“Nandito na po tayo, Miss Everleigh,” sabi ng driver nang huminto ang sasakyan namin sa tapat ng isang malaking gate.
Nanatili akong nakahalukipkip sa loob ng sasakyan. One month passed by so quickly and it’s now summer. Hindi ko akalain na bumibilis pala ang oras kapag gusto mo itong bumagal.
I graduated senior high school. I took up Accountancy, Business, and Management strand.
Parang kahapon lamang ay kasama ko pa sina Claudia, and now I am here, napapaligiran ng mga berdeng damuhan at lupain ng hometown nina Daddy.
Umikot na si Adriano at pinagbuksan ako ng pinto nang mai-park ang sasakyan. Siya ang magiging driver s***h bodyguard ko mula ngayon.
“Halika na po, Miss Leigh.”
I let out a sigh before putting my shades on. Humakbang na ako pababa ng sasakyan. Sumalubong sa akin ang malakas na hangin na tumangay sa mga hibla ng buhok ko.
“Why is it so hot?” reklamo ko sabay ayos sa aking summer hat. Agad akong pinayungan ni Adriano.
A white and a bit old house lies in the middle of the hacienda owned by the Altarejos. I looked up to our old mansion, still standing strong and well-built. Hindi ko alam kung ilang bagyo o sakuna na ang nalagpasan ng bahay na ito ngunit matibay pa rin itong nakatirik sa mataas na bahagi ng lupain.
Napalunok ako sa pamilyar na pamilyar na bahay na iyon. It’s still vivid in my memory. Ang bawat sulok nito ay nagdala ng kakaibang pakiramdam sa ‘kin, awakening everything that I desperately tried to forget over the past years.
Hindi ko namalayang matagal ko na palang pinagmamasdan ang dati naming bahay, unti-unting bumalik ang lahat ng alaala ng lugar na iyon sa akin.
When my mother left us, a part of my father died, too.
Kahit ilang beses kong sinabihan si Daddy na mag-asawang muli ay hindi niya ginagawa. At hanggang ngayon, may mga araw pa ring nami-miss niya si Mommy. Dad can’t unlove my mother. Wala na raw makapapantay sa pag-ibig na meron siya para kay Mommy.
We didn’t live in this house since mom died. Minabuti ni Daddy na manatili na kami nang permanente sa Maynila.
“Bakit may mga tao, Adriano?” tanong ko nang masulyapan ang ilang mga lalaking may binubuhat sa loob ng gate.
“Baka iyan na po ang mga maglilinis. Marami na po kasing lumang mga materyales na naimbak lalo na sa mga kwadro. Pinapaalis na po ng don,” sagot ni Adriano.
Tumango naman ako habang tinitingnan pa rin ang loob. Dala-dala ko ang mamahalin kong shoulder bag at suot ang isang formal dress, hinihintay ko si Adriano na maitulak ang gate.
Ngayon na mainit, tunog ng tuyong mga dahon sa lupa ang narinig ko pagkahakbang. I’m wearing my high heels and although Dad warned me about what I’m going to wear for this, hindi naman ako nakinig at sinunod ko pa rin ang gusto ko.
Gumawa ng langitngit ang bakal na gate nang nabuksan na iyon ni Adriano kaya napatingin sa amin ang mga naghahakot na mga trabahador at iniimbak ang mga itatapon nang gamit at kalat sa isang tabi.
I guess that’s why Dad wants this to be renovated! Siguro nga marami na talagang kailangang ipagawa. Kahit itong gate ay luma na.
“Magandang hapon. Nasa loob ba si Esmeralda?” ani Adriano sa mga trabahador.
Tumango ang isa, ang isa ay nakatingin sa akin at nabitawan ang dalang kahoy, habang iyong isa ay nakikipagsikuhan na at napapangisi. Kulang na lang yata ay mapanganga sa pagkakatitig ang isa. I want to snap my fingers so he’d come back to reality! Ngunit sumimangot lamang ako at napaiwas ng tingin.
“Ito nga pala si Ma’am Everleigh Zarina, ang anak ni Don Iverson at Donya Katrina,” sabi ni Adriano. Siya ang nakakaalam sa mga bagay rito sa bahay namin sa El Amadeo, that’s why Dad appointed him to be my bodyguard and driver.
“Magandang tanghali po, Ma’am Everleigh! Ang ganda n’yo po pala—e-este kayo po pala ang anak ng don? Maligayang pagbabalik po sa El Amadeo!” bati ng isa habang napapakamot sa ulo.
Ngumiti ako nang tipid. “Thanks.” Bahala nang isipin nilang masungit o maldita ako. I’m not here to make friends in the first place.
Sumunod na ako kay Adriano nang tunguhin na namin ang entrada ng bahay. Nahirapan ako sa suot kong may mahabang manggas at idagdag pa ang mataas na heels.
“Siya pala ang anak ng don? Pre, akala ko ay nakakita ako ng anghel na bumaba sa langit!”
“Ang ganda pala ng anak ni Don Iverson! Talagang anak-mayaman ang itsura!”
Dinig ko pa ang pagbubulungan at asaran ng mga trabahador. I was busy looking around when a woman welcomed us.
“Senyorita Everleigh?” Malawak ang ngiti ng isang babaeng may edad. Maybe in her late 30’s. Halos kumislap ang mga mata nito nang lumapat ang tingin sa akin. Mukhang siya na ang sinabing caretaker, na noong fifteen ako ay wala pa naman dito sa mansyon. Bago siya?
“Magandang tanghali.”
“Kay gandang dalaga mo pala, Senyorita! Halika, maupo muna kayo. Sakto ang dating ninyo at natapos na iyong pinalilinis sa labas.”
Ngumiti ako. Pinagmasdan ko ang loob nitong bahay. Sa tapat ng main door ay ang malaking hagdan. Sa kaliwang bahagi nito ay ang sala. The house still embraces old fashion. Sakto lang na nahaluan ng mga modernong bagay.
Napatingin ako sa mga litratong nakasabit sa pader, my ancestors...
Pinasadahan ko ito ng tingin. Hinaplos ko ang isang family picture namin, ako, si Mommy, at si Dad. Lagi nilang sinasabi na kamukha ko si Mommy. Kuha ko ang pagiging maamo ng mukha nito. May katarayan lang ng kaunti ang akin, because my mom literally looks like an angel sent straight from heaven.
“Sandali lang po, Senyorita! Ikukuha ko kayo ng makakain at maiinom. Ano po ang gusto n’yo?” Ang caretaker sa aking gilid. Nilingon ko ito mula sa pagtingin ko sa mga larawan.
“I’m fine with water. Thank you...”
Nagpaalam nito at pumanhik sa kusina. Agad kong binalingan si Adriano pagkaalis nito.
“Inform me as soon as may ma-book kang hotel room sa Alta Rejos. And please, Adriano, help me find a good billiard house, okay? ‘Yong hindi abot ng radar ni Daddy.”
“Masusunod, Ma’am Everleigh. Maiwan ko na po kayo kay Esmeralda,” paalam nito na ikinatango ko. Agad-agad na ring umalis si Adriano. Sakto rin namang bumalik ang babae sa sala.
“Pasensya na nga pala kung wala pang ilaw ang ilang kwarto, Senyorita. Hindi kasi dumating ang materyales ngayong araw. Siguro ay bukas pa iyon magagawa,” paliwanag nito sabay baba sa isang malamig na tubig sa table. “Ako nga po pala ang caretaker nitong mansyon. Nasabi na po ni Don Iverson ang pagdating n’yo kaya nalinis na po namin ang tutuluyan n’yo,” natutuwang sabi nito.
Ngumiti ako at nilibot ang tingin sa paligid.
“Ano nga pala ang pangalan ninyo?” tanong ko. Everything seems new to me. Samantalang tatatlong taon lamang ang lumipas.
“Esmeralda, Senyorita. Alda na lang ang itawag ninyo sa akin. Tatlong taon na akong nagtatrabaho rito. Bilin po ni Don Iverson na kami na ang bahala sa iyo pagdating mo rito kaya huwag kang mag-alala, Senyorita,” nakangiti nitong sabi.
“Oh... really?” I smiled.
“Opo, Senyorita.”
Gusto ko sanang sabihin na kahit Leigh na lang ang itawag sa akin ngunit hindi ko na lang pinagtuunan pa ng pansin ang bagay na ‘yon. Sa halip, pinagmasdan ko ulit ang bahay.
Right, it looks old now and it needs a bit of renovation.
“Ikaw lang po mag-isa rito ang namamahala sa mansyon?”
“Oo, Senyorita. Pero ang bilin ay magdagdag ng kasambahay ngayong dumating ka... ngunit iyon ay kung gusto n’yo lang.”
Tumango ako. “Alright. That’s a good idea. Para hindi ka na mahirapan pa. Mukhang maraming kailangang ayusin sa bahay na ito.”
Sumang-ayon din si Alda. Ilang tanong pa at napagpasiyahan ko nang pumanhik sa taas para magpahinga sandali. Mamayang gabi pa ako masusundo ni Adriano kaya dito na muna ako magpapalipas ng oras.
“Magpapahinga na muna ako, Alda. May kwartong pwede kong hiramin?” tanong ko at tumayo na sa couch.
“Mayroon na, Senyorita. Ihahatid ko po kayo sa pansamantalang kwarto n’yo habang kinakabitan ng bagong ilaw ang talagang tutuluyan n’yo,” may galak na sabi ni Alda.
Sumunod na ako sa kaniya sa mataas na hagdan. This old house that once brought me a one whole happy family sent warmth to my heart, pero naramdaman ko rin agad ang lungkot sa katotohanang wala na nga si Mommy.
We’ll never ever be complete again. Kahit anong gawin ko, hindi na siya babalik. Hindi na kami mabubuo ulit.
Hinawi ko ang kurtina sa kwartong iyon. This was my parent’s room before. The view of the hills of El Amadeo made my heart ache suddenly.
The hills are so alive. The grassland filled my eyes. Walang matatayog na building sa malapit kung kaya’t malakas ang hampas ng hangin at presko pa.
Napangiti ako. Nawala lang iyon nang makita kong nakangiti rin si Esmeralda na mukhang natuwa sa pagkakagusto ko sa tanawin mula rito sa mansyon. Tumikhim ako at binitawan na ang kurtina.
“Uhm, I’ll go rest now.”
“Mabuti nga po, Senyorita. Aasikasuhin ko na rin muna ang mga kabayong parating.”
“Kabayo? Pati iyon ay ipinababalik ni Dad?” tanong ko kay Alda, lumakad na patungo sa isang table. My heels are still clicking everytime I take steps.
“Opo, Senyorita. Pinapabalik po ng don sa mga kwadra galing sa rancho. Siguro po para kapag bumisita ang iyong ama rito.”
Tumango na lamang ako. Mahilig si Dad sa horse riding noong araw. I do know how to ride horses. Minsan na akong natutong sumakay at magpatakbo ng kabayo, but I’m not an expert.
“Alright, Alda. Thank you. Magpapahinga na muna ako.”
Tumango na si Esmeralda at iniwan na rin ako sa kwartong iyon. It’s very old-fashioned. I looked at the tall tree with its few branches lying just near the window. Mayabong na ang puno na noon namang huling punta ko ay hindi pa gaano.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na binuksan ang data ko. Halos mapangiwi ako nang makitang napakahina ng signal!
Nakatulog din ako sa pagod sa byahe namin mula Maynila. Ilang oras din iyon. Kaya nagawa kong makatulog kahit na hindi ako kumportable. Kakaiba ang naging tulog ko dahil hindi airconditioned ang kwarto. Hinayaan ko na lang na nakabukas ang bintana.
Naalimpungatan ako sa aking pagpapahinga nang makarinig ng ingay mula sa baba. My forehead creased. Agad kong tinabon sa mukha ko ang unan at naglikot sa kama.
Patuloy pa rin ang ingay kaya napilitan na rin akong magising.
I heard the clicking of heels on the ground. Tinungo ko ang bintana at hinawi ang kurtina para tingnan kung ano ang mayroon doon at muntik ko na ngang makalimutan. Sabi nga pala ni Alda ay darating ang mga kabayo ngayon para ilagay muli sa kwadra!
I saw at least three horses. Dala-dala sila ng mga tauhan.
Pagtapos mag-ayos ng sarili ay bumaba na rin ako para na rin makapagmeryenda. Nagtungo ako agad sa labas at nakita ang ginagawa ng mga tauhan na pagpupwesto sa mga kabayo patungo sa kwadra.
Tumikhim ako. Agad napatingin sa akin ang mga tauhan.
“Ma’am...” saad ng isa at nahawi sila para mas makita ko nang maayos ang mga kabayo.
I crossed my arms and stood in front of the stable. Tatlong kabayo ang naroon. It’s been a long time since I tried riding a horse. Ang huling uwi ko rito sa El Amadeo ay siya ring huli kong sakay sa kabayo. And that was three years ago! Kaya ko pa rin kaya ito?
“Sige, ituloy n’yo lang ang ginagawa n’yo,” sabi ko at parang batang pinapanood ang mga trabahador na nagkakatinginan at kamot sa batok habang tinutuloy iyong trabaho nila.
“Tatlo lang ba talaga?” I asked the workers.
Tumingin ang isa. “Mayroon pa po, Ma’am Leigh... isusunod po.”
Tumango ako at pinagmamasdan pa rin iyon. “Gusto kong sakyan ang isa...” agad kong sinabi.
The workers looked at each other.
“Naku, Ma’am Leigh, kailangan n’yo muna itong matutunan. Baka po mapaano kayo,” sabi ng isa sa mga tauhan.
“Marunong ako niyan,” saad ko na ikinatahimik nila. Nagtinginan pa na akala mo ay hindi iyon kapani-paniwala!
I sighed and pointed at the white horse. “Iyan ang gusto ko. I want to try that later.”
“Eh, Ma’am?” gulat na pagre-react ng isa.
I raised my brow. Dinig ko ang tawanan ng ibang mga trabahador na nakarinig. Magsasalita pa sana ang trabahador pero hindi na rin nito matuloy.
“Magmeryenda na kayo, Senyorita,” ani Esmeralda habang may dalang juice at palabas sa bahay habang narito kami sa kabalyerisa.
“Thanks, Alda,” sabi ko habang pinapanood pa rin ang kabayo na kinakawag ang buntot nito. It’s very white and shiny! I like that one.
“Ano nga palang ginagawa mo rito sa kwadra ng mga kabayo, Senyorita?” tanong nito at napansin ang pagkakamot-batok ng mga tauhan.
“Gusto ko ang kabayong ito, Alda. Does anyone own this horse? Pwede ko ba itong gamitin?” umaasang tanong ko. Alangan niya akong tiningnan.
“Maaari naman, Senyorita. Pero kapag libreng oras ninyo lang iyan magagawa lalo pa’t pagtapos ng bakasyon ay enrollment n’yo na sa kolehiyo.”
I smiled. Hinaplos ko ang puting kabayo at ang mga tauhan na nananahimik sa kanilang trabaho ay walang nagawa.
“I want that, Alda. Gusto kong subukan ngayon din,” sabi ko habang pinag-iisipan na ang pangalan nito. “I know how to ride horses, I’m just not an expert but I’m very familiar with it! I want you to find someone who can reteach me about horse riding as soon as possible.”
“Naku, Senyorita, wala po akong kilalang...”
Tiningnan ko si Esmeralda. Tumango ito kahit na napapalunok pa.
“Masusunod, Senyorita!”
Tumango ako at malawak na napangisi habang nakatingin sa kabayo. Pumikit-pikit ang mga mata nito.
“Okay. Pero susubukan ko na mamaya. Ready that horse,” sabi ko sa mga trabahador.
Walang sumagot sa akin at nagsiyukuan lamang ang mga ito.
“Am I clear?” pagtatanong ko ulit at nagtaas ng kilay. People said that I look innocent and nice, pero kapag nagtataas na ang kilay ko ay wala nang nakakapalag. Kasabay nga raw ng pagdadalaga ko pa ay tumitriple rin ang kasungitan ko. But the hell I care.
“M-Masusunod, Senyorita,” walang magawa na sagot ng mga ito. My smile grew wider. Iyon naman pala, eh.
Tinalikuran ko na rin ang kabalyerisa para hindi na maistorbo ang mga nagtatrabaho. Mukhang nakahinga sila nang maluwag nang humakbang na ako paalis kasama si Esmeralda.
“Ilang oras ang byahe patungo sa pinakamalapit na mall?” I asked. Bored na ako agad. I want to know kung may bagong interesanteng lugar dito.
“Halos isang oras din, Senyorita. Malapit na iyon sa Laia.”
Napatango ako.
“Okay. Uhm, what about the nearest place that is you know, interesting? Medyo matagal na kasi ang huli kong uwi rito. I want to know if there are new establishments, new owners ng mga properties?”
Naglalakad kami patungo sa fish pond na ngayon ay gusto kong silipin. I remember running around here when I was a kid. Walang mga isda sa fish pond at medyo luma na ang tubig. I guess this is one of the things that I have to take care of.
“Wala na, Senyorita. Ang tanging pinakamalapit dito ay ang Hacienda de Alba...” paliwanag ni Alda.
“Oh! Yeah, I remember. Saan na ang pagitan ng Hacienda de Alba at nitong mansion kung ganoon? I’m sure napalawak na nila ang lupain nila lalo?”
“Makikita mo sa norteng bahagi mula rito ang corn plantation. Sakop na iyon ng mga De Alba.”
Ang corn plantation...
“I want to visit around, Alda. Pero hindi ako lalagpas sa lupain niyang mga De Alba. Gusto kong pumunta sa batis. Madalas ako roon dati. Gusto ko itong makita ulit.”
“Kung ganoon ay pasasamahan ko kayo, Senyorita.”
“No need for that, Alda. I know this place.” Ngumiti ako sa kaniya.
“Pero, Senyorita—”
“Trust me, Alda. I grew up in this place!” paninigurado ko at wala na itong nagawa pa.
“S-Sige ho, Senyorita.”