Nagbihis ako agad nang maayos na damit, sakto para sa gagawin kong paglilibot. Hindi naman ako magtatagal dahil susunduin din ako ni Adriano mamaya. At isa pa, kapag natagalan ako ay baka itawag pa ni Esmeralda kay Daddy.
Madagdagan pa ang parusa ko sa lupain na ‘to. Hinding-hindi na ako makakapayag.
“I’ll be back later, Alda!” paalam ko habang palabas ng pinto na nakaayos na.
I giggled with the excitement to finally ride a horse again! Alam ko naman na kaya ko ‘yan!
Mataas ang energy ko at excited. Nagmeryenda pa nga muna ako at dahil na rin siguro sa nakatulog ako kaya naman may lakas ako.
I wore a light grey tank top, black fitted pants that will allow me to move comfortably, at pares ng itim na boots. Itinali ko rin ang aking buhok, handang-handa nang sumakay sa kabayo.
“Senyorita! Pasasamahan ko na lang kayo kay Rico,” rinig kong nag-aalalang sabi ni Alda na sumunod palabas ng bahay.
Narating ko na ang kabalyerisa. Naroon ang isa sa mga tauhan kanina at mukhang hinihintay lang din ako para mailabas na ang puting kabayo na gusto ko.
“Don’t worry about me, Alda. I really know how to ride!” paliwanag ko. Alam ko namang nag-aalala lang siya na baka mapahamak ako at siyempre ay kargo niya iyon kay Dad, pero gusto ko talagang pumasyal. Mamamatay ako sa boredom dito kapag wala akong bagong hobby!
“I am very adventurous and sporty. Kung hindi nabanggit sa iyo ni Dad, I have a lot of dangerous hobbies, Alda. Masasanay ka rin sa akin!” Ngumiti ako sa kaniya at nakatingin na sa kabayo.
“Pero, Senyorita—”
“Stop worrying about me. I’ve done things more dangerous than this.”
“Tama si Esmeralda, Ma’am Leigh. Baka kasi ay mapaano kayo. Baka kailangan n’yo munang aralin muli ang pagsakay ng kabayo bago n’yo subukang lumabas sa lupain,” sabi ni Rico, ang isa sa mga trabahador.
Umangat ang kilay ko rito. Isinusuot ko na ang gloves sa mga kamay ko.
“Come on, guys. Trust me!”
Hindi na umangal pa sina Alda at Rico sa sinabi ko. I looked at the white horse. Mataas ito at mukhang matulin kung tumakbo. Just like what I want!
“Heto nga at susubukan ko ngayon din. Para maniwala kayo! Bago ko ilabas,” sabi ko sa kanila para mapanatag ang mga ito.
“Mag-iingat kayo, Senyorita,” kinakabahang sabi ni Alda nang pasakay na ako sa kabayo. Kinuhanan pa ako ni Rico ng mounting block upang makasakay ako.
Nang nasa ibabaw na ako nito, hinaplos ko ang kabayo sakto lamang para hindi ito magulat at manatiling kalmado.
“Northern part, you said?” tanong ko kay Esmeralda na ikinatango nito.
“Makikita ninyo ang harang at ibig sabihin niyon ay sakop na ng mga De Alba ang lupain. Mag-iingat kayo, Senyorita. Mahigpit ang mga De Alba sa kanilang pag-aari.”
Napangiwi ako. Gusto kong matawa nang sarkastiko roon. I’m scared!
Tama nga naman si Esmeralda. It’s been so long since I stepped foot in this place pero naaalala ko pa rin ang isa sa mga maimpluwensiya, mayaman, at makapangyarihang pamilya rito sa El Amadeo.
Ang mga De Alba.
They are known for being wealthy, ruthless, and powerful. Wala yatang sinasanto ang pamilya na iyon. Well, Tito Silvianno De Alba is kind. But also ruthless in business.
“Don’t worry, Alda,” sabi ko at agad ko nang pinakilos ang kabayo.
The horse made a noise. Marahan pa ang takbo nito paikot sa aming bakuran kaya nakampante ako agad.
“See, I still know how to do it!” ngiting-ngiti kong sinabi habang sakay ng kabayong nagpapaikot-ikot sa bakuran. Kahit ako ay hindi ko inasahan na kaya ko pa nga!
Nag-aalangan pa rin sina Alda pero mukha nakampante rin naman nang walang mangyaring masama.
“I think I’m ready to go outside,” sabi ko sa kanila. “Babalik ako bago ang hapunan.”
“Mag-iingat kayo, Senyorita,” paalam din nito.
Nakalabas na ako sa lupain ng mga Altarejos. Little did Alda know, hindi ko na talaga kabisado ang lugar na ito. Kaunti lamang! Ngunit siyempre kapag sinabi ko iyon sa kaniya ay tiyak na hindi niya ako papayagan.
I found an old map from a cabinet sa room kung saan ako nagpahinga. Dinala ko iyon nang makita ko na mapa ito ng El Amadeo. Luma na ito pero nababasa pa naman ang nakasulat.
“Be kind to me, horsey, okay?” pagkausap ko sa kabayo. Medyo gumegewang ako pero kapag kumakapit ako nang maayos ay ayos naman kaya tingin ko ay walang problema kung ilalabas ko nga ito.
“Wow,” usal ko habang pinagmamasdan ang buong kapaligiran. Isabay pa ang hangin na dumadampi sa aking mukha. Nililipad din nito ang mga hibla ng aking buhok dahil wala akong suot na tamang helmet para sa horse riding.
Hindi ko na tinigil ang kabayo. Baka kapag bumalik pa ako ay hindi na ako payagan ni Alda kaya itinuloy ko nang dalhin ang kabayo patungo sa malawak na lupain.
Malaki ang parte ng lupa na patag na patag. Buhay na buhay ang berdeng damo. The sky is also blue and clear, mukhang wala namang nagbabadyang pag-ulan. May parte ring may mga puno.
Sa isang banda, natanaw ko ang isang puno na nakatirik sa gitna.
Pinatakbo ko ang kabayo. Ipinipikit ko pa ang mga mata ko sa malakas na hangin habang dinadama ang preskong hatid nito. I maneuvered the horse as freely as I can.
Maybe going here in El Amadeo isn’t really that bad, right?
Sa malayong dulo ay nakita ko na ang mas maraming puno. Mukhang may pababa roon na parte ng lupain. Sa unahan niyon ay mayroong sementadong daan, ang kalsada. Nadaanan namin iyon kanina.
Hinampas ko ang tali ng kabayo at minaniubra ito patungo sa direksyon na gusto ko, and that is on the other part of this hill.
Ilang beses akong muntik mahulog pero nakakabig ko rin agad at nababawi ang balanse. Pero natutuwa naman ako sa ginagawa ko. Napapangisi pa!
“Good job!” puri ko sa kabayo habang hinahaplos ito. Tumigil na ako sa medyo pababang lupa nang may matanaw akong rancho.
Ipinuwesto ko ang kabayong dala ko sa gilid ng isang puno. Sa parteng ito ay may matataas na damo. Matalahib. Kapag pinasok ko ang parte na iyon ay gubat na. Mas marami nang puno.
Itinatago ako ng matataas na damo dahil sa pinagpupwestuhan ko. I squinted my eyes to see the ranch not far from here.
Is that the rancho owned by the De Albas?
Sa loob ng napakalawak at parisukat na wooden fence ay ang mga hayop. I saw horses. Malaya ang mga ito roon sa loob.
May nakita akong mga tauhan. Sa barn house na kulay pula ay may nag-uumpukang mga trabahador. Sa tingin ko ay malapit na rin ito sa planta ng mga De Alba. Nagmamay-ari sila ng planta mula sa iba’t ibang taniman nila. Aside from the corn plantation, they have vineyard as well. Malaki ang planta nila na pagawaan ng wine. The wine company is under their name as well.
Kung hindi ko lang alam na mabait si Tito Silvianno, iisipin ko talaga na napakagahaman nila sa yaman. They own a lot of businesses!
Sa halip na tunguhin ko ang rancho na iyon ay ang patungo sa gubat ang tinahak ko.
Hangga’t hindi ko nakikita ang corn plantation, I know I’m safe. Doon mahigpit ang mga De Alba. Well, sa kahit ano namang property nila.
Napangiti ako noong sa wakas ay narinig ko na ang lagaslas ng tubig sa loob ng kagubatan. Ito na nga! Hindi talaga ako nagkakamali na kahit ilang taon na akong hindi nagtutungo rito ay hindi ko ito makakalimutan.
Agad akong namangha nang makita ko na ang batis. Napakalinis ng tubig nito! Dinig na dinig ang lagaslas ng talon. Mataas ang pinagbabagsakan ng tubig kung kaya’t maingay rin ito.
Mabato ang paligid. May matalas na mga damo ngunit mayroon din namang parte na mukhang pwedeng paglatagan para makapagpahinga.
Malalim ang tubig. Agad akong naeengganyo na maligo rito kaya naman bumaba ako sa kabayo habang nililibot ng tingin ang paligid.
Mainit pa rin dahil hindi pa bumababa ang araw ngunit hindi na ito sobrang tirik. Walang kahit sinong tao sa batis kung kaya’t tahimik.
Ang tanging naririnig ko ay ang tubig, ilang ibon, at bukod doon ay wala na.
“Behave, okay?” pagkausap ko sa kabayo habang tinatali ito sa isang puno. I patted its head. Medyo gumalaw ang kabayo na tila ‘di pagsang-ayon kung kaya’t tinigil ko rin. Muntik na rin akong mahulog kanina. Medyo mailap din kasi itong kabayong puti. Siguro ay susubukan ko na lang ang iba sa susunod.
Dumiretso na ako sa tabi ng batis at inalis ang tali ng buhok ko saka ko ito hinayaang lumugay.
Hinawakan ko ang aking belt at inalis na rin ito. Can I take a bath naked?
Napangiwi ako sa sarili. Come on, Leigh! Baka mamaya ay may ahas o kung anumang hayop. Hindi ako makakatakbo kung maghuhubad ako!
Pinili kong mag-panty at bra na lang. At least I can run like that!
I carefully removed my clothes. Hinubad ko na ang tank top ko at pinatong sa malinis at tuyong batuhan. My black laced bra is exposed now. Sinunod ko ang aking itim na fitted pants. Nakaitim ako na cycling shorts. Pati iyon ay tinanggal ko rin.
Inipon ko ang aking buhok at sinuklay-suklay, calculating the jump that I want to do. Lalangoy ako patungo sa kabilang parte at mula roon ay may batuhan kung saan pwede akong tumalon. I-che-check ko muna kung may bato sa ilalim akong tatamaan. Of course, I’m just adventurous but I don’t want to die yet!
Nang sa wakas ay maramdaman ko na ang lamig ng preskong tubig, hindi ko mapigilang mapatili sa excitement.
Dinama ko ang tubig. It was the most relaxing bath I ever had since my stay in Manila! Pumikit ako at halos makatulog sa sobrang kalmado ng paligid. Tahimik pa ang lugar. The sound of the nature is the only thing I hear!
Pag-ahon ay hinawi ko ang buhok ko palikod. I immediately felt the cold wind kissing my cheeks.
Nasa gitna ako ng paglalangoy at pagligo nang makarinig ng kaluskos mula sa kung saan. Nilingon ko iyon at nakita ang bahagyang paggalaw ng matalahib na damuhan. Wala naman akong nakita roon.
Thinking that it was just the wind, I ignored it. Ilang minuto pang muli ang lumipas at nakarinig ako ng tila pagkilos kaya muli ko iyong binalingan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaki.
Nakatingin ito sa ‘kin... watching me take a bath. I saw pair of eyes lurking behind that shrubs. Palalagpasin ko na lamang sana iyon dahil baka sakaling napadaan lamang at kuryoso kaya napatingin sa pwesto ko, ngunit nang mapagtantong mukhang kanina pa ito roon at pinapanood ang pagligo ko ay halos mamula ang leeg ko sa takot at sa galit.
“Excuse me?” tanong ko rito.
Nagulat iyon sa ginawa kong pagkausap, mukhang ni hindi agad na-realize na nakatingin ako sa kaniya dahil sa pagtitig at panonood nito!
“What are you doing? Binobosohan mo ba ako?!”
My lips parted when I saw the man holding a phone. Halos manlamig ang sikmura ko. Sh*t!
“What the hell! Bumalik ka rito!” sigaw ko nang agad na itong tumakbo. Tingin ko ay kaedad ko lang iyon base sa tindig!
Mabilis kong tinungo ang aking mga damit. I never wore my clothes so fast in my life! Damn it! Agaran kong sinuot ang aking pants, ni hindi ko ito nai-zipper. Pati ang tank top ko ay basta ko na lang isinuot at ang belt. Kinalas ko na agad ang tali ng kabayo sa puno.
I’ve maneuvered the horse inside the forest. I know he can’t run away so easily! Naabutan ko rin naman ang tumatakbong lalaki papalayo. Got you, pervert!
“Hey, stop!” sigaw ko.
Lumiko ito para ‘di ko siya maabot. Lumagpas kami sa gubat at bumalik sa malawak na damuhan. Natanaw ko agad ang corn plantation!
Damn this pervert! Yari ka sa ‘kin kapag naabutan kita!