kanina lang...”
“Ihahatid na kita sa inyo,” sabi ni Reigan. “Gamutin mo iyang sugat mo. At huwag kang maliligo sa batis nang mag-isa.”
Hindi ko na iyon sinagot pa. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa direksyon kanina kung saan ko naiwan ang kabayo. Sumunod si Reigan.
I still can’t believe he’s here. Sana ay nananaginip lang ako!
“Why the hell are you alone?” tanong pa ni Reigan. “At ni hindi nakarating sa akin na ngayong araw ang balik mo rito...”
“Hmm, maybe because it’s none of your concern,” matapang kong sagot.
Nasa bandang likod ko si Reigan habang naglalakad ako. Ramdam ko ang kaniyang tingin sa akin.
“Hindi ko inaasahang dito kita makikita. At... ganiyan ang ayos,” he muttered. Agad ko nang tinungo ang kabayo at nilingon si Reigan.
Pinagkrus niya ang mga braso habang pinagmamasdan ako na pasakay na roon sa kabayo. He’s still staring at me like he can’t believe I’m really here, alive and kicking!
“Ihahatid na kita, Leigh. Sa akin ka na sumakay. I brought a horse, too. Ipakukuha ko na lang iyan at ipapahatid sa mansyon n’yo.”
Umiling ako agad. The thought of being in the same horse as him made me shivered.
“No, thanks. I can... manage,” sagot ko at sinakyan na ang kabayo ngunit dahil basa ako ay hindi ko iyon magawa. Nananakit din ang mga binti ko sa paghabol ko sa bastos na iyon. At ang kabayo ay mukhang nagtampo dahil nag-iinarte.
Mukhang kapag sinakyan ko ito ay titilapon lamang ako.
“Come on, Everleigh. Don’t you miss your Kuya Reigan?” Reg smirked at my aloofness. “Ihahatid na kita sa ayaw at sa gusto mo. Baka mapaano ka pa riyan. Besides, you’re shivering in coldness and look at your clothes. Para kang basang sisiw...”
Nagngitngit ang mga ngipin ko. Kung kausapin niya ako ay parang ako pa rin ang Everleigh na bata at tumatakbo-takbo sa kanilang hacienda. I hate it. I hate you, Reigan!
“I need to go. Baka hinahanap na ako,” saad ko at pinilit na masakay ang kabayo. Nothing can stop me especially not when I’m about to ride on the same horse as him!
Dahil sa ginawa kong pagpilit sa kabayong nag-iinarte ay halos gumalaw ito na gusto yata akong sipain papalayo. Bago pa ito magwala ay lumapit na si Reigan upang paamuhin ang kabayo.
It immediately gave in to him. Napatingin ako kay Reigan.
“Sakay na,” sabi niya nang medyo umaamo na ang kabayo. Nakatingin siya sa akin at halos hindi naman ako makakilos para sumampa rito dahil sa panghihina ko sa pagkakabasa.
Tumango ako. But like some type of evil, hindi ko magawang sumampa.
Bago pa ako makapagsalita ay natulungan na ako ni Reigan. He held my waist and put me on top of the horse effortlessly. Halos mapanudnod ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib.
“Thanks,” pilit kong sabi na wala na sa sarili. Akmang papatakbuhin ko na ang kabayo nang hawakan ni Reigan ang tali nito.
Pagtapos ay nilingon niya ang kaniyang kasama.
“Ihahatid ko lang. Don’t let the bastard get away. Huwag ninyong paaalisin hangga’t hindi ako bumabalik,” he commanded like a powerful leader. Tumango agad ang lalaki.
“Ako ang bahala, boss. Miss Altarejos... mag-ingat kayo,” paalam nito na mukhang kilala ako.
I just sighed. Halos hindi ako mapakali habang pumupwesto si Reigan sa likod ko. Alam ko naman na wala itong malisya sa kaniya. For the past years, Reigan Laurentius De Alba only saw me as his little sister. Nothing more and nothing less...
“Dito na ako. Alam ko namang hindi ka kakapit sa akin,” sabi niya mula sa aking likod. His hot breath reached the softness of my ear. Halos mapapikit ako sa hatid nitong kaba at dagundong sa aking dibdib.
“Go now, Reigan. I really need to go home!” matigas kong utos habang nakatingin sa daan.
“Reigan?” medyo gulat niyang tanong nang marahan bago unti-unting natawa. “Nasaan ang kuya roon, hmm?” tila nasisiyahan niya pang tanong.
Kuya! Bakit hindi niya tanungin ang mga magulang niya na gumawa ulit ng bata para may tumawag sa kaniya ng kuya!
Umusbong ang galit at labis na iritasyon sa aking dibdib.
“Stop making fun of me.”
“I’m not,” depensa ni Reigan. Naging marahan ang kaniyang boses habang tinatahak na namin ang daan patungo sa mansion ng mga Altarejos at siya nagmamaniubra sa kabayo. “It just fascinates me to see that you’ve grown so much now. You were just a baby...”
I gritted my teeth. Baby?
“I missed you, Everleigh.”
Hindi ko na iyon sinagot pa at tahimik na lamang buong sandali hanggang sa marating namin ang mansyon kung saan nag-aalalang nakaabang si Esmeralda...